"Ito ho ang magiging kwarto niyo." Nagpaalam sa akin si Mr. Alessandro na may aasikasuhin lang daw ito. Babalik naman daw siya mamayang gabi at sasabayan akong kumain. Binilin niya ako sa isang maid dito sa mansyon nila bago siya umalis. Kaya naman ngayon ay nandito na kami sa harapan ng isang kwarto. Ilang beses akong kumurap-kurap habang tinititigan ang isang may kalakihang pintuan sa harapan ko. May isang vase sa gilid ng pintuan na 'yon na nakapatong sa isang kulay gold na patungan. Ang bulaklak na naroroon ay bumagay sa kulay ng mga dingding ng floor kung nasaan kami. Hindi ko maiwasang hindi mapabaling ng tingin sa maid na nasa tabi ko at ngiwian siya. "S-seryoso ka ba na ito ang magiging kwarto ko? Hindi ka ba nagkakamali?" Bahagyang nangunot ang noo niya nang marinig a

