"Are you sure that you don't want to order anything, ija? Ako ang magbabayad. Hindi mo kailangang magalala sa pera." Mariin akong umiling-iling bilang pagtanggi. Wala nang nagawa ang matandang Montreal sa desisyon ko. Kanina niya pa ako inaalok, kahit na isang inumin lang, pero paulit-ulit ko 'yong tinatanggihan. "A-ayos lang po ako. Huwag na po," nahihiyang sabi ko. Nagkibit balikat nalang ito at hindi na ako inalok pang muli. A few minutes have passed when we started chatting here at the café area of the hospital. Para na akong maduduwal sa kinauupuan ko dahil sa kaba pero pilit kong tinitiis 'yon. Bakit ba ako kinakabahan? It's not like he'll eat me alive or something. Mabait naman ito sa akin pero hindi ko alam kung bakit nanginginig ako ngayon habang nasa harapan niya. Nat

