Visible Chapter 39 “Iuuwi na kita sa taong totoong nagmamay-ari sa’yo…” Napatulala ako sa mukha nya. Kung ganun… “Nang malaman kong ikaw nga talaga si Angel…akala ko nananaginip lang ako. At naitanong ko kung bakit ang girlfriend pa ng bestfriend ko ang naging first love ko. Alam mo Angel…” he paused and gave me a sad smile. “…kung hindi ka lang talaga girlfriend ng bestfriend ko, hinding-hindi kita igi-give up ng gani-ganito lang. Kung ibang lalaki lang sana ang naging boyfriend mo ay hindi ako magdadalawang isip na agawin ka…pero POTEK!” Napalundag ako nang magmura sya at nakita kong tinakpan nya gamit ang isang kamay nya ang noo nya. Saka sya nagtaas ng mukha at tinignan ako. “Bestfriend ko yun eh at alam kong mahal na mahal ka nya kaya kahit masakit, kahit na mahirap, at kahit

