Virgin's List (Part II)

1005 Words
“Akala ko ikwinento mo na ang buhay ni Mama Virgin! Napakatagal, be!” biro ni Megan sa akin pagpasok na pagpasok namin sa kwarto ko nang makarating kami sa bahay. “Tsk! Tumigil ka na,” walang gana kong saway kay Megan. “Natatawa pa rin talaga ako pag naiisip ko na pinayagan ka ni Tita magtrabaho sa Italy dahil malapit sa Vatican,” “Only in the Philippines,” matamlay na sagot ko saka nagpalit na ng damit. “Ok, kagaya ng dati, hayaan na lang natin at palipasin. Tutal, sanay naman na tayo. Maiba tayo, may mga pinamili ako!” sabik na bulong ni Megan. “Pwede sa Italy na lang tayo mag-usap, inaantok na ako,” “Tsk! Tsk! Dahil sa pag-iyak mo, ano? Ang abnormal naman kasi. Bakit ba lagi kang umiiyak sa pangungumpisal?” “Eh, mabigat sa dibdib eh,” ungot ko saka naupo sa aking kama. “Ayaw mo na kasi ng ginagawa mo. Anyways,” ngisi ni Megan saka binuksan ang malaking backpack na baon niya kanina sa mall. “Namili ako ng mga damit na nababagay para sa nalalapit nating paglaya!” dagdag niya saka itinaktak sa kama ko ang samu’t-saring mga damit na ni minsan ay di ko inakalang masusuot ko. “Ano yang mga yan? Bawal to, Megan!” “Damit po ang mga yan, just in case iniwan na ng utak mo ang talino mo,” iritadong sabi ni Megan sabay naupo sa kabilang gilid ng kama. “Gin naman, hindi pwedeng parati na lang tayong naka-white dress sa Italy. Sinasabi ko sayo, hindi tayo tatagal ‘ron. Saka para saan pa at sinikap natin makapunta ng Italy kung dadalhin pa rin natin don ang mga inaayawan natin rito, di sana dito na lang tayo nagtrabaho?” “Oh siya, sige na. Ewan na lang, baka sampung araw di pa magkasya sa pangungumpisal,” pabiro kong sabi habang naiimagine na agad ang magiging reaksiyon ni Mama kung sakaling makita ako na suot ang isang revealing na damit. Dahil sa mga madre na ako lumaki, allergic silang may makita kahit kaunting balat sa kausuotan maliban sa mukha at braso. “Magbabago na ang lahat, Gin! Kaya dapat prepared tayo. Now, let’s get started,” sabi ni Megan saka tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang study board ko sa gilid ng desk ko. “My number 1 list, wear all the sexy dresses!!” sabik na bulong niya habang isinusulat ang mga salita sa kabilang parte ng board. “Ikaw naman.” “Umuwi ka na lang, magpahinga, at maaga pa tayo bukas!” tanggi ko kay Megan at nagpaumuna nang humiga sa kama. “Gin, sige na!” pilit ni Megan. “Ayaw ko! Matutulog na ako!” Di naman na nagpumilit pa si Megan dahil alam niya na hindi pwede sakin ang napupuyat o di natutuloy ang tulog. “Fine, pero…yong sinabi ko sayo ha! Check-out the man in black hat and black eye-glasses! Maraming maituturo sayo si Mr. Incognito.” “MEGAN!” namumulang saway ko. “Bye, see you tomorrow prend!” Nakakakonsensiya man na tinaboy ko na si Megan kaso kailangan na talaga. May gagawin pa akong importante at hindi pwedeng malaman ni Megan dahil twenty percent lang ang capacity ng bibig niya na maghold ng confidential informations. “Hello?” kinakabahang sabi ko habang hawak ang cellphone at tinatawagan ang boyfriend ko. Nanlalamig na ang kamay ko. “Hi Maddie,” malambing na sagot niya sa kabilang linya kaya mas tumindi na ang kabog ng dibdib ko. “Kevin. Ready ka na?” Matagal siya bago sumagot. “Maddie hindi na ako sasama,” Natahimik ako, parang magco-collapse ako sa narinig ko. “Ah, b-bakit? Ok naman na ang visa mo, passport, pocket money…” “Maddie, sorry pero hindi ko na kaya ng ganito. Masakit sakin na ni minsan di mo ko pinakilala sa pamilya mo. Lagi mo na lang ako tinatago. Sa tingin mo, magugustuhan pa nila ko kung someday malaman nila na nagsinungaling tayo sa kanila at nagsama sa Italy ng pasikreto?” “Pero…” “Pagod na ako, Maddie! Ayaw kong mamimili ka samin ng pamilya mo pagdating ng araw. Wag mo sanang isipin na ako na ang magsasakripisyo, isipin mo na lang na ginagawa ko ito as favor sayo. Hindi ko na ibabalik ko ang ginastos mo, dahil alam ko naman na balewala lang yon sa pamilya mo dahil mayaman naman kayo at saka diba, ikaw lang naman namilit na isama ako,” Napalunok ako ng laway, “Sorry, Kevin. Sorry kung lagi na lang kita tinatago. Nauunawaan ko kung bakit napagod ka na, sige. You’re free. At…at…wag mo na ibalik yong pera.” “Bye, Maddie. Sana sa journey mo na to, matuto ka sa mga pagkakamali mo at matutunan mo rin kung papano maging girlfriend.” Nang maibaba namin ang tawag, para akong mahihimatay. “Wow! Grabe naman yon!” nahihikbing bulong ko habang nakatitig sa maleta ko. “Mahal ko siya pero, pera ko yon. Inipon at pinaghirapan ko para di ako makonsensiya kina Mama at Papa.” Kasalanan ko ba talaga? Kasalanan ba talaga na halos ibigay ko na ang lahat, maliban syempre sa ipakilala ko siya sa kakaibang pamilya na meron ako at ang viginity ko dahil after wedding pa talaga naman dapat? Paano ba maging girlfriend? O may kulang pa? Sabi kasi niya, nauunawaan naman niya ang sitwasyon ko at hihintayin ang tamang time na pwede na. Oo, di ko siya napakilala pero other than that, sinikap ko punan yong espasyo na yon. At wala lang yon? That’s f*****g unfair! Hala nagmura ako! But I don’t care? “Nagagalit ako!” bulong ko sa sarili ko saka hinigit ang drawer ng bedside table ko sabay kinuha ang isang notebook na may lock. Dumapa ako sa kama at in-unlock ang notebook habang nagda-dial sa phone. “Hello, Megan, Virgin’s List is on!” mapait kong sambit at mabilis na binaba ang tawag dahil nagtititili na si Megan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD