"We'll do everything we can to give her the best treatments possible." Binigyan ko ng isang matamis na ngiti ang doktor ni Mama matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. Napagpasyahan kong kausapin ito upang bilinan ito tungkol kay Mama. Sinabi ko sa kanila na hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabisita pero ipinangako ko na hindi ako makakalimot sa mga bayarin. Malugod naman nilang tinanggap ang sinabi kong 'yon kaya ay wala na akong naging iba pang problema sa mga doktor. Nagpalitan kami ng mga numero upang magkaroon pa rin ng koneksyon sa isa't-isa. Hiningian ko sila ng pabor na balitaan ako tungkol sa mga treatments ni Mama, at sa kung anong lagay niya habang wala ako. I also told them to report to me every visitor that'll go to her, if there are any, and give me infor

