“Congratulations, Ms. Katie. Three weeks na ang baby sa tiyan mo,” masayang sabi ng doctor habang pinaiikot-ikot ang pang-ultrasound sa tiyan ni Katie. Matinding lamig at takot ang bumalot kay Katie nang marinig ang mga sinabi ng doktora. “B---buntis po ako?” Tumango naman ang doktora. “Eto oh, kita mo itong parang bilog na ito? Ayan na ang size ni baby. Few more weeks, maririnig mo na ang heartbeat niya.” Walang nasabi si Katie kundi ngumiti nalang ng mapait. Kung sa ibang pagkakataon siguro, ay masayang-masaya siya pero sa kalagayan niya, ang pagkakaroon ng anak ang pinakamalaking kinatatakutan niya. “Magkano po lahat, doc?” matamlay na tanong ni Katie paglabas ng ultrasound room. “Eto ang bill. Eto naman ang mga gamot na kailangan mo. Alagaan si baby at ang sarili, ok? Iwasan a

