Chapter 5

2099 Words
Hindi ko sinagot ang tinanong na 'yon sa akin ni Elie. She stared at me the entire time that I have left at the café na para bang may ginawa akong krimen o kung ano. Pero ang tanging ginawa ko lang ay ang iwasang tumama ang mga mata ko sa mapanuri niyang mga mata, o kaya naman ay magpanggap na abala kahit hindi. Ang hirap kaya. Natapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko para aalis nalang ako kapag dumating ang kapalitan ko, kaya kung ano-ano pa ang mga pinanggagawa ko para lang magmukhang busy. I even wiped the tables again even if I've already done doing that. I also re-arranged the chairs even if they all look perfectly fine. Nasita na nga ako ni El nang mapansin niya ang ginagawa kong 'yon pero tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya. Dahil siguradong pag nagsalita ako, ay masasabi ko ang totoo na umiiwas lang ako sa mga pag-aaya niya sa akin. God, lying is so hard. Ni hindi ko lubos maisip kung gaano nakakakaya ng mga tao na magsinungaling na parang hobby na nilang gawin 'yon. Dahil ako? Hindi ko kayang magsinungaling nang matagal. Yes, nagagawa ko ang bagay na 'yon kagaya nalang ngayon at kapag tinatanong ako ng kung ano-ano ng mga ka-trabaho ko na pwedeng maging dahilan para malaman nila ang mga iba kong trabaho pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko 'yon pinagsisisihan. I couldn't even look at them in their eyes whenever I lie. "El, Sun, alis na ako ah? May kailangan pa kasi akong asikasuhin sa bahay eh," pagpapaalam ko sa kanila nang makarating na ang kapalitan ko. Ibinalik ko na rin sa mga dapat na paglagyan nila ang mga pamunas at pang-linis na ginamit ko upang hindi na nila kailangan pang ligpitin 'yon. I picked up the strap of my bag and placed one of it onto my shoulder. Inayos ko pa ang sintas ng itim na sapatos na suot-suot ko dahil nakita kong nakatanggal na 'yon. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa ay nakita ko ang mga ito na nakatitig lang sa akin nang tahimik. El and Sun we're both staring at me with their suspicious eyes. Especially El dahil siningkit pa niya ang mga mata niya sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. Madiin kong kinurot ang sarili kong balat nang mga oras na 'yon dahil nakakaramdam na ako ng nerbyos. Sa aming tatlo, si El ang malakas na makaramdam. Kahit na may itago kami sa kaniya ay walang paraan na hinding-hindi niya 'yon malalaman. Kaya hindi rin naman ako umaasa na matatago ko 'yon nang matagal sa kanila, lalong-lalo na si El. Sun, on the other hand, isn't someone who cares about other people's business especially if it's personal. Alam kong gusto niya rin malaman ang dahilan kung bakit hindi ako sumasama-sama sa kanila pero hindi naman niya ako gaanong kinukulit. Talagang si Elie lang ang problema ko. "May tinatago ka ba sa 'min, Dein? Ang dami na nating gala na hindi mo nasasamahan! Simpleng inuman at kasiyahan lang, wala ka. Deserve naman natin 'yon kasi lagi tayong pagod sa café. Ano ba talaga ang problema?" kunot-noong tanong niya sa akin. Namungay ang mga mata ko nang makita ko ang malambot na ekspresyon ng mukha niya. I couldn't stop myself from feeling guilty. "I'm not dumb to not notice that there's something off about you! Kaibigan mo kami, Dein. Kung may problema ka, magsabi ka. Hindi kami nandito lang para sa mga masasayang araw mo. We're here everytime," she added. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. Naiintindihan ko kung bakit ganoon nalang ang mga naiisip niya. Kahit ako ay kung ganoon ang gagawin nila sa akin ay hindi ko maiiwasang mag-overthink. Pero... ayaw kong sabihin. Dahil alam ko na ang gagawin nila kapag nalaman nila na may iba pa akong trabaho bukod dito. That I'm overworking myself, again. And that they'll push me to resign. Hindi ko pwedeng hayaan na mangyari 'yon. Hindi pa pwede. Lalo na ngayon na maraming gastusin sa bahay at walang masyadong kliyente si Mama sa mga extra niyang gawain. Wala kaming ibang pwedeng pagkuhaan ng pera bukod sa mga trabaho na mayroon ako. Pinilit kong ngumiti sa kanila. Kahit na ramdam na ramdam ko na ang kirot at lungkot sa dibdib ko ay pinili kong huwag nalang indahin 'yon. Feeling the pain will only make things worse. Mas lalo lang akong magdadamdam at 'yun ang magiging dahilan para mas mapagtuunan ko ng pansin ang nararamdaman ko imbes na ang mga dapat kong intindihin talaga. "Ano ba kayo, wala namang problema. Sadyang kailangan lang talaga ako ni Mama ngayon." lumapit ako sa kanila at naupo sa pagitan nilang dalawa. "Babawi ako, okay? Pero hindi pa sa ngayon, mga sa susunod na araw siguro. Hindi naman ako lumalayo sa inyo. Alam niyo namang ako nalang ang inaasahan ni Mama, hindi ba?" nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sunny nodded at me and forced a smile. Tumigil ang mga mata ko kay Elie at nakita kong pilit niyang iniiwas ang tingin niya sa akin. Ramdam ko talaga ang tampo niya at pursigido rin naman akong alisin 'yon. Sana lang ay maintindihan niya pa ako. "I'll make it up to you next time, hmm? Babawi ako, promise na 'yan." binigyan ko sila ng malawak na ngiti. Inakbayan ko silang dalawa at hindi naman sila nagpumiglas. Sunny laid her head on my shoulder while Elie caressed my arm. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa nang dahil sa simpleng group hug lang na 'yon. Naiintindihan ko sila, at alam kong sinusubukan din nila akong intindihin. They're just worried about me. Who wouldn't? They're my friends. Friends worry about each other. Nang mapansin ko na 6:30 na ng hapon ay nagpaalam na akong muli sa kanila. They didn't stopped me this time and just waved their hands at me. Nakangiti ko rin namang ginawa pabalik 'yon sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng coffee shop. The guiltiness that I'm feeling the moment I got out from the coffee shop never left my system. Tanging ang mga mukha lang nina Elie at Sunny na nanunuri sa akin kasabay na rin ng tampo na pinaparating ng mga mata nila ang nakikita ko sa isipan ko habang nasa byahe ako papasok ng agency. May nararamdaman ako ng mga oras na 'yon na pagsisisi. Pagsisisi na hindi ko pa sinasabi sa kanila ang tungkol sa iba ko pang trabaho at pagsisisi na pinagpapatuloy ko ang pagsisinungaling ko sa kanila. I know that if there are people who would understand me—that's them, but I don't know... I still can't risk it. Alam kong imposibleng hindi sila magalit sa akin lalong-lalo na si Elie kapag nalaman niya ang tungkol doon. Hindi lang dahil sa tinatago ko 'yon sa kanila kundi dahil sa kinakawawa ko nanaman ang sarili ko sa kakakayod para lang sa panggastos namin sa pang araw-araw ni Mama. Just like what I keep on saying, I can never blame them if they happen to feel that way. If they'll react violently once they discover the truth. Dahil alam ko ang takot nila na mangyari nanaman sa akin ang nangyari noon nang dahil lang sa pagpupumilit ko na pagsabay-sabayin ang kung ano-anong trabaho. They don't wanna see me like that anymore. Hindi na nila kaya pa na magtiis na makita akong nahihirapan habang nakahiga sa isang hospital bed sa kadahilanan lang na masyado kong inaabuso ang sarili ko. Tumigil ako sa paglalakad bago pa man ako tuluyang makalapit sa pintuan ng agency. Namataan pa ako ng gwardya na nakatoka sa oras na 'yon at nakita ko ang pagtataka sa mukha nito nang dahil siguro sa biglaan kong pagtigil sa gilid ng glass door. I felt my cheeks burning because of the sudden embarassment that I've felt at that moment. Agad akong nag-iwas ng tingin sa manong na 'yon at pilit nalang na inintindi ang sarili ko. "Tama na muna ang kakaisip, Dein. You have to focus. Focus," pagpapaalala ko sa sarili ko. Binanggit ko ang mga katagang 'yon gamit ang isang mahinang boses lang. Ayaw kong mapansin ng mga makakarinig sa akin na kinakausap ko ang sarili ko. Baka isipin pa nila na nasisiraan ako ng bait kaya ko ginagawa ang bagay na 'yon. Mahuhusgahan pa ako ng wala sa oras. "Magtiis ka lang... kaya mo 'yan. Malalampasan mo rin ang mga pagsubok na 'yan, hindi mo pang-habang buhay na poproblema-hin ang mga 'yo—" "Dein, bakit mo kinakausap ang sarili mo?" Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Nakayuko ako nang mga oras na 'yon habang kinakausap ko ang sarili ko nang biglang may magsalita sa harapan ko. I suddenly couldn't move my whole body because of that. Mas lalo ko ring naramdaman ang pag-init ng buong mukha ko nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari nang mga oras na 'yon. May nakarinig sa akin habang kinakausap ko ang sarili ko! Iisipin niya kayang nasisiraan na ako ng bait? "Dein? Dein Ysabel? Yoohoo?" Agad akong napaangat nang tingin dahil sa gulat nang magrehistro nang tuluyan sa isipan ko kung kanino nanggagaling ang boses na 'yon. Nang mag-angat ako ng tingin sa taong nakatayo sa harapan ko ay nagtatakang mukha niya agad ang nasilayan ko. I suddenly felt so happy the moment that I've laid my eyes again on him. He's here! Hindi ako makapaniwala! Siya ba talaga 'to? "Gavin?" gulat na gulat na tanong ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya talunin nang yakap nang dahil sa sobrang pagkatuwa ko nang mga oras na 'yon. I heard him chuckled because of what I did. Niyakap ko siya nang mahigpit na animo'y ilang taon ko siyang hindi nakita. Well... hindi naman ganoon katagal. Pero ilang buwan rin 'yon, and that feels like a very long time! "Huwag mo namang masyadong ipahalata na na-miss mo ako. Sige ka, baka isipin ko may gusto ka sa 'kin," aniya sa isang nang-aasar na tinig. Agad akong napabitaw sa kaniya nang marinig ko ang mga sinabi niyang 'yon. Awtomatiko ko siyang sinamaan ng tingin ngunit ramdam ko pa rin ang mainit kong mga pisngi. "Kahit kailan ka talaga! Ang lakas mo pa ring mang-asar!" I yelled at him. He bursted into a laugh because of that. Hindi ko napigilang hindi makaramdam ng hiya nang mapagtanto na nasa harapan nga pala kaming dalawa ng building. The glass doors are widely opened and we're both in the way. Because of my shout and his sudden outburst, the people inside looked at us. Halos magtago ako sa damit na suot-suot niya nang mga oras na 'yon dahil sa dami ng mga mata na nakatutok sa amin. He stopped laughing when he noticed what I did but I can still feel that there's still a smile on his face. "Tara na nga sa loob at baka sabihan pa tayo na PDA rito," aniya sabay akbay sa akin. Iginayak niya na ako nang tuluyan papasok ng building at agad na tumama ang mga mata ko sa mga ka-trabaho namin na nakapokus lang ang mga mata sa amin. Alam kong mukha nang kamatis ang mukha ko sa sobrang pagkapula nang mga oras na 'yon pero ang lalaking katabi ko ay parang wala namang nararamdaman. Ni hindi manlang siya nahiya na nakikita siya ng mga ka-trabaho namin na nakaakbay sa akin at mas lalo niya pa akong inilapit sa kaniya. Marahan nalang akong umusog palayo at mukha namang hindi niya na 'yon napansin. "Uy Gav, pare, nakabalik ka na pala!" bungad sa kaniya ni Erick nang makalapit kami sa cubicle nila. Erick's eyes darted on me and I can already guess what he's thinking. Agad kong inalis ang braso ni Gavin na nakaakbay sa balikat ko dahilan para mapatingin siya sa akin. "What's the matter?" tanong niya sa akin na may halong pagtataka. Binalingan niya pa ako ng tingin at hindi ko naman magawang ibalik sa kaniya 'yon. Nandito pa si Erick sa harapan namin at alam kong binibigyan niya na ng malisya ang simpleng kilos na 'yon ni Gavin sa akin. Kahit wala naman siyang dapat na isipin. "A-ah... wala naman..." tumalikod ako. "Mauna na ako roon ah. Nice to see you again, Gav. Mamaya nalang!" sigaw ko sa kaniya at tinapik ko rin ang balikat niya bago ako tuluyang naglakad palayo. I heard him called my name but I didn't bother myself to look back. Agad akong pumasok ng elevator nang bumukas 'yon at pinindot ko kaagad ang button kung saan ang floor ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD