CHAPTER 4: Danelle's Visit

2157 Words
Kinabukasan nagtipon ang mga reporters sa harap ng palasyo. Abang na abang sila sa Presidente na mas dumoble pa ang seguridad. Agad na kumalat ang balita at agad din na pinagpulungan ang nangyari. Sa isang mahabang lamesa naroon ang mga kasama sa pulong. Sa kabisera nakaupo ang Presidente Dencil Greogo at sa kanang bahagi niya ay ang Chief of Staff. Kahanay nito ang Major General, Lieutenant General, at ang General mismo ng mga hukbo ng sundalo sa Pilipinas. Sa kabila ay naroon ang ilan pang mga kawani, ang dalawang kapitan ng mga mataas na sundalo, Major Officer, Lieutenant Officer at ang Colonel Officer na nasa unahan na para siyang mag-ulat. “Site, Philippine University, 120 Degree Northwest at exactly 7:38 in the evening, an explosion of M67 Fragmentation grenade was recorded. Approximately five to seven persons were involved in the attempted crime. Aside from properties damage there were no further casualties.” Paunang ulat ng Colonel “Paano sila magkakaroon ng ganoong granada? That was only for military.” Ani ng Major General “Iyan pa po ang inaalam namin, Sir.” sagot nito “May intensyon ba silang sumalakay o isa lamang iyong panakot? At akala ko ba, Colonel Officer mahigpit ang inyong seguridad sa araw na iyon? Ano ang nangyari? Bakit may mga nakapasok na tao?” Lieutenant General “Hindi namin masasabing isa lamang iyong pananakot ngunit maaaring may isa pa silang layunin kung bakit nila ginawa iyon.” Ani niya saka muling nagbago ng slides ang presentation na nasa unahan. “These are the threats that President Greogo have received. And the black one, in the middle was the recent letter he got.” The Colonel made another transition of the presentation. “Heto ang nilalaman ng papel.” Binasa nila ang nakasulat doon. *Malapit kanang bumagsak pati pamilya mo, walang matitira. Napansin ni Pion ang pagkuyom ng kamao ng matanda. Nang iiwas niya ang tingin dito'y naabutan naman niya ang isa pang kapitan na nakatingin sa kaniya habang nakangisi. Noon pa man hindi na sila magkasundo nito. Wala siyang problema sa lalaki ngunit ang kapitan Locsin na iyon ay palagi siyang binabangga at kinokontra. Dapat siya ang magiging kapitan ng Prime Special Forces subalit hindi pumayag si Pion. Matindi na ang mga misyon na ibinibigay doon at kaya niya man gawin, hindi pa rin niya tinanggap ang promotion. Sa huli, ibinigay ito kay Andrius Locsin sa tulong ng Major General. “Captain Pzarova.” Napalingon si Pion sa tumawag sa kanya. “Tinatanong kita kung ano pa ang nangyari bukod sa mga naitala ko.” Tumayo siya at akmang magsasalita na ng matigil ito dahil sa isa pang kapitan na nagsalita. “Hindi namin nakita si Pzarova sa site habang nangyayari ang gulo, Sir. Para sa isang kapitan ng kaniyang mga sundalo, hindi iyon ang tamang gawain at hindi rin magandang halimbawa sa mga kasama niya.” Dahil doon ay nagsukatan silang dalawa ng tingin hanggang sa magsalita ang Presidente. “Inutusan ko siya sa ibang bagay, Captain Locsin. And he just came on time. His team escorted me going out of the university while everyone is on the scene.” Matagal na nagkaroon ng katahimikan sa loob. Humingi naman ng paumanhin si Locsin at hindi na sumagot pa ang Presidente. “Wala ng nangyaring iba maliban sa mga nabanggit ninyo, Sir. Matapos naming marating ang sasakyan ay nagrequest ako ng back up mula sa mga sundalo ng Lieutenant General. They came on the call time and escorted the President back to their house.” Tumango-tango ang mga naroon ngunit natuon ang atensyon nila sa Major General. “At ikaw? Bakit hindi mo nasamahan ang Presidente?” Seryoso ang kaniyang mukha na nakatingin sa nakatataas na opisyal sa kanya. hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig nito pati na ng kanyang katabi. “I was ordered by the President to fetch the his daughter and send her home, safe. Beyond that, there’s none, Sir.” Kanina pa niya napapansin na parang wala sila sa isang pagpupulong kundi isang imbestigasyon kung saan siya ang iniipit. Hindi na bago ito sa kaniya lalo na kung ang katabi niyang kapitan ang may pakana. Mahilig siyang sisihin nito na sa huli palagi namang napapahiya sa bawat sinasabi. Natapos ang pagpupulong. Bumalik si Pion sa kampo at sinalubong naman siya ng mga kasamahan. Inalis niya ang kaniyang Cotton Flat Top Military Cap saka naupo sa dalawang sako ng semento na magkapatong. “Ano ang nangyari, Master?” tanong ni Staff Sergeant Reyes “Pinang-initan ka na naman ba ng Locsin na iyon?” Technical Sergeant Marfil “Bibigyan na ba tayo ng promotion?” Private First Class Valkez Tiningnan lang niya ang tatlo saka tumayo at pumasok sa tent nila. Sa lamesa tumambad sa kaniya ang kanyang mga baril at mga granada. Naalala niya ang naging huling parte ng pagpupulong nila kanina. Pinapahanda sila nito sa mga posibleng pagsalakay ng mga kalaban lalo na’t hindi napatay ng Prime Special Forces ang tatlong tumatayong lider ng mga Abu Sayyaf nang makaraang tumungo ito sa Tawi-Tawi. Ramdam niya sa kaniyang likod ang pagsunod ng mga sundalo niya kung kaya’t nagsimula siyang magsalita. “Marami tayong kalaban na pwedeng umatake sa atin anumang oras.” Saad niya habang ang atensyon ay nasa mga nakalatag niyang baril. Kinuha niya ang Mk 28 Caliber Pistol saka ito kinasa. “At hindi natin alam kung nasa malapit lang iyon.” Saka niya itinutok ang baril sa labas. Sinundan iyon ng tingin ng mga kasamahan niya at nanlaki ang kanilang mga mata nang makita kung sino iyong sa labas na patawa-tawa lang habang may ibinibigay na inumin sa mga kasamahan. Nasa labas at tapat sila ng kanilang tent. Maingay ang paligid dahil sa mga taong nag-uusap at panay tawanan. Umuusok din ito dahil sa kanya-kanya nilang mga iniluluto at nagiging maalikabok dahil sa mga sasakyang pangmilitar na dumadaan. Karamihan sa kanila'y nagluluto at kumakain ngunit natigil ang kanilang mga ginagawa nang dumating ang isang M1777 Delta Mini Cruiser Vehicle. Mabilis na naaninagan ng mga sundalo ang matandang nakasakay doon. Sumaludo sila sa Heneral ng Philippine Army. Matayog ang kanilang mga tindig at hindi gumagalaw sa kanilang kinaroroonan subalit ang mga mata nila'y mabilis na dumako sa isa pang kaparehong sasakyan na dumating. Mula doon, bumaba ang isang babaeng nakalight yellow midi dress na nagpapakita ng maputi at makinis niyang neckline. Pinaresan niya iyon ng flats at suot niya ang kaniyang sleek sunglasses from Michael Kors. Sa kanang braso niya ay nakasabit ang kaniyang Fendi Baguette sling bag. Nasa loob si Pion ng tent nang pumasok ang Staff Sergeant niya. “Master, nandiyan si General may kasamang napakagandang nilalang.” Hindi na nakapagbihis pa si Pion. Ang pang-ibaba niya ay ang kanilang uniporme pa rin ngunit inalis niya ang Combat Shirt at ang pang-ilalim na lamang niya na damit ang suot ngayon, ang Tan 499 T-shirt. Bahagya siyang yumuko saka hinawi ang nakalaylay sa kanilang tent na bahagi pa ng bubong nito. Agad na napakunot siya ng noo nang makita kung sino ang kasama ng kanilang Heneral. Naalala bigla niya ang sinabi ng Staff Sergeant. Lumapit si Pion sa Heneral saka sumaludo rito na siyang sinuklian din ng matanda. “Sir.” Napairap si Danelle sa isipan niya nang hindi man lang nilingon ng lalaki. “Kilala mo naman siguro ang kasama ko. Samahan mo muna siyang mag-ikot ikot dito habang nasa loob ako.” Nagbubunyi ang puso ng babae nang sandaling dumako ang mga mata ni Pion sa kaniya. “Yes, Sir.” Umalis ang Heneral kaya naiwan silang dalawa doon. Inilibot naman ni Danelle ang kaniyang paningin ngunit bahagya siyang nailang nang mapansin na nakatingin pa rin sa kanila ang iilan. “Bakit nandito ka? Bawal ka rito.” Inalis ng babae ang salamin niya, “Excuse me? Kakasabi lang ni ninong ‘di ba? Samahan mo ako maglibot-libot at narinig ko rin sa kaniya na pwede ngayon ang mga bisita. Nandito ako para mamasyal, iyon lang.” Aalis na sana si Danelle ngunit nahawakan siya ng lalaki sa braso saka hinila at ibinalik sa dati niyang kinaroroonan kani-kanina lamang. “Anong tingin mo rito? Parke? Mall?” Her eyes went down on his hands which were currently holding her arm. She moved her other hand to remove it. “Alam mo, pwede mo namang sabihin na hindi mo ako sasamahan kasi mas may gagawin kang importante. Tsaka…” Lumingon-lingon si Danelle sa paligid saka tumigil ang mga mata sa lalaking batid niya’y nakatingin din sa kaniya. “Pwede naman akong magpasama sa kaniya.” pagpapatuloy niya sa sinasabi. Nasundan agad iyon ni Pion at napamura siya sa isipan nang agad na mamataan ang lalaki. “Technical Sargeant Marfil.” Tawag ng lalaki at lumapit ito sa kaniya. “Captain?” “Pakikuha ako ng isang Delta Mini Cruiser. May turista lang akong ipapasyal.” Naiilang na tumingin ang sundalo kay Danelle. “Yes, Sir.” paalis na sana ang sundalo nang mapatigil dahil sa babae. “Wait. Hindi na, hindi na kailangan. Maglalakad nalang kami.” Saad niya saka ngumