Nagbayad lang si David at nagpatuloy na kami sa biyahe. Di nga naglaon ay tanaw ko na si Megan sa harapan ng isang hotel. “HOOOY!” salubong niya sakin na mugtong-mugto na ang mga mata. “Ang dami ko nang pagsisinungaling, saan ka ba nanggaling? Baka isang taon ako pagkumpisalin ng Mama mo!” ngawa niya kaya rinig ko ang mahihinang hagikgik ni David. “Sorry na!” bumaba ako sa sasakyan at tinulungan ako ni David ibaba ang mga maleta ko. “Ay sino siya?” usisa ni Megan na agad nag-ayos ng sarili, parang walang nangyari. “Si David. Mahabang kwento, bukas na lang at pagod na rin ako,” bulong ko kay Megan na parang kung inaano na sa kakikilig. “Ok,” ngiti ni Megan saka tinulungan na ako sa mga gamit ko. “Mauna ka na, susunod na lang ako,” “Shige,” sabi ni Megan at nakipag-kamay na kay Davi

