CHAPTER 5: Pion's in the House

2340 Words
“Huwag kang lalabas. Babalik ako.” Tatayo na sana si Pion ngunit hinawakan naman siya ni Danelle sa palapulsuhan kaya napatigil siya. The woman looked scared and he understands that. “Bitaw.” Dahil doon nabitawan ni Danelle ang pagkakahawak niya rito. Lumabas ang lalaki at agad na sumalubong sa kaniya ang mga kasamahang sundalo. “Anong nangyari, Castro?” Sumaludo ito sa kaniya. “Captain. Nahulog lang po ang baril ng isang sundalo sa apoy at kasalukuyang may mga bala ito kaya sumabog. Pero okay na naman po. No further damages done.” “Nasaan sila?” “Area 1 po, Kapitan.” Tinahak ni Pion ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog at sa hindi sinasadyang pagkakataon sabay pa silang dumating ng kapitan ng Prime Special Forces. Sandali pa silang nagkatitigan nito bago siya bumitiw. “Anong nangyayari dito?” mainit ang ulo na tanong ni Captain Locsin Kabadong napayuko ang lalaki. “Hindi na po mauulit, Captain. Natabig ko lang ang baril ko at nahulog iyon sa apoy.” “Nagbibiruan lang po kami at hindi namin sinasadyang maigalaw ang mesa.” Dagdag pa ng kasama nito “Kung hindi kayo tatanga-tanga bakit dito pa kayo magbibiruan? Ayusin ninyo iyang kalat kung ayaw ninyong ipakain ko ang mga iyan sa inyo.” Asik nito Pion pursed his lips and looked at the soldiers in front of them. “Sige na. Ayusin niyo na iyan at mag-ingat na kayo sa susunod.” He was about to leave when the other Captain spoke. “Kaya dumadami ang mga tangang sundalo rito dahil sa'yo. Masyado kang bait-baitan, kunsintidor at pabida.” Mayabang na saad nito Maayos na hinarap ni Pion ang lalaki. “Stop being nosy. Was it fun watching me?" Humakbang siya at mas lumapit pa sa lalaki. "Mag-ingat ka, dahil kapag ako ang nagmatyag sa'yo, wala kang lulusutan." Namula sa galit ang mukha ni Locsin. Binabantaan ba siya nito? Lalapitan sana siya kay Pion ngunit napigilan siya ng mga iba pang mga sundalo. “Ikaw ang mag-ingat sa mga pananalita mo kung ayaw mong pasabugin ko iyang bungo mo. Hindi ako magdadalawang isip na burahin ang pagkatao mo.” Locsin smirked Saksi ang mga kasundaluhan kung paano sila mag-alitan at alam din ng mga ito na hindi sila magkasundo kaya naman ngayon ay tahimik sila nitong pinapanood. Hindi rin sila nito maaawat dahil bukod sa pareho silang malakas, natatakot din ang mga ito sa kanila. “Mahihirapan ka.” Ngumisi si Pion bago tuluyang umalis. Bumalik siya sa tinutuluyang tent at aabutan ang babae sa loob na kausap ang tatlo sa mga sundalo niya. “Castro, Garcia, Reyes. Anong ginagawa ninyo?” Nagsiunahan namang magsitayo ang tatlong kalalakihan saka sila humarap sa kanilang kapitan. “Captain, sinamahan lang po namin dito si Danelle dahil natatakot siya kanina.” Ani Garcia Napataas naman ang kilay ni Pion nang marinig iyon mula sa kasama. Tinawag niya ito sa pangalan lang? “What did you call her?” paglilinaw niya Naiilang naman na lumingon si Garcia sa babaeng si Danelle pati na sa mga kasamahan. “P-pero iyon po ang sabi samin ni D-danelle. Iyon daw ang itawag namin sa kaniya.” sabi naman ni Reyes Danelle stood up while her bag is on her arm. “Yeah. Hayaan mo na silang tawagin ako ng ganoon.” Sabat niya kaya tiningnan siya ng lalaki. “At hindi ko rin naman sila tututulan. Ayusin mo na ang sarili mo dahil ihahatid na kita kay General.” Saad nito bago tumalikod at tuluyang lumabas. Naiwan si Danelle na nanggigigil sa lalaki. Para sa kaniya'y napakasama talaga ng ugali nito. Palagi na lamang niyang napapahiya ang sarili sa lalaki. “Mauuna na po kami, Ms. Danelle.” Paalam ng isa pang sundalo na si Castro. Hindi sinasadyang matingnan niya ito ng masama dahil naiinis pa rin siya sa kapitan ng mga ito. “Oo, at sabihin mo riyan sa kapitan ninyong mahangin na pakibilisan dahil hindi ko na kayang makita ang pagmumukha niya.” Dire-diretsong sabi niya rito. Naiilang naman na tumango sa kaniya ang sundalo saka na ito lumabas. "Aish!" “I want five units of my restaurant.” Danelle said. Nasa kanilang tahanan siya ngayon kasama ang isang architect at ang kaibigan niyang si Xia na nagdala doon sa arkitekto. Sa may hardin ng kanilang bahay sila nag-uusap dahil bukod sa maganda ang tanawin, presko pa ang hangin. And speaking of hangin, mariing napapikit si Danelle ng maalala ang lalaki. “Five units? Para saan naman iyon at bakit ang laki?” Xia asked her “And since it’s huge, we’ll consume a lot of space.” Saad ng lalaking arkitek “That’s business. Paano lalago ang negosyo ko kung titipirin ko, hindi ba?” Natahimik naman ang dalawa until the man talked. “Can you elaborate what these five units are for?” Umakto siyang parang nag-iisip ng ideya “Hmm. Gusto ko iyong may division ang restaurant ko. There will be five units in which one is for seniors, families, friends, loner, and couples. Isn’t it great? Alam kong marami na ang negosyong ganito kaya gusto kong lagyan ng kakaibang twist. For instance, seniors prefer a not so loud atmosphere that’s why we'll be giving them separate unit. Ganoon din ang mga loner o gusto mapag-isa lalo na kung magrereview sila para sa school or what and then gusto pa rin nilang kumain. Then they will go to this cozy restaurant wherein there is a place for them. And the same goes with the others. What do you think architect?” Tumango-tango ito. “The idea is great but give me more time to think how I’ll do it.“ “Is three days enough?” Danelle asked “Danelle, that’s cruel. Malaki ang itatayo mong restaurant at hindi kasya ang tatlong araw para sa kaniya and besides, kailangan muna niyang makita ang lugar na pagtatayuan ng negosyo mo para naman makagawa na siya ng sketch.” Natigilan naman si Danelle ng maalalang wala pa nga pala siyang nahahanap na lugar. “Paano kung maghanap nalang tayo ng mga for sale na restaurant and then palakihin mo nalang?” Suhestiyon ni Xia na agad na ikinailing ni Danelle. She raised an eyebrow saying that she didn't like her friend's idea. “No, Xia. I want to start on my own. Gusto ko ako ang magsisimula ng lahat at may naisip na rin akong lugar. Siguro mas maganda doon malapit sa Camp Samonte.” Nakangiti niyang sabi ngunit ang mga reaksyon ng kaharap niya ay hindi umaayon sa kaniya. “What?!” Xia exclaimed “Yes, malapit sa Camp Samonte and don’t worry nakapunta na ako roon noong nakaraang linggo at may nakita akong bakanteng lote na sa palagay ko ay tama lamang sa itatayo kong restaurant. I think that’s one kilometer away from the camp and its pretty good.” “Are you sure with that? How about the risk of your business as well as your customers and your people?” Uminom siya sa kaniyang champagne glass saka marahang binaba iyon sa mesa. “Architect, don’t be so negative. Malayo-layo pa naman iyon sa kampo ng mga sundalo at marami din ang tao doon kaya sigurado ako. Isa pa, wala pa akong nakikitang restaurant doon. This is a big win for me.” “And that’s because it’s too risky kaya walang nagtatayo ng restaurant doon.” Xia “That's there problem! They are afraid to take a risk that's why they won't succeed. Sa negosyo, palaging may panganib at kung ayaw mong i'risk 'yon e 'di huwag kang umasang aasenso ka. Besides, you’re overreacting guys, one kilometer away naman iyon sa kampo nila.” “Danelle has a point. I think that’s okay. It’s settled then. Kailan tayo bibisita sa lugar?” tanong pa ng arkitek “Tomorrow?” Danelle Tumayo na silang tatlo saka nagsimulang maglakad. Matapos ang mahabang pag-uusap may napagkasunduan din sila. “I will give you the contract on Friday, architect. I also want to know you terms and conditions, just send it to my Email. And I’ll give you one week to settle with the plan. Thank you for today, architect.” Nakarating sila sa labas at nasa tapat na sila ng kotse ng lalaki. “Thank you, Xia.” Nagbeso sila nito at nakipagkamay naman siya sa lalaki. Naabutan sila sa ganoong estado ng isang matipunong lalaki. Lumabas ito sa sasakyan nang nakatingin sa kanila. Tulala naman si Xia na tinatapik-tapik ang kaibigang si Danelle. “Who’s that guy? A suitor?” pabulong na tanong nito Tiningnan lamang sila nito saka dumiretso na sa loob. Walang oras naman na napalabi si Danelle. “Wala talagang modo.” Saad niya matapos makalipas ang lalaki. “Omg! Who is that guy, Danelle? Bakit hindi mo sinasabi sa'king may manliligaw kang ganoon kakisig at kagwapo? Saan mo 'yon nakuha, ha?!” “Xia, if you only knew that guy you woudn’t say that words.” “Mauuna na ako sa inyong dalawa.” Sabat ng lalaki sa kanilang usapan kaya pareho silang napatingin doon. Napanguso naman si Xia saka nagpaalam na rin sa kaniya dahil wala naman itong ibang sasakyan dahil isinabay lamang ito ng lalaki. Kinailangag ituro ni Xia ang bahay niya kaya naman mas minabuti nilang magsama nalang sila sa isang sasakyan para mas madali. "Bye!" She waved at them and went inside. Papasok palang si Danelle sa opisina ng kaniyang ama ngunit natigil siya sa pagbukas ng pintuan dahil sa narinig nitong usapan. “Gusto kong ikaw ang mag-imbestiga ng pangyayaring ito. Mabuti sa ngayon dahil wala pang lumalabas sa media kaya dapat matukoy ninyo kung sino ang may pakana sa nagnakaw ng pera bago pa man ako masira sa publiko.” Dinig niyang wika ng ama “Yes, Sir.” "Sinabihan ko na rin ang kapulisan at gusto kong tumulong ang pangkat mo para mas mapadali. You know that I trust you, Captain Pzarova. I am looking forward for this." "You can count on me, Mr. President." Nakita niya ang pagsaludo ng lalaki sa kaniyang ama. Agad niyang sinarado ang pinto saka inayos ang sarili sa harap ng pintuan. Hinawakan niya ang doorknob niyon at sakto namang may humugot din niyon sa kabila kaya nadala siya nito papasok. Tumama si Danelle sa isang matigas na bagay at nang mag-angat ang kaniyang paningin agad na nagsalubong ang mga mata nila ni Pion. Nakakunot ang noo nito sa kaniya. Parang natauhan naman siya at nilayo ang kaniyang sarili sa lalaki. “Danelle, anak anong ginagawa mo rito?” tanong ng ama niya na pumukaw sa kaniyang atensyon. “Ahmm… “Excuse me.” ani ng isang boses sa harap niya saka ito umalis. Sinundan niya ito ng masasamang tingin. Dire-diretso siyang pumasok sa loob nang tuluyang makaalis ang sundalo. “Dad. Bakit nandito ang walang modong iyon? I hate his guts.” Asik niya sa ama na kalaunan ay tumawa. “He’s a nice man, Danelle. Bakit? Hindi ka ba niya pinapansin? Captain Pzarova is a very serious