Visible EPILOGUE After 3 Months.. . "HAPPY BIRTHDAY SNOW!!!" yun ang nabungaran ko nang buksan ko ang pinto ng bahay namin nung hapung iyon. Yun na ang huli naming pagkikita. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Na-surprise ka ba namin ha?" ang tanong ni Angel sa tabi ko. Yes, we've been friends for 3 months now. At nakita kong nanduon din ang ibang classmates ko. Pati narin ang stepmom ko at ang Papa ko. After nang umalis sya ay mas natutunan ko ng buksan ang mundo ko sa ibang tao. I smiled and nod. And then they sang the birthday song. "Snow!" si Jessica, isa sa mga classmates ko matapos silang kumanta. "Make a wish and blow your candles!" Saka nya dinala sa akin ang cake. Natuto na akong makipagkaibigan at makisalamuha sa iba. Make a wish? Pumikit ako at nag-wish. Sana nga..
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


