“Going home already?” binalingan ko saglit ng tingin si Elie nang magsalita siya. Tipid ko siyang nginitian at bumalik din ako kaagad sa ginagawa ko.
I was packing out since uwian na namin. Pagod na pagod ako sa araw na ‘to! Sobrang daming customers, hindi ata ako nawalan ng gagawin dito sa shop kahit isang minuto lang.
What’s with people nowadays? I understand that it’s Friday today at natural lang na maraming pera ang mga tao dahil weekends na bukas. What I don’t understand is how teens nowadays are so into milk tea’s and iced-coffee drinks.
Some of them doesn’t even likes the taste of milk tea, they’re just forcing themselves to like it for the sake of ‘going with the flow’ on the social media trend.
That’s actually one of the reasons why I don’t spend too much time on social media o hayaan na lamunin at kontrolin ako nito. Social media is fake, it makes teens to pretend to be someone they’re not.
I mean… not that it’s my business at all, hindi ko lang maiwasan ang sarili ko na mapuna ‘yon. Nakakalungkot lang na makitang nagkakagano’n ang mga ibang kabataan gaya ko.
Napatingin ako sa cashier namin na si Sunny nang mapansing umiinom ito ng milk tea. The irony. Napailing-iling nalang ako at tinuloy nalang ang ginagawa.
“Come on, Dein! Day-off natin bukas oh. Ayaw mo ba talagang sumama?” Elie added. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay isinukbit ko na ang itim na backpack ko sa balikat ko.
Binalingan ko siya ng tingin na ngayon ay nakatitig na rin sa akin habang nagaabang ng sagot.
“Sorry El, kailangan kong umuwi nang maaga ngayon e. Nangako ako kay mama na tutulong ako sa kan’ya sa mga gawaing bahay. You know naman… dalawa lang kaming magkasama,” pagsisinungaling ko sa kaniya. Umakto pa ako na parang nalulungkot para kapani-paniwala ang sinabi ko.
I don't want to lie to her but I don't want to tell her about me having another job. Sigurado ako na pag nalaman niya ay maiinis nanaman siya sa akin.
She'll think again that I'm being too hard on myself kaya mas maayos nang magsinungaling nalang.
She pouted her lips and showed me those ‘beautiful eyes’ para magpa-cute sa akin. Napailing nalang ako sa kaniya.
“Okay, fine. Basta pag inaya kita ulit next week ng ganito papayag ka na, ha? Magtatampo na talaga ako Dein! Sinasabi ko sa ‘yo!” sigaw niya sabay nagpameywang.
Natatawa akong tumango-tango sa kaniya kahit na hindi ko alam kung mapagbibigyan ko ba talaga siya. Bahala na, maiintindihan naman siguro niya pag nagdahilan ako ulit.
“Oo na, pero kung may mas kailangan akong asikasuhin itatak mo sa isip mo na malaki ang posibilidad na baka hindi ako makasama.” I pointed at her. She raised both of her arms in the air and even gestured a ‘roger that’ pose.
“Promise ‘yan, ha?” tumango ako sa kaniya. Niyakap ko siya nang makapagpaalam na ako nang maayos bago ako dire-diretsong lumabas ng coffee shop.
Nang makalabas ako sa tapat ng shop ay tumigil ako do’n upang maghintay ng bus. Inilabas ko ang luma kong samsung na cellphone para tignan ang oras.
It’s already 7:05 in the evening and I’m still here, waiting for a ride. Napaangat ang tingin ko sa kalangitan nang bigla akong makarinig ng kulog.
"Wag naman ngayon oh." I pleadingly said na para bang nakakausap ko talaga ang mga ulap. Paulit-ulit akong napabuntong hininga nang lumipas na ang sampung minuto pero wala pa rin akong makitang bus na pwedeng masakyan.
Late na ako!
Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko nang mga panahong 'yon at panay rin ang tingin ko sa screen ng cellphone ko para bantayan ang oras. Napapikit ako nang mariin nang biglang may pumatak na tubig doon.
Sunod-sunod na ang naging patak ng ulan kaya dali-dali rin akong kumilos para kuhain ang payong na nasa bag ko.
Bakit ba napakamalas ko?
Nang lumipas muli ang limang minuto na wala pa rin tumitigil na bus sa harapan ko ay nagpasya na akong maglakad nalang. Ipapaliwanag ko nalang sa boss ko ang tunay na dahilan kung bakit ako late.
Habang naglalakad ay mas lalong lumalakas ang ulan dahilan para bahagya rin akong mabasa. I can already feel the water inside my shoes. Siguradong mangangamoy ito sa office mamayang pagdating ko, ang lakas pa naman ng air-con do'n.
Nang pati ang hangin ay lumakas at may makita akong maliit na silong ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papunta doon. I placed my bag in front of me to prevent it from getting wet from the rain. Pinunasan ko rin ang mukha ko gamit ang palad ko.
"Nakakainis naman!" iritang sigaw ko nang dahil sa malakas na hangin ay nilipad ang payong ko.
Mas lalong lumala ang sira no'n na kanina lang ay maayos-ayos pa sana. Paano na ako makakapunta sa opisina nito? Tumingin-tingin ako sa daan, nagbabakasakaling makakita ng kahit tricycle pero wala talaga.
Walang dumadaan na kahit na anong pwedeng masakyan!
Napatingin ako sa likuran ko at naupo nalang sa upuan ng waiting shed na tinatayuan ko. Nilabas ko ang cellphone ko na ngayon ay medyo basa na rin. Binalot ko nalang 'yon ng plastik labo na pinaglagyan ng baon kong kanin kanina.
Hindi ito pwedeng masira, wala pa akong sapat na pera para pambili ng bago.
Bahagyang nanginig ang mga labi ko dahil sa sobrang lamig. Hindi pa rin tumitila ang ulan at parang wala rin itong balak humina kaagad. Mas lalo pa 'yong lumalakas kasabay ng hangin.
Sa tagal nang paghihintay ko at dahil na rin sa pagod ay hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakaidlip.
"Miss? Miss, ayos ka lang?" nagising ako sa paulit-ulit na pagtawag sa akin.
"Hmm..." I sofly moaned. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at naaninag ko ang isang lalaki sa harapan ko.
"Gabing-gabi na miss, baka gusto mong umuwi," dagdag na sabi nito dahilan para mapalingon-lingon ako. Madilim pa rin ang paligid hudyat na hindi pa sumasapit ang umaga. Tumila na rin ang ulan at pakiramdam ko ay lalagnatin ako.
Binalingan kong muli ang lalaking gumising sa akin at nginitian 'yon.
"S-salamat ho." nanginginig ang labi na sabi ko. Tumango ito sa akin at naglakad na papalayo.
Nang tuluyang makalayo ang lalaki ay dahan-dahan akong kumilos. Binuksan ko ang basa kong bag na nakapatong sa hita ko at nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko makapa ang cellphone ko sa loob.
Hindi pwede 'to!
Halos ilabas ko na ang lahat ng laman ng bag ko kakahanap pero hindi ko talaga nakita 'yon. Tumayo ako at sinundan ng tingin ang dinaanan ng lalaki.
"Hoy! Yung cellphone ko! Pambihira naman oh!" malakas na sigaw ko na para bang maririnig pa rin ako no'n.
Kung siya nga ang nagnakaw no'n, ang bait niya rin ano? Nagawa niya pa talaga akong gisingin matapos niyang kumuha ng gamit sa akin.
Ang bait n'ya, ang bait-bait n'ya. Sa sobrang bait niya sana kunin na siya ni Lord.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa ilalim ng waiting shed at padabog na inayos ang mga gamit ko.
Ang malas! Ang malas-malas!