man. He's an ideal husband, I can say. Pero hindi siya ang tulad ng mga lalaking gusto kong mapangasawa mo, masyadong mapanganib.” his father smiled a bit Hindi siya makapagsalita. Ayaw ng kaniyang ama na gano'n ang mapangasawa niya? Tumikhim siya saka pilit na iniba ang emosyong nakarehistro sa kaniyang mukha. "Naiinis ka ba dahil hindi ka niya pinapansin?" Her eyes widened. “I’m not annoyed, Dad. By the way, nakausap ko na iyong arkitek at pupuntahan namin bukas ang lupang pagtatayuan ng restaurant ko.” pag-iiba niya sa usapan. “Is your decision final? Iyan na ba talaga ang negosyong itatayo mo? How about you join your mom in fashion? I can see your potential there, anak.” Matagal na siyang pinipilit ng mga ito na mag fashion designing nalang o kaya naman ay pumasok bilang isang modelo ngunit ayaw niya sa mga bagay na iyon. Ang pagiging modelo'y para na rin siyang ipinasok sa showbiz at hindi na niya iyon gugustuhin pa. Ngayon nga na presidente ang kaniyang ama, nagkakagulo pa ang ibang tao kapag nakikita siya at minsan naman kapag may mga reporters ay nilalapitan siya nito. Ayaw na ayaw din niyang makita sa TV kaya iwas siya sa mga bagay na magulo. “Dad, I love fashion but I won’t be joining mom with her business. I want to create my own and I have a background on cooking. I became a cook when I was in Washington.” Hindi na nagpumilit pa ang kaniyang ama. Kinabukasan, binisita nga nina Danelle ang lugar na pagtatayuan ng restaurant niya at habang nag-uusap sila ay may dalawang Delta Mini Cruiser na dumating. Natuon doon ang kanilang atensyon hanggang sa bumaba ang isang bultong pamilyar na pamilyar kay Danelle. “Oh my god! Isn’t he the m— “Shut up, Xia. He's off limits.” Tumaas ang kilay ng kaibigan niya, "bakit?" "Basta, manahimik ka nalang." Nanahimik naman silang tatlo hanggang sa tumapat sa kanila ang lalaking nakaaviator glasses at nakaunipormeng pansundalo. “What are you doing here?” tanong ng lalaki Pinaglandas ni Danelle ang mga braso niya saka tiningnan ang lalaki. “Sinusundan mo ba ako? You know Cap— “Why would I do such thing? I have more important responsibility rather than tailing you, Ms. Greogo.” Bumaba ang mga kamay ni Danelle. Umawang ang bibig niya sa narinig mula sa kaharap. “Na— “If you don’t have any business here, kindly get out of this place.” Lumingon ito sa mga sundalong kasama saka sinenyasan ang mga ito. Dumako ang mga mata nina Danelle sa mga sundalong tinatahak ang malawak na bakanteng lote. “Anong karapatan mong paalisin kami rito? Hindi mo ba nakikita? We’re busy.” Inalis ni Pion ang salamin sa kaniyang mata saka tumingin sa lugar. “This place has lost mines. If you’re planning to establish your business here it will be too risky and I won’t allow you also. We have an operation here today so we want you out of the place as soon as possible.” Nanggigigil na pinagmamasdan siya ng babae. Nagsisimula na naman siyang mairita sa lalaki at kaunting-kaunti na lamang mauubos na ang pasensya niya rito. “Let’s just look for another place, Danelle. My friend recommended another site to me, maybe we can go there instead.” Pagsingit ng arkitek. Lumipat doon ang tingin ni Pion bago siya humakbang paalis. “No, I want here. Gusto ko rito at hindi ako aalis dito. That’s final.” matigas na wika ni Danelle. Pion stopped walking and turned to face the woman again. “Are you trying to oppose my command?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD