Chapter 3

2815 Words
"Thank you for calling us this evening Ma'am, I'm very pleased to be a help to you. I hope you enjoyed this call. Have a great day!" maligayang sabi ko na may malaking ngiti bilang pagtatapos ng tawag ko sa huling customer ko sa araw na 'yon. Nagpaalam na rin ang tao sa kabilang linya bago nito tuluyang pinutol ang tawag. The moment that the line ended, I let out a heavy sigh. Kasunod no'n ay ang pilit kong pagpapatunog ng magkabilang balikat ko kasama na rin ang leeg at batok ko. I even caressed my nape and tried massaging it using my fingers, trying to lessen the pain that I'm feeling. Halos buong katawan ko ay masakit nang mga oras na 'yon. Ang tagal ko rin na nakaupo doon habang pilit na nakikipagusap nang maayos sa mga tumatawag na customer sa akin kahit na pagod na pagod na ako at pumipikit-pikit na. It's been a few days since I started my work here as a call center agent but I'm still not very used to the exhaustion. Hindi pa rin ako sanay na magtatrabaho pa rin ako ng gabi imbes na magpahinga nalang. I've been to a lot of jobs already before that's why I thought that I could still handle doing phone calls as a call center agent late every evening. Kaya ko naman, sadyang hindi ko lang mapigilan ang hindi mapagod. Pagod, puyat, at ngalay ang kalaban ko kada gabi habang ginagawa 'yon. Hindi pa kasama ang sakit ng lalamunan dahil sa ilang oras na pagsasalita. Swerte ko nalang, wala akong nakausap na masungit na customer. This is probably one of my lucky days. Except nalang sa nangyari kanina na nadukutan pa ako ng cellphone. I shook my head to get rid of what I'm thinking. Wala ng silbi ang paulit-ulit ko na pag-iisip pa ng tungkol doon dahil hindi naman na mababalik ang cellphone ko. Buti nalang talaga ay may naipahiram sa akin si Tita Kate. I grabbed the phone beside the keyboard on top of my desk and examined it. Iphone ngang talaga 'yon, at animo'y bagong bili pa lang dahil wala talagang kahit na anong sira o gasgas. Parang sa mga katrabaho ko lang 'yon nakikita noon at sa mga customers na nakakasalamuha ko sa shop tapos ngayon ay hawak ko na. I will forever be thankful to have such a nice boss and a Tita at the same time here in the office. Kung wala siya ay hindi ko naman makukuha ang ganitong klaseng trabaho. Dagdag income na rin. I need that. I did some stretching while still sitting on my swivel chair. Marahan ko pang pinaikot-ikot 'yon habang inuunat ko ang mga kasu-kasuan ko kasama na doon ang pag-bend ko ng bewang ko. "Oh, Dein? Bakit hindi ka pa naghahanda para umuwi?" Napadilat ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. When I opened my eyes, I saw Manang Rita staring at me while mopping the floor. Doon ko lang napagtanto na talagang naikot ko na ang swivel chair na inuupuan ko sa kaka-stretching ko nang paulit-ulit. My back is now facing my computer desktop while my face is facing the other side, where Manang Rita is currently standing. Namula ang pisngi ko nang mga oras na 'yon at agad na ibinaba ang pagkakataas ko ng magkabilang braso ko sa ere. I heard her giggled after she noticed what I did. "Itong batang 'to talaga, sa akin pa nahiya. Bakit nga ba hindi ka pa rin naghahanda para umuwi? Kailangan mo ng pahinga," she added. Umayos ako ng upo bago nakangiting tumitig sa kaniya. She continued mopping the floor in front of me na siyang hindi ko naman mapigilang hindi sundan ng tingin. "Wala lang naman ho, Manang. Uuwi rin naman ako, sadyang nagpapahinga lang muna bago mag-asikaso. Kayo po? Wala ho ba talaga kayong balak magpapalit ng shift?" kuryosong tanong ko sa kaniya. I saw her smile timidly before shaking her head. Tinapunan ako ng tingin nito na siyang din naman nagtagal. "Ayos na ako sa oras ng trabaho ko, ija. Magugulo pa ang iskedyul ng mga kasabayan ko kung makikipagpalit pa ako," she answered politely habang patuloy pa rin sa kan'yang ginagawa. I stood up when she's already trying to mop the position where my swivel chair is standing. Binuhat ko na rin 'yon at itinabi upang mamop-an n'ya nang maayos ang pwesto kong 'yon. "Paano po ang mga kasamahan n'yo sa bahay? Ayos lang sa kanila na madaling araw na kayong uuwi?" I curiously asked with my forehead crooked. She nodded as one of her responses. "Tulog naman sila kapag uuwi na ako, kaya ayos na rin 'yon. At isa pa, wala rin naman sila sa bahay kapag oras ng pasok ko dahil sa kan'ya-kan'ya nilang mga gawain. Imbes na magmukmok ako doon habang wala sila, ay mas mabuting may ginagawa ako." Marahan akong tumango-tango sa kaniya. After making sure that my area is perfectly cleaned, she moved on to the next cubicle. Nginitian ko nalang ito at hindi kinausap dahil mukhang marami pa siyang lilinisin. She needs to focus. Hinarap kong muli ang nakabukas kong desktop at tinignan ang oras. It was already 5 am in the morning and I have a work at the coffee shop at 10 am. May mga gawaing bahay pa akong kailangan intindihin kaya dapat na akong umuwi para makapagpahinga pa bago pumasok ulit sa trabaho. Just like what I said, I packed my things on my bag and turned off my desktop. Inayos ko na rin ang ilang mga gamit na iniiwan ko palagi sa cubicle ko matapos kong ilagay sa bag ko ang mga kailangan kong iuwi. I also used the toilet to take a quick pee before leaving the office. Kakaunti nalang ang mga nakakasalubong kong mga ka-trabaho ko—na siyang nginingitian ko naman, dahil ang ilan sa kanila ay agad na ring nagasikaso upang umuwi. Nang makalabas ako ng building namin ay napatingin ako sa kalangitan. The sky's showing a little bit of morningness. Although it's not yet fully blue, may makikita na doon na hudyat na mag-uumaga na nga at sisikat na ang araw. Nang mag-iwas ako ng tingin doon ay napatingin ako sa relo na suot-suot ko upang tignan ang oras. Maguumaga na kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala sa sasakyan ko. Mabilis nalang na dumadaan ang mga jeep o tricycle dito nang gan'tong oras. While waiting for a ride home, I took off the phone from my pocket and quickly typed in a message for my mom. Dein: Ma, pauwi na ako. Gising kana ba? I tried waiting for a response from her, hoping if she's already awake but I guess she's still sleeping dahil ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin akong natatanggap sa kaniya. While waiting for her response, a jeepney stopped in front of me. Nagkibit-balikat nalang ako bago ibinalik ang cellphone na hawak ko sa bulsa ko, bago tuluyang pumasok sa loob. Bahala na, bibilisan ko nalang ang pag-uwi para bago pa siya magbukas ng tindahan ay nandoon na ako sa bahay. Nagsimula nang umandar ang jeepney kaya naman ay isinandal ko nalang ang ulo ko sa gilid ko. I closed my eyes and let the breeze of the cold morning slap throughout my skin. I couldn't help myself but to smile while nurturing the feeling of the wind. Nothing beats the coldness of the pre-morning breeze. Isa ito sa dahilan kung bakit kahit pagod at puyat ako sa trabaho ay kahit papano'y nababawasan 'yon nang dahil doon. Nature is really one of the best therapy, no one can prove me wrong. It took me just a few minutes before arriving at the corner of our street. "Manong, para po." Agad naman itong tumigil nang sabihin ko 'yon. Before going off the jeepney, pinaabot ko na muna ang bayad sa isang pasahero upang mabigay niya sa may driver. I smiled as a 'thank you' response to the citizen. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang paninitig nito sa akin. I immediately looked away when he gave me my change at lumabas na doon, and I didn't bother to look back. Sa tinginan pa lang ng lalaki ay alam ko na ang pinahihiwatig ng kaniyang mga mata. He's one of the guys who's not hesitant to show their adoration to me. Sanay na ako sa ganoon dahil lagi naman 'yong nangyayari and just like what other people keeps on saying to me; "Maganda ka, Dein. Natural lang na may nabibihag sa 'yo." "Ma, andito na po ako," may kalakasang sabi ko nang makarating sa harapan ng aming bahay. The lights inside the house are opened so I guess that Mom's in there. Ano kaya ang ginagawa niya? She didn't replied to my text. My lips automatically formed into a smile when my dog, Snow, barked and ran towards me when she saw me. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng bahay nang gawin niya 'yon at nasa tapat pa lang ako. Her white and beautiful fur welcomed my fingers as I ran them through her hair. Napapikit naman siya at nakita ko kaagad ang mabilis na paggalaw ng buntot niya nang dahil sa excitement nang makita niya ako. "Arf!" Snow barked. Ginulo-gulo ko pa ang balahibo niya nang dahil do'n. Napaangat ako ng tingin sa harapan namin matapos ang dalawang minutong pangangamusta ko sa kaniya. Namungay ang mga mata ko nang mapagmasdang muli ang bahay namin na tinitirhan namin ng mama ko. Our house isn't that fancy, I must say. Ang bahay namin ay simple lang, tama lang sa ordinaryong mga tao kagaya namin ng mama ko upang matirhan. It was a simple one-storey house. Walang pintura 'yon sa labas at maging sa loob. Tanging ang kulay lamang ng semento ang nagsisilbing pintura ng bahay namin na 'yon. There's two windows and a door. At ang bubong ay, well... yero. Kaya kapag umuulan nang malakas sa lugar namin ay kailangan naming lagyan ng mga timba o kaya'y maliit ng planggana sa loob upang masahod ang mga tumutulong tubig ulan mula sa yerong bubong ng bahay namin na 'yon. I was about to go inside the house when I heard voices coming from there. Nangunot agad ang noo ko nang marinig ang mga boses na 'yon kaya naman ay hindi ko napigilan ang sarili ko na maglakad nang mabilis upang makita kung ano ang nangyayari sa loob. "Palagi nalang ganiyan ang sinasabi mo sa akin kada sinisingil kita, Diana! Gaano katagal pa ang hihintayin ko bago ka makabayad sa mga utang mo sa akin? Ang tagal ko nang naghihintay!" Nakaramdam ako ng kaba nang mas marinig ko nang mabuti ang nangyayari sa loob. I recognize the voice and I know that we're in a big trouble right now. "Magbabayad naman ako sa 'yo. Sadyang wala lang talaga kaming maibabayad ngayon sa dami ng gastusin namin sa bahay. Pasensya na talaga, sana maintindihan mo ako," ani Mama sa isang nagmamakaawang boses. My heart ached after hearing those words from her. Mas lalo pang kumirot ang dibdib ko nang makita ko ang pagtabing ni Aling Maria sa kamay ni Mama nang subukan siya nitong hawakan. Nakatayo ako sa may habal ng pintuan nang mga oras na 'yon at hindi nagtagal bago ako mapansin ni mama. When she looked at me, I saw the unshed tears from her eyes. Alam ko at ramdam ko na pinipigilan niya lang ang emosyon niya nang mga oras na 'yon. It hurts seeing her like this. Mukhang napansin ni Aling Maria ang paglipat ni Mama sa akin ng tingin kaya naman ay napatingin nalang din ito sa direksyon ko. When she saw me, her eyebrows automatically furrowed. Napalunok ako bago dahan-dahang pumasok sa loob. "Oh, nandito na pala ang magaling mong anak. Baka naman may pera ka d'yan, Dein at nang mabayaran mo na ako sa utang niyo nitong magaling mong nanay," bungad niya nang makita niya ako. Saglit ko lang siyang dinapuan nang tingin at nilipat ko na kaagad ang mga mata ko kay Mama na nakatayo sa gilid niya. Bumaba ang mga mata ko sa pulsuhan niya at doon ko nakita ang mahigpit na pagkakahawak ni Aling Maria doon. I can see how her skin reddened because of the woman's tight grip. She shook her head slowly when she noticed that I was staring at it. "Ano? Tutunganga ka nalang d'yan? Ang tagal ko nang naniningil sa inyo at ang kapal pa talaga ng mukha niyong magpasingil pa ulit. Kailan n'yo ako balak bayaran? Pag patay na ako?" she added again. Mariin akong umiling-iling sa kaniya. "M-may pera po ako," I said in a shaky voice before reaching out for my wallet inside of my bag. Nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ni