Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ni Mama at hindi ko mapaliwanag ang kaba na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Mabuti nalang ay ako lang mag-isa ang nagbabantay kay Mama ngayong araw, kaya hindi ko kailangan isipin ang makakakita sa akin. Nang makarating ay agad akong pumasok sa loob. Isinandal ko ang likod ko pagkasara na pagkasara ko ng pintuan bago ako bumuga ng isang malalim na hininga. "A-ano ba itong ginagawa mo, Dei—" "Miss Alcantara? Bakit po hingal na hingal kayo?" Napadilat ako nang marinig ang boses na 'yon at nang gawin ko 'yon ay nakita ko ang isang nurse na nasa bandang gilid ng kama na hinihigaan ni Mama, habang inaayos ang dextrose niya. Her questioning face tells me that she doesn't expect to see me like that. Sino ba naman ang hindi magtataka? Kung ako

