Ano ang ginagawa niya rito? Bakit siya ang nandito sa kusina? Akala ko ba si Mr. Alessandro ang maabutan ko rito? Bakit siya? Bakit si Hawk? Imbes na lumabas at magpakita sa kaniya ay nagtago nalang ako sa gilid bago pa man ako makapasok sa kusina. Mula roon ay kitang-kita ko ang nakatayong si Hawk habang may kung anong pinipindot sa cellphone niya. He was looking down on his phone while doing that. Hindi ito nakaharap sa direksyon ko kaya hindi ko nakikita ang buong mukha niya. All I can see is his side profile yet he's already breathtaking. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatanaw sa piraso ng gadget na hawak-hawak ng kaniyang mararahas na mga kamay. The veins on his arms tells me that he's dangerous. He's so dangerous. Tama ba na nandito ako? Bumalik nalang ka

