Chapter 4

2131 Words
"Here's your order, thank you Ma'am. Have a nice day!" I happily said. Nginitian naman ako ng babaeng customer nang kuhain nito sa akin ang order niya. Nang makaalis na siya sa may tapat ng counter ay nilibot-libot ko ang mga mata ko sa paligid. It's still 1PM in the afternoon. Maganda ang pagkakasinag ng araw na siyang nagbibigay ng magandang tanawin sa labas ng shop. Kaya naman ay kahit na madami akong isipin na problema ay nakakalimutan ko ang mga 'yon kahit na panandalian lang. Hindi ako tumigil sa pagtingin-tingin sa buong shop upang humanap ng mga customers na magbabayad. Marami-rami na rin naman ang nasa loob at halos lahat ng mga ito ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa habang ine-enjoy ang mga products na binili nila sa amin. Our shop contains not just drinks for a café, but also pastries and other delightful desserts with different portions and designs. Iba-ibang treats ang mayroon kami at ang iba doon ay naka-display nalang sa may gilid. Ang iba ay ang mga staff kagaya lang namin ang pwedeng maka-access at may section din kami na kung saan pwedeng ang mga customers nalang ang kumuha ng kung ano ang gusto nila, at babayaran nalang nila sa amin dito sa counter. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti habang tinitignan ang mga tao na nandito sa loob ng shop namin. Ang iba sa mga ito ay may kaharap na laptops at iba pang klase ng mga gadgets. May ino-offer kasi kami dito na free wifi para sa mga customers na bibili ng mga produkto namin. Pupunta sila dito sa may counter at magsasabi kapag gusto nilang magkaroon ng access sa internet connection namin dito sa shop. Kami rin mismo ang magc-connect ng mga gadgets nila na gusto nilang paggamitan ng wifi para na rin sa privacy namin dito. Exclusive lang kasi ang offer na 'yon para sa mga customers at hindi para sa ibang mga tao sa shop. Lumingon ako sa isang gilid at nakita ko ang isang grupo ng mga babae na may apat na myembro, na masayang nakikipagusap sa isa't-isa. They all laughed when one of them said something, probably a joke. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti nang malawak habang nakatanaw sa kanila. Ang saya-saya nila tignan. Animo'y wala silang mga problema at talagang masaya sila sa pagkakaibigan nila. Hindi ko rin maiwasan na hindi mangarap habang nakatingin sa kanila. Sa susunod, hindi na ako manonood nalang dito at magsisilbi sa kanila. Isa na rin ako sa mga bibili at mage-enjoy ng mga produkto sa ganitong klase ng shop. At kasama ko rin ang mga kaibigan ko sa panahong 'yon. I hope for that and I wouldn't stop hoping. "Hoy, Dein. Kanina ka pa nakatulala r' yan habang nakangiti. Are you being possessed?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses na 'yon ng ka-trabaho ko na si El. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko nang marinig ko ang sinabi niya na 'yon. Nakakahiya. Nakita niya pa akong nakatulala sa mga customer namin. Ano nalang kaya ang iniisip niya? Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin hanggang sa nasa tabi ko na siya. I glanced at her secretly and saw her staring at the bunch of girls that I'm looking at just a second ago. "Bakit nakatingin ka sa mga 'yon? Kilala mo ba sila?" dagdag na tanong niya pa. Agad akong umiling-iling at umalis sa pwesto ko. Nagpanggap ako na abala sa kung ano. I started arranging things here in the café. Ang mga gamit kagaya ng mga disposable coffee cups, straws, napkins, maging ang mga kagamitan kagaya ng Espresso Machine, Airpots, Blenders, ay pinunasan ko na rin. Inayos ko rin ang pagkakalagay ng mga pastries sa display habang nakasuot ako ng malinis na pares ng gloves. Ramdam ko ang pagmamasid ni El sa akin habang ginagawa ko ang mga 'yon. Hindi ko nalang siya nililingon kahit na naiilang na ako sa mga tingin na pinupukol niya sa akin. "Alam mo, kanina pa kita napapansin eh. Bigla-bigla ka nalang tumutulala na ewan d' yan tapos parang hindi ka mapakali." naramdaman ko ang paggalaw niya. Hindi ko siya nilingon. "Hmm, talaga ba?" tanong ko sa kaniya. Sinubukan ko pa na gawing pabiro ang tono ko nang sabihin ko 'yon. "Anong talaga talaga na ka r 'yan. May problema ka ba? You know that you could always talk to me if there is any, Dein. Kaibigan na ang turing ko sa 'yo rito," sagot niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi mapatingin sa kaniya. I saw her standing just beside me. Nakasandal ang gilid ng kaniyang katawan sa may counter na siyang katabi lang ng lagayan ng mga pastries na inaayos-ayos ko. Nakapalumbaba siya habang diretsong nakatingin sa akin. Pabiro kong inikot ang mga mata ko at bahagyang ngumiti. "Wala, ayos lang ako. Bawal na bang i-admire ang kagandahan ng shop natin?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya. She raised one of her eyebrows, higher and more accurate than mine, when she heard that. Nilibot-libot niya ng tingin ang buong coffee shop namin na siyang naging dahilan para mapakunot ako ng noo. Sinabi ko lang naman sa kan 'ya na ina-admire ko lang ang kabuuan ng shop, bakit ginagaya niya na ako? "Seryoso, Dein? Isang taon mahigit na tayo dito tapos sasabihin mo sa akin na ina-appreciate mo lang yung itsura ng shop natin? Hindi ka pa ba nagsasawa sa araw-araw mong pag tingin dito?" Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya. "Magdadahilan ka na lang sa akin yung wala pang kwenta," pagpapatuloy niya. Pinilit ko ang sarili ko na magpigil ng tawa. Alam ko kung gaano ka-pikunin si Elie. Kung tatawanan ko siya sa panenermon niya sa akin ay baka makalbo niya ako. "Wala naman kasing problema. Ikaw lang itong nagbibigay ng meaning sa lahat ng ginagawa ko," sagot ko sa kaniya sabay tayo. She stared at me. Tinaas ko ang dalawang kilay ko sa kaniya at binigyan siya ng isang nagtatanong na tingin. "Basta, kapag may kailangan ka kagaya ng kausap o kung ano pa—huwag mong kakalimutan na andito lang ako, okay?" pagpapaalala niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang hindi magpakita ng isang malambot na ekspresyon sa kaniya. She also did the same and pulled me into a hug. Natawa nalang ako doon at niyakap ko na rin siya pabalik. Kagaya nga ng inaasahan ko ay hindi rin nagtagal ang paguusap namin na 'yon ni Elie. Matapos naming magyakapan na dalawa, kasabay no'n ay ang sunod-sunod na pagpasok ng mga customers sa coffee shop na siya namang ikinatuwa naming lahat. We happily served our customers, wearing the best of our smiles. Kahit na gaano pa kadami ang mga naging customer namin sa hapon na 'yon ay hindi 'yon naging hadlang para hindi namin mas ganahan pa ang ginagawa namin. Ayon ang isa sa mga rason kung bakit masarap sa pakiramdam ang mag-trabaho sa isang establisyimento na mababait at mabubuti ang mga nakakasama mong magsilbi sa araw-araw at walang oras na hindi niyo nagagawa ang hindi ngumiti sa bawat isa. We've been friends since we're all still studying. At hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kami kahit na sa paraan pa na paghahanap namin ng pera. Kaya hindi talaga ako naniniwala sa mga sabi-sabi ng ibang mga tao na hindi mo magagawang maging masaya sa ginagawa mo, lalo na sa ganitong paraan, kapag mga kakilala mo na simula noon ang mga nakakasama mong gawin ang mga bagay na 'yon. I belive that working with your friends doesn't always makes everything complicated. It makes you more motivated, less to adjust, and of course—you never forgot to enjoy what you're doing. Napapatunayan ko 'yon kapag peak hours at peak season kami, kagaya nalang pag maalinsangan at malamig ang panhaon. Imbes na maging aligaga kami kapag madami ang mga tao at sunod-sunod ang mga nago-order sa amin, sunod-sunod ang mga pumapasok, ay nagagawa pa naming maging masaya. Despire of the people and the pressure, we never fails to make ourselves comfortable to what we're doing. Kaya kahit na paguran talaga ang ganitong trabaho ay hindi ko magawang umalis. Hindi namin magawang umalis. Bihira nalang sa panahon ngayon na makahanap ng trabaho na maayos ang pagpapasahod, tapos kaibigan mo pa ang mga makakasama mo. At ang paligid... Pumikit ako at hindi ko naiwasan hindi mapangiti nang malawak nang maamoy ko ang magkakahalong amoy ng pastries, kape, at iba't-ibang mga ingredients na siyang nagpapabango ng buong shop. This is what I love about café's. The ambiance of the place is just relaxing. Sa ilong man, sa mata, o kahit na sa pakiramdam ay walang makakatalo sa isang coffee shop. Kaya wala ka na talagang mahihiling pa kapag nagt-trabaho ka sa ganitong klaseng paligid. At dahil sa ilang taon ko nang pagtatrabaho rito ay nabuo ang isang pangarap na gustong-gusto kong matupad. Isa sa mga pangarap ko ay ang makapagpatayo ng sarili kong coffee shop. Isang establisyimento na sarili kong pangalan ang gagamitin ko. Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon o makapagpatayo ng sarili mong negosyo? Kailanman ay hindi nawala sa isipan ko ang katanungang 'yan. Hindi dahil sa inggit, kundi dahil sa motibasyon. Ginagamit ko 'yon bilang lakas upang mas maging determinado pa akong maabot ang mga pangarap ko. Na kung gusto kong malaman ang pakiramdam na maging isang negosyante, ay dapat magsipag pa ako lalo. And that's the thing that I'm very proud of myself. I will always be an ambitious woman. Walang masamang mangarap, ang masama ay ang patuloy ka lang na nangangarap ngunit wala kang ginagawang aksyon upang abutin 'yon. "Hay! Nakakapagod! Nakakangawit sa kamay!" reklamo ni Elie nang maubusan kami ng customers. Break time na kasi namin, at magpapalitan na kami ng mga shift. Tapos na ang shift ko at may isa nang papalit sa akin na hinihintay nalang namin na dumating. Nakapaskil na rin ang isang sign sa may labas ng glass door ng shop na may nakalagay na, "temporarily closed, be back at 7." Ito rin ang isa sa kagandahan sa trabaho namin na ito. Hindi man sa amin ang coffee shop na ito at nga empleyado lang kami, ay binibigyan kami ng karapatan ng amo namin na gawin ang kahit na anong gusto namin dito. Kasama na roon ay ang paglalagay namin ng mga breaktime para sa aming mga empleyado. Walang mga lalaki rito, puro babae lang kami at maging ang mga tinatanggap naming aplikante ay babae. Kaya naman pati ang mabibigat na trabaho ay kami ang gumagawa. That's why we decided to implement a rule that we need to have atleast a thirty minute break for every five hourse of working, before continuing to accept customers. Oh 'di ba, walang kahigpit-higpit. "Nakakapagod naman talaga, hindi naman tayo nagkaroon ng araw na hindi tayo pagod. Pero aminin, masaya," hirit naman ni Sunny. Bumaling ako ng tingin sa kanilang dalawa at nakita ko na kasalukuyang nagtatanggal ng hairnet si Sunny, mukhang aayusin niya ang pagkakatali ng buhok niya, habang si Elie naman ay nakaupo sa isa sa mga customer chairs namin. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagpupunas ng mga lamesa. Nang matapos ako sa isa ay naglakad na ako kaagad papunta sa may counter at nagtanggal ng tali sa buhok. "Masaya nga, wala naman akong sinabing hindi. Pero pagod pa rin." Inabala ko ang sarili ko sa pagsusuklay ng nakalugay kong buhok gamit ang mga daliri ko habang nakikinig sa kanila. "Wala rin naman akong sinasabi na hindi tayo napapagod." tumaray si Sunny kay El. "Anyway, wala manlang ba kayong balak na gumimik? Kahit mag-inom manlang?" "Ako naman gora lang palagi, kailan ba ako tumanggi sa ganiyan? T'yaka sahod natin ngayon, celebration naman d' yan!" excited na gatong ni Elie. Hindi ako nagsalita kahit na narinig ko silang dalawa. Nagtagal ang ilang minuto na purong katahimikan lamang ang namumutawi sa paligid. Doon na ako nagtaka kaya naman ay inangat ko na ang tingin ko sa kanilang dalawa. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang makita kong parehas silang nakatitig sa direksyon ko. Hindi ko gusto ang tinginan nilang 'yan. "Dein, ano na? Huwag mo sabihing hindi ka nanaman sasama! Hindi ka na nga sumunod sa amin nung day off, pati ba naman ngayong pay day?" may halong lungkot na sabi ni Elie. I couldn't stop myself from feeling guilty. Oo, tama, hindi ako nakasama. Masyado kasi akong abala sa pag-aasikaso sa iba ko pang trabaho at maging kay Mama kaya naman ay wala na akong panahon pa sa mga ganoong klaseng bagay. Pero nagsasabi ako sa kanila. At kapag kailangan ko sila ay palagi silang nariyan para sa akin. Masyado naman na akong unfair kung hindi ko sila pagbibigyan. Napabuntong hininga ako at napakagat sa ibabang parte ng labi ko. Anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD