Visible
Chapter 21
Seoul, Korea
GG Entertainment
Nakakapagod mabuhay sa mundong ito…
“Wow, ang ganda talaga ng kutis mo Ms. Cass…”
“At ang lambot pa ng buhok mo…”
“Sigurado kaming maraming nahuhumaling sa inyong mga boys…”
I smiled.
Oo, kailangan kong laging nakangiti mapa-camera man o tao ang kaharap ko.
“Thank you...pero unnie…mas maganda ang kutis mo…ano bang gamit mo ha? I-share mo naman…” ang nakangiti kong sagot.
Nasa harapan ako ngayon ng salamin habang inaayusan ako ng dalawang make-up artist ko.
“Naku, ikaw talagang bata ka. Syempre mas maganda ang kutis ng Cassandra namin…” ang sweet na sagot ng isa.
I wonder bakit lagi nalang nila ginagawa yun?
Lagi nalang nilang pinapansin kung ano ang itsura ng kutis ko…
Kung ano ang itsura ng buhok ko…
Kung ano ang itsura ng mga mata ko…
“Talaga Unnie?” ang nakangiti kong sagot. “Thank you…”
“Ms. Cass? Tawag ka ni Manager. May pag-uusapan daw kayo tungkol sa press conference” ang sulpot ng isang camera man ng studio namin.
Tama.
At ngayon ay iti-team up nila ako sa leader ng BTS na si Jungkook para lang tumaas ang ratings namin.
Nai-imagine nyo ba kung gaano kadumi ang mundong ginagalawan namin?
I smiled. “Okay. Pupunta na ako”
Yun lang saka ako tumayo at yumuko sa dalawang make-up artist ko.
“Thank you mga Unnie” ang sabi ko.
“Naku…anything para sa alaga namin” ang nakangiti nilang sabi.
Yun lang saka ako tumalikod at naglakad paalis.
At alam kong pagtalikod ko ay sabay na silang mag-i-smirk at babawiin ang lahat ng magagandang bagay na sinabi nila sa akin.
Alam kong nagiging mabait lang naman sila sa akin…
Dahil…
Ako si Cassandra Park, ang leader ng girl performing band na Pinky.
At oo…
Sawang-sawa na ako sa fake na mundong ito.
Taehyung's POV
Years ago…
“Mama! Mama! I want halo-halo!” ang sigaw ng batang si Taehyung sa mama nya.
Nasa labas sila ng airport nuon at sa tabi ng kinauupuan nila ay may mga streetfoods na nakaparada. At naiinggit sya sa halo-halo na mukhang sarap na sarap na kinakain ng mga taong naghihintay din ng flight nila.
Nasa Pilipinas pala sila ngayon at pauwi na sila ngayon sa Korea.
“Taehyung you are not supposed to eat that”
“But why Mama?”
“Because it’s dirty”
“Dirty?” he asked. “But I want halo-halo…!”
“No Taehyung. Just sit there. I’m going to buy you food so behave”
Malungkot naman syang naupo nalang at mag-isang naghintay sa pagdating ng Mama nya.
Pero…
Gusto nya talaga ng halo-halo!!!!
Pero nabigla sya nang may biglang sumulpot na halo-halo sa harapan nya.
At pagtaas nya ng mukha ay isang batang babae na mukhang kaedad nya ang nakita nya.
“Bata sayo nalang ‘to” she said.
Kuminang naman ang mga mata nya. Nakakaintindi naman sya ng konting tagalog dahil ilang buwan din silang namalagi dito.
“What? You want to give me that?” he asked.
She nod.
Agad naman nyang kinuha yun at sinimulang lantakan.
“Ang pangit mo pag kumakain” she said in an emotionless face.
Naintindihan nya yun.
Pangit.
Ugly.
Tinawag syang pangit ng batang babae pero hindi nalang nya pinansin.
“Pero gusto ko ang buhok mo. Mukhang pineapple” she said.
Pineapple?
Mukhang pineapple ang buhok nya?
Pero napatingin sya sa violin na dala-dala nito.
“You’re playing that?” ang tanong nya at itinuro ang violin na hawak nito.
“Oo” she said. “Alangan namang kinakain ko ang violin”
“What? You’re eating the violin?” ?.?
“Ang tanga mong kausap. Makaalis na nga”
Yun lang at tatalikod na sana ito pero agad syang tumayo.
“Wait!”
Napalingon naman ito sa kanya.
At hindi nya alam kung bakit…
Natigilan sya nang biglang lumingon ito sa kanya…
Para syang nabulunan nang makita ng mabuti ang batang babae.
Ang ganda nya…
Sa batang pag-iisip ay sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagandahan sya…
“Sige, aalis na ako” ang sabi ng bata at aalis na sana pero nagsalita sya.
“Wait!”
Lumingon naman ito sa kanya.
“When I grow up, I want you to be my girlfriend and then later on be my wife” he said.
Mukhang na-shock naman ang batang babae sa sinabi nya pero agad din itong naka-recover.
“Baliw ka ba?” ang sabi ng batang babae.
Pero ngumiti lang sya.
“The next time I come back here in the Philippines, you’re mine so don’t marry anyone”
“Okay” ang sabi lang ng batang babae na parang nawe-weirduhan sa kanya. “Kung makakabalik ka pa…”
“I will!” ang determinadong sagot nya.
Ewan nya ba…
Pero na-love at first sight sya sa batang kaharap nya.
Saka agad nyang hinanap sa bulsa nya ang dalawang kwentas na binili nya kanina sa isang souvenir shop. Ibibigay nya sana sa Mama nya ang kalahati nun pero ibibigay nalang nya yun sa bata.
“Here” ang sabi nya at ibinigay yun sa bata.
“Ano ‘to?” she asked looking confused.
“When I came back, I’ll look for you. I promise”
Nawe-weirduhang tinaggap nalang ng bata yun at tumingin sa kanya.
“But wait…what is your name?” ang tanong nya.
“My name is---”
“Angel!” ang biglang sulpot ng babaing yun sa likod ng bata. “Kanina pa kita hinahanap! Halika na, aalis na tayo”
Saka nito hinila sa kamay ang batang kaharap nya.
Angel.
Angel ang pangalan nya.
He smiled. “Angel! Bye-bye! Take care of yourself! I’ll marry you when I came back!”
Pero hindi na lumingon ang batang babae at yun na ang huling pagkikita nila.
Napabukas nalang ng mata si V nang maalala yun.
Tama.
Ilang taon narin ang lumipas pero hindi parin nya nakakalimutan ang batang babaing yun.
Marami naman syang nakilala na mas maganda pa sa batang iyon pero bakit…
Bakit ang babae parin na yun ang hinahanap nya?
“Akin na ang remote control!” ang narinig nyang sigaw ni Jimin.
“Hindi! Akin na yan!” si Rapmonster.
Oo, ang aga-aga nag-aagawan sila ng remote control ng tv.
“Sige! Mag-agawan pa kayo! O Rapmonster kagatin mo sa kamay si Jimin para mabitawan nya at ikaw naman Jimin, suntukin mo sa mukha si Rapmonster!” ang sigaw naman ni J-hope habang naka-on na naman ang camera nya. “Siguradong bebenta na naman ‘to sa youtube!”
“Jin! Luto na ba ang pagkain natin? Gutom na ako!” si Suga na nakahiga naman sa sofa.
“Mga patay-gutom” ang walang emosyon namang sagot lang ni Jin sa kusina na mag-isang nagluluto ng breakfast nila.
At si Jungkook naman…
“Sarang! Mag-date tayo ngayon! Ha?! Hindi pwede? Pero bakiiiittttt????” at nag-pout pa ang gago.
Sa totoo lang ay simula ng mainlove si Jungkook ay lagi nalang syang nasusuka sa pag-uugali nito. Dahil ang nakilala nyang Jungkook ay isang seryosong leader ng band nila pero nang mainlove ito kay Snow ay bigla nalang itong nag-transform into a childish, immature, ang clingy boyfriend.
Pero…
Habang nakatingin sya sa masayang mukha ng leader nila ay hindi nya maiwasang mainggit. Dahil…nahanap na nito ang babaing mamahalin nito. Habang sya ay nanatiling kumakapa sa dilim para sa first love nya.
to be continued...