Virgin's List (Part III)

1372 Words
Kinabukasan, malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga nakangiting mata ni Megan. “I’m sorry, I’m sorry. Late nagising si Virgin!” iritadong sabi ni Mama habang ibinababa ang ibang mga gamit ko sa upuan ng waiting area dito sa airport. “Ma, Gin ang itawag mo sakin! Please!” inis kong sabi pero di ko naman itinatanggi na nalate kami dahil natagalan ako sa pagtulog dahil sa pagbuo ng list ko. “Nako, Tita ok lang! One hour pa naman before the flight! Baka napuyat kay Mr. Incognito,” pigil-tawang sabi ni Megan habang nakaupo. Napalaki naman agad ang mata ko sa sinabi ni Megan. Nawala ang antok ko. “Sino yon?” triggered agad si Mama. “VIRGIN?!” “Tita, yon po ‘yong professor na gagabay samin ni Gin sa Italy!” sabat naman agad ni Megan at saka kumindat pa sa akin sabay tumayo. “Tita, pasok na po kami sa loob ha. Umuwi na po kayo nang makapagphinga na po. Tatawag na lang po kami pag nakarating na kami sa Italy!” Kita ko ang bahagyang paghibi ng labi ni Mama pero pinigil niya agad ang nagbabadyang luhain. “VIRGIN, we expect…so much from you, so, do better than best! Don’t disappoint us!” matigas na sabi ni Mama. Si Papa naman, yumakap sa akin at bumulong, “Sabi ng Mama mo, mamimiss ka niya. Basta mag-enjoy ka ron ha. Pag-uwi mo, gusto kong may pasalubong ka ng mga apo ha! Galingan mo!” “Lupet ng translation mo, Pa! Pass na ako Pa. Break na kami ni Kevin,” bulong ko pabalik at hinigpitan ko ang yakap ko. “Eh di iba!” tapik ni Papa sa likuran ko. “Sige na, bye!” Si Papa ang bestfriend ko maliban kay Megan. Kaya ako nakapag-boyfriend dahil kay Papa. Kaso minalas pa. Pinanood namin sila paalis bago kami pumasok ni Megan. “YES!” palahaw ni Megan. “Malaya na tayo, GIN!” Tatalon-talon pa siya. Nagtitinginan na halos lahat ng tao. “Hay nako, oo na. Pero wag ka masyadong masaya. Hanggat nakatungtong tayo sa Pilipinas, ano mang oras, pwede mapurnada ang paglaya natin. Siya sige, gisingin mo na lang ako pag sasakay na,” sabi ko saka inilabas ang unan sa maleta ko at nahiga sa hilera ng mga upuan. “WHAT?! Bakit puro unan ang laman at sleeping paraphernalia ang dala mo?” nagpapanic na si Megan. “Mabilis na lang naman mamili ng mga damit pagdating don,” sabi ko saka tuluyan nang natulog. Di ko alam kung ilang oras akong nakatulog, basta nakaramdam na lang ako na may gumigising sakin. “Oo na, gising na! Napakakulit, Megan! Aalis na ba?” ungot ko na hindi na nag-abala pang imulat ang mga mata ko. “What?” iritadong sagot nito pabalik pero hindi boses ni Megan. Boses ng lalaki. Kaya mabilis akong napabalikwas. “Sino ka?” takot na tanong ko. “Coreen, stop it!” maawtoridad na singhal saking nitong lalaki sa tabi ko. “Anong Coreen? Sinong Coreen? At nasaan ako? Si Megan?” nagpapanic na tanong ko dahil kahit anong sipat ko sa paligid ay wala akong makitang ibang tao. “Tigilan mo na dahil wala ng atrasan to. Pumunta ka sa airport, I assumed na pumayag ka. Kaya wag na tayo magpaulit-ulit pa. Three yeas lang, three years at kung hindi ka mainlove sakin, magdi-divorce tayo,” “Ano? Ikaw ang tumigil! Hindi nga ako si Coreen!” Itinigil ng lalaki ang pagbabasa niya at ibinaling ang tingin sa akin. Kita ko ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata, “Oh, eh di sino ka?” tanong niya pagkatapos ay bumuntong-hininga. “Aba, ako ang unang nagtanong,” giit ko. “Patingin ako ng passport mo!” “Ayoko!” tanggi ko saka kinuha ang phone ko. “Tsk! No phones in the plane, right?” “Plane? Nasa eroplano na tayo?” Mabilis akong tumalon sa pinaghihigaan ko at sinubukang silipin ang kabilang part ng eroplano. Tumayo na rin itong lalaki at naglakad kasunod ko. “Kung iniisip mo na nasa business class tayo, nagkakamali ka ron. We are in my private plane going to Switzerland.” Natigilan ako at halos manigas ang katawan sa narinig. “Switzerland?” singhap ko habang nakatulala sa kaulapan sa labas ng bintana ng eroplano. “Virgin Madeline De Belen, hindi ka nga si Coreen,” may bakas ng lungkot sa kaniyang boses habang binabasa ang passport ko. “Napakatigas talaga ng ulo mo eh no? Pakialamero!” sumbat ko saka hinigit pabalik ang passport ko. Kahit napupuno ng takot ay may saya naman akong naramdaman dahil hindi siya natawa sa pangalan ko. In fact, wala talaga siyang pakialam. “Di ko maunawaan. Bakit nakahiga ka sa pwesto na pinag-usapan namin ni Coreen na pagtatagpuan,” usisa ng lalaki, gulong-gulo rin. “Tanggapin mo na lang na tinraydor ka ng Coreen mo. Saka, teka lang ha! Ang pagkakaalam ko, ang upuan sa waiting area ay hindi reserved. First come first serve,” Natahimik naman itong lalaki at di nakasagot. “Hindi naman sa pangingialam ha, pero, hindi mo pa ba nakikita ang Coreen na to at napagkamalan mo akong siya?” usisa ko pa, habang sinisipat ang reaksiyon ng mukha niya. “Wala kang pakialam! Saan ba ang punta mo?” tanong na lang niya pabalik, nag-iiwas ng usapan. “Wala ka ring pakialam,”sagot ko saka nanghihinang naupo sa sa parteng dulo ng hilera ng mga upuan. “Kasalanan ko kung bakit nandito ka kaya responsibilidad ko na ibalik ka sa dapat na pupuntahan mo. Pagbaba sa Switzerland, ipapahatid na lang kita,” paliwanag ng lalaki saka naglakad palapit sakin. “Talaga! Dahil kung hindi mo naman ako papatayin at pababayaan mo ako na magpalaboy-laboy sa Switzerland, sasampahan kita ng kidnapping,” nagtatapang-tapangan na sabi ko habang nakatingin sa lalaki. Gwapo siya. At mas gumagwapo pa habang palapit sa akin. Pansin ko ang pag-ngiti ng kaniyang maninipis at mapupulang mga labi. “Seriously, mukha ba talaga akong killer?” “Sa laki ng mga muscles mo mahirap pumalag kung sakaling pagtangkaan mo ang kagandahan ko. Pag pumalag ako, papatayin mo ako," "Oh s**t! Nakakatawa ka!” sabi ng lalaki saka naupo sa harapan ko sabay hinawakan ang kamay ko. “I’m David. Don’t worry, maliban sa trabaho, wala akong ibang pinagkaka-interesan.” “Eh bakit magpapakasal ka doon sa Coreen?” usisa ko. “Kailangan?” buntong-hininga niya at tumayo na saka naupo sa kabilang upuan. Nirotate niya ito paharap sakin at ganon rin ang ginawa nya sa upuan ko kaya magkaharap kami. “Paanong kailangan?” “Ipapakasal ako ng magulang ko sa isang mayamang babae na anak ng second largest shareholder ng kumpanya namin at hindi ako sang-ayon. Basta mayaman, masakit sa ulo.” “Wow! Diba mayaman ka?” “Oo,” kumpiyansang sagot ni David. “Sakit ka sa ulo?” “No!” “Then, hindi ka sure kung sakit sa ulo yong papakasalan mo,” “I’m sure,” “Kaya scapegoat mo si Coreen?” “No, I asked her a favor. Online assistant ko siya,” “Ah tinakot mo!” “No, I like her.” “Aww, pero di ka niya gusto?” “Natakot lang siguro sa pamilya ko,” “Reasons!” irap ko pero nagtawanan kami. Di ko namalayan na nakatulog na ako sa kakukwentuhan namin. Masyado talaga akong antukin. Nagising na lang ako sa isang napakalaking kwarto, nakahiga sa isang napakalaking kama na may napakalaking glass double-door sa kaliwang bahagi ng kwarto. Sa labas ng glass door, matatanaw ang nagsisitaasang mga bundok na nababalutan ng snow ang mga tuktok. Pero ang mas nakakuha ng puso ko ay ang kulay teal na tubig ng isang lake sa gitna ng mga bundok. “Ito ba ang kalayaan?” wala sa sariling bulong ko, di makahinga sa ganda ng tanawin na namamasid ng aking mga mata. “Base sa mga ngiti mo, nagustuhan mo naman ang lugar ko. Kain ka na,” sabi ng isang lalaki mula sa kabilang gilid. Mabilis kong ibinaling ang tingin rito at halos mapatalon sa kama, “Pinagsamantalahan mo na ako?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD