“Sumuko na kayo!” sigaw ng isang pulis mula sa malayo. Nabibingi na si Katie sa matinding takot at kaba na nararamdaman. Mas lumala pa nang marinig niya ang mga yabag ng mga pulis papalapit sa kanila. “Baba!” sigaw ulit ng pulis. Dahil sa matinding pagnanais na magkaroon ng maayos na buhay para sa anak, wala sa sariling bumaba si Katie sa kotse. “KATIE!!!” palahaw ni Emman. Pero, wala nang pakialam si Katie. Pagbaba ay itinaas ni Katie ang dalawang kamay saka marahang naglakad palapit sa mga pulis kahit silaw na silaw sa mga ilaw mula sa hilera ng mga kotse. “Susuko…po…kami! Please, wag niyo lang po kami sasaktan!” nanginginig na sumamo ni Katie. Mabilis na lumapit ang isang pulis at pinosasan si Katie. “Hindi po kami manlalaban, sir. Tulungan niyo po kami. Lahat po ng tanong niyo