Aling Maria at mabawasan ang pagkakasalubong ng kilay niya nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. When I glanced at my mom who's still standing beside her, I saw how a tear escaped from her eyes down to her cheeks. Sinubukan ko siyang ngitian kahit na nanginginig na ang mga labi ko. Tabing pera ko itong nasa wallet ko. Tinabi ko 'yon para sana ay pambili ng mga kinakailangan namin sa bahay at para sa vitamins na iniinom ni Mama. Pambayad ko na rin sana 'yon sa kuryente namin dahil nabigyan na kami ng disconnection notice ng Meralco. At sa pang araw-araw na budget at pangbaon ko sa pagpasok. Pero bahala na. But I guess I need to work a lot more to earn more money for me to pay for those. Dahil mukhang may paglalaanan na ang pera na hawak kong 'to. I can't risk another day without worrying about my mother's safety. Hindi ko siya pwedeng iwanan dito mamaya nang hindi ko nababayaran ang nahiram namin sa babaeng kasama namin sa bahay nang mga oras na 'yon. She almost pushed my mom the last time she got to our house to told us to pay for our debt, and now she's gripping on my mother's wrist—not worrying if she's hurting her or not. Hindi ko na pwedeng paabutin pa 'yon ng tatlong beses. Inilabas ko ang pera mula sa wallet ko at inabot sa kaniya. Pabato nitong binitawan ang pulso ni Mama upang kuhain 'yon sa kamay ko dahilan para mabilis akong mapatakbo palapit sa kaniya. Muntikan nanaman itong matumba nang dahil do'n. Agad naman siyang kumapit sa akin nang makalapit ako kaya naman ay parehas naming napigilan ang akmang pagkakatumba niya. "Ayan, buti naman at may silbi ka na ngayon kahit papaano. Bigyan mo ng pera 'yang nanay mo para hindi hiram nang hiram, tapos matagal babayaran. Mga perwisyo!" she bursted out before leaving our house. Napakuyom pa ako sa kamao ko nang marinig ang pag-iyak ni Snow nang sipain siya nito bago siya tuluyang lumabas ng pintuan. Pati ba naman aso, pagiinitan niya? "D-dapat hindi mo na 'yon ginawa... anak. Naubusan ka na ng pera. Pakikiusapan ko nalang sana si Aling Maria," sabi niya sa akin sa kabila ng panginginig ng labi niya. I looked down at her and saw how teary her eyes are at the moment. Marahan akong umiling-iling habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "K-kikitain ko naman ulit 'yon Ma. Makakakuha ako ulit ng pera, kaya huwag kanang mag-alala, ha? Ang mahalaga ay maayos ka," I answered. Inayos ko siya ng tayo at parang madudurog ang puso ko nang bigla niya akong yakapin. I couldn't help my tears from falling when she hugged me. Naramdaman ko rin ang pag-baba at pag-angat ng balikat niya nang mga oras na 'yon habang nakayakap siya sa akin. I hugged her back. "P-patawarin mo si Mama, anak. Ako dapat ang gumagawa ng mga 'yan at hindi ikaw. Patawarin mo si m-mama..." she said in between her sobs. I could almost feel my heart breaking into pieces while hearing those from her. Hindi na ako nagsalita pa at nanatili nalang na nakayakap sa kaniya, ganoon din naman ang ginawa niya sa akin. We both cried our hearts out while hugging each other. Halos hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang mga oras na 'yon habang magkayakap kaming dalawa. I was exhausted because of work, hurting because of my mothers' words and happy at the same time. It's probably because of her hugs. Na kahit gaano kahirap ang sitwasyon naming dalawa, kahit gaano ako kapagod sa kakakayod sa magdamag na 'yon, ay isang yakap lang niya ay nawawala ang mga 'yon. Nakakalimutan ko ang mga isipin ko at mga paghihirap na kailangan naming harapin kahit na panandalian lamang. We're both giving each others' strength, and I think that's beautiful. I'll use this not as another reason for me to lose hope, but for me to strive for more. Hinding-hindi ako mapapabagsak nang mga ito. As long as I have her, everything is possible. It will always be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD