Chapter 2

1116 Words
Napayuko ako nang sumalubong sa akin ang matalim na tingin ng masungit kong Supervisor. She scanned me from head to toe. “Seriously, Dein? Wala ka pa ngang isang linggo sa kumpanya tapos nagagawa mo pa na ma-late? Buti nalang at nandito si Erick kaya nasalo niya ang trabaho mo sa gabing ‘to!” napapikit ako nang marinig ang sigaw n’ya. I can really see that she’s upset right now. Ano bang aasahan ko sa babaeng supervisor na buntis? Natural lang na para siyang dragon ngayon. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nakita ko siyang napapailing-iling habang nakatingin sa ‘kin. “You’re not just 3 hours late! I mean, look at you! Pati ang amoy ng sapatos mo ay naaamoy ko!” she screamed and pointed at me. Alam ko naman na kung ano ang tinutukoy n’ya. Basang-basa naman kasi ang mga damit at maging ang mga gamit ko nang mga oras na ‘yon. “S-sorry po, Ma’am. I know my reason isn’t valid for me to be late for more than an hour, it’s just that, wala ho talaga akong masakyan kanina,” huminga ako nang malalim. “Naabutan rin ho ako ng malakas na ulan kaya sumilong muna ako. Pati ang payong na dala ko ay nasira din sa lakas ng hangin,” pagpapaliwanag ko sa kaniya sabay pakita ng hawak-hawak kong payong na dalawang tangkay na ang putol. Napayakap ako sa sarili ko gamit ang magkabilang braso ko nang mas lalo akong lamigin. She probably noticed my sudden action kaya nagsalita siya. “Ikaw,” turo niya sa isang empleyado na papalabas na sana ng kwarto. “Pahinaan nga ang air-con dito sa opisina ko. Paki-balik nalang sa dating lakas mamaya pag nakalabas na si Ms. Alcantara,” utos niya doon na s’yang tinanguan lang ng binata. Saglit pa itong napatingin sa akin bago tuluyang lumabas. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Tita Kate, supervisor ko, ay nakita ko ang pagbuntong hininga nito. “Dein, hindi porket kaibigan ko ang mama mo ay hahayaan ko na ang mga ganitong klaseng empleyado sa kumpanya ko,” mahinahong sabi niya. Bakas pa rin ang inis sa boses n’ya nang sabihin niya ‘yon pero hindi na gano’n kalakas ang dating no’n. Unti-unti akong napatango at nagsalita, “Naiintindihan ko naman po, Tita. Pasensya na po talaga. Inabutan lang ako ng ulan.” I sighed. “Oo na, wala naman na akong magagawa. May extrang uniporme d’yan, mayroon din akong hindi nagagamit na panloob. Maligo ka muna saglit bago ka magpalit. Nai-text mo na ba ang mama mo?” tanong nito na siyang inilingan ko lang. “N-nadukutan po kasi ako ng cellphone. Nakatulog ho kasi ako sa sinilungan ko kakaintay na tumila ang ulan. Paggising ko, wala na yung cellphone ko.” Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagiba ng tingin niya sa akin nang sabihin ko ‘yon. Napansin ko ang awa sa mga mata niya. That’s one of the things that I hate, people looking at me like I’m someone who need sympathy. Na para bang sobrang kaawa-awa kong tao. Umalis siya sa harapan ko at may kinuha sa isa sa mga drawer ng lamesa n’ya. Nang bumalik siya sa harapan ko ay may hawak na siyang isang cellphone. “Use this. Lumang cellphone ko ito, hindi ko naman na ginagamit, wala rin ibang gagamit, kaya ibibigay ko nalang sa ‘yo. Nakatambak lang ‘to sa drawer ko at sayang naman kung itatapon nalang, maayos pa naman ito kahit papano,” she said while handing me the phone. Hindi ko iyon agad kinuha at tinitigan ko lang. I looked at her and saw her sad smile. “Tita… 'wag na po. Kaya ko naman po na walang cellphone. Baka po kailangan n’yo pa iyan,” pagtanggi ko na siyang inilingan n’ya lang. Kinuha niya ang kamay ko na ngayon ay tuyo na at t’yaka inilapag ‘yon doon. “Hindi ko na iyan gagamitin, sa’yo na ‘yan Dein. Iyan na muna ang gamitin mo hangga’t hindi ka pa nagkakaroon ng pambili ng bago.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko para yakapin siya. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata ko nang mga oras na ‘yon. I’m so tired because of everything that had happened to day that I can’t help myself but to feel emotional. Niyakap rin naman n’ya ako pero humiwalay rin ako kaagad nang may mapagtanto. “Sorry Tita, hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit. I shouldn’t have done that, my mistake.” She chuckled after hearing my apology. I just awkwardly smiled at her. “It’s okay, Dein. You don’t need to apologize.” She smiled. “Sige na at magpalit kana. Baka magkasakit ka pa, magaalala pa sa ‘yo ang mama mo,” saad niya. Napatango naman ako at nagpasalamat muli. “Lalabas na muna ako para tignan ang mga empleyado ko. Bilisan mo na diyan,” pagpapaalam niya. Nginitian ko siya bago siya tuluyang makalabas ng office. I looked down at the black phone on my hand. Napakurap-kurap ako nang mapansin ang brand ng cellphone na ‘yon. “Teka, Iphone ‘to ah,” mahinang sabi ko habang sinusuri ‘yon. Si Tita talaga kahit kailan. Alam kong nainis talaga siya kanina pero nagawa n’ya pa rin akong pakitunguhan ng maayos. She’s one of my Mom’s long-term friends at para ko na rin siyang guardian kung maituturing. She’s the one who proposed me this job. Siya rin ang nagasikaso ng mga papeles na kinailangan ko para makapasok ako rito. I owe her a lot, I should definitely show her that I’m grateful for everything she did for me. Dapat lang na pagbutihin ko ang trabaho ko. Inilapag ko muna ang cellphone sa ibabaw ng lamesa ni Tita at isa-isang nilabas ang mga gamit sa loob ng bag ko. Everything in there got soaked with the rain. Buti nalang at yung nadukot kong cellphone lang yung gadget na meron ako kanina kun’di ay siguradong sira talaga ‘yon. Natigilan ako at awtomatikong napangiti nang makita ko ang litrato namin ni Mama habang nagkakalkal. Basa na rin ‘yon pero dahil film ng camera naman ang gamit do’n ay hindi iyon kumupas. Hindi rin napunit. Mas lalong lumawak ang ngiti ko habang nakatingin do’n. Ang ganda talaga ng mama ko. Ngayon alam ko na kung bakit ang ganda ko. I chuckled with that thought. I ran my fingers on my Mom’s image on the picture. Every sacrifice, every struggle, every hardship, all of that are worth it as long as I know that I’m making someone so important to me happy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD