Visible Chapter 46 Kinagabihan… Katatapos lang namin kumain ng dinner kasama ang stepmom ko pati narin ang Papa ko na nakauwi na galing sa trabaho nya. “Snow, ako na ang maghuhugas ng pinggan. May naghahanap daw sa’yo sa labas” ang narinig kong sabi ng stepmom ko. Huh? Sino naman ang maghahanap sa akin sa ganitong oras? Napatingin ako sa wall clock. Alas otso na ah. Nabitawan ko nalang ang pinggan na sinimulan ko ng ibabad at nagtatakang lumabas ng bahay. Pero… Napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala ko ang itim na hooded jacket na yun na suot ng nakatalikod na lalaking yun… At hindi ko alam… Pero… Parang bumilis ang t***k ng puso ko… Saka sya lumingon sa akin and I saw that handsome face. Ang mukha ng lalaking pinapanuod ko sa TV kanina… “Sarang…” he called me. Yes.

