Virgin's List (Part IV)

1223 Words
“What?!” tanong niya at agad na nagpakatawa. “Bawas-bawasan mo ang kapapanood ng drama. Of course not, hindi ako papayag na hahati ka sa yaman ko.” Tapos, natawa na rin ako sa sagot niya. “Sorry, sorry,” “Wala yon, kumain ka na at ihahatid na kita sa Italy. Masyadong nalalamigan ang utak mo,” sabi niya saka ibinaba sa isang maliit na table sa tabi ng glass door ang dala-dala niyang mga pagkain. “Salamat,” sabi ko saka nagsalo kami sa pagkain. Pagkatapos kumain ay nagbiyahe na kami gamit ang kotse niya. Matagal raw ang biyahe pero di na ako nagreklamo dahil atleast, nagmamalasakit siya kahit di naman kami magkakilala. Base sa ilang oras na pagsasama naming, mukha naman siyang mabait na tao. Pinahiram pa nga niya ako ng jacket dahil sa lamig sa Switzerland. Puro pantulog lang kasi ang inihanda ko dahil hindi naman ganon kalamigan sa Italy. Habang nasa daan, kwentuhan pa rin kami ng kwentuhan. “Bakit di mo kinukwento ang pamilya mo?” usisa bigla ni David. “Nako, weird ang pamilya ko,” “Lahat naman ata, pamilya ko nga, naniniwala pa rin sa arranged marriage sa panahon ngayon,” “Trust me, mas weird ang pamilya ko. Pero kahit ganon, takot na takot ako na dumating ang araw na pag tumigil ako sa pag-please sa kanila, ay tumigil na rìn silang mahalin ako,”sabi ko saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Gabi na pala, ilang oras na rin kami nagbi-biyahe. Ang ganda ng mga street lights dito, ang payapa. Sabi ni David, nasa Italy na raw kami pero malayo pa raw mismo sa lugar ko. “Kevin?” singhap ko, bahagya pa akong napa-angat sa pagkakasandal at dumungaw sa bintana. “Itigil mo!” “Ha? Bakit? Nasi-cr ka? Gutom?” “Basta, itigil mo muna. David, please!” pakiusap ko. Pagtigil ni David ay agad akong bumaba at tumawid ng kabilang kalsada. Di ko inaalis ang tingin kay Kevin at sa babaeng ka-holding hands nito sa unahan ko. “Wait!” biglang pigil sakin ni David. “Bitaw. May sinusundan ako,” “Alam ko, pero sa tingin mo, makakatulong pa sayo kung susundan mo?” seryosong sabi ni David. “Oo,” walang kagatol-gatol na sabi ko. Hinawakan ni David ang kamay ko at sinamahan ako sa pagsunod kay Kevin. Pumasok sila sa isang restaurant, kaya sumunod rin kami. “Dito tayo para mas malapit,” sabi ni David. “Baka makita ako,” “Kaya ka nga sumunod di ba, para makita ka niya?” naiiling na tanong ni David. Isang table lang ang distansiya namin mula kina Kevin. “Oorder na ako, tutal gutom na rin naman tayo,” sabi ni David. Tumango na lang ako habang nakatingin lang kay Kevin. Parang pupunit ang puso ko. Nagsinungaling siya. “Anong meron? Boyfriend mo?” antala ni David sa akin. “Ex na,” sagot ko. “First?” “O…Oo,” malungkot na tugon ko. “Niloko ka?” “Ngayon, masasabi kong oo. Nagsinungaling siya. Paano niya nagawa yon? Tapos ako pa ang sinisi niya kung bakit kami naghiwalay,” “Bakit?” “Di ko kasi siya pinakilala sa pamilya ko dahil hindi pa ready ang lahat. Alam kong nagkulang ako ron, pero, wala akong ginawa kundi punan yong espasyo na yon hanggang sa pwede na,” Natawa si David. “Oo, alam ko na ang tanga ko,” sabi ko, medyo naiirita sa katotohanan. “Hindi naman ako natatawa sayo, sa kanya,” sabi ni David bago inabot ang mga inorder na pagkain. “May balak ka pa ba na balikan siya?” “Wala! Gusto ko lang sana tanungin kung bakit nagsinungaling siya," “You are indeed a virgin,” ngumiti siya. Ako naman halos maupos sa upuan ko. Marami ang napalingon sa sinabi niya. “Hoy, dahan-dahan naman no?” “Napakaganda ng kainosentehan mo. Sa mundo ngayon, Virgin, ikaw ang masasaktan o ikaw ang mananakit. Di ko lang akalain na may kagaya mo na piniling masaktan. Napaka-swerte niya sayo, pero sinayang ka niya,” Napatiim ang mga ngipin ko at pilit na kinakagat ang dila para di maiyak. “Di ko alam, kung nilalait mo ba ako sa magandang paraan,” mahinang sabi ko. “Ha! Tama ka, para saan pa ang pagtatanong ko, no? Hm, iuwi mo na ako.” Kita ko na may tinawag siyang waiter at may ibinulong rito. Ngumiti pa ang waiter. “Nakakatawa na nakikita ko ang sarili ko sayo. Buong buhay ko, never ko sinuway ang magulang ko. Ngayon lang. Naisip ko, kahit anong gawin ko, di magiging enough ang mga ginagawa ko para sa mga magulang ko. Kaya napagdesisyunan kong magdesisyon naman para sa sarili ko. Gusto ko magrebelde sa mga panahon na nawala sakin dahil busy ako sa kasusunod sa kanila. Kaso, di natuloy. Pero dahil sayang naman kung mababalewala ang pagri-rebelde ko, payag ka ba na samahan ako? Magrebelde tayo sa mundo?” sabi ni David na di manlang inalis ang tingin sakin. Dama ko lahat ng sinabi niya. Ito ang mga pakiramdam na matagal kong kinimkim sa takot na madisappoint sina Mama. “Paano ba?” ngiti ko pabalik at ngumisi rin si David. Kita ko na itinaas niya ang kamay niya at tumango naman ang waiter kanina. Nagplay ang pianist sa gitna nitong restaurant tapos may lumabas pang nagva-violin. “Virgin Madeline De Belen, I never thought that I’d ever meet a person like you. Walang salita ang tutumbas sa sayang naramdaman ko,” sabi ni David saka lumuhod. Napatanga na lang ako. Pero di ako makapaniwala na darating ang araw na magiging tunog maganda ang pangalan ko pag sinasambit niya. Parang ang ganda-ganda ko. Naghihiyawan na ang mga tao. “Wala ka manlang pasabi,” nahihiyang bulong ko. “Para mas kapani-paniwala di ba?” bulong pabalik ni David. “Will you spend your virgin days with me?” Naiiyak na ako sa dami ng mga taong nagtitinginan, “Sira ulo!” “Ano nga? Kakalyuhin na ang tuhod ko!” ungot ni David. “Oo na,” “Yes?” “Ulit-ulit?” “Para maunawaan ng lahat no!” “YES!” At ayon nga, nagpalakpakan na ang lahat. Kaso di pa man naiisuot ni David ang singsing nang hilahin ako ni Kevin palabas. Nalimutan ko siya. “Bitawan mo ako!” pagpupumiglas ko. “Ano yon, Maddie?” galit ang tono na tanong ni Kevin. Kita ko sa likod si David at tinignan ko siya para hayaan muna kami. “Nag-propose sakin si David,” sagot ko, habang nakatitig sa mga mata niya na parang masaya pa siya dahil maja-justify na ang panloloko niya sa akin. “Wala pang isang araw, may bago ka na?” “Ahm, pasensiya na. Di ko naman kasi alam na makikita mo yon. Last time kasi, naalala ko na sabi mo di ka na tutuloy sa Italy,” walang-buhay na sagot ko. Namutla naman siya sa sinabi ko at di na sumagot pa. “Ok ka na ba? Isusuot ko pa ang singsing ko,” sabi ko saka iniwan na siya. Ok na ako. Di naman na ganon kasakit. “Pwede na?” ngisi ni David saka sinuot ang singsing sakin. “Papalag pa ba ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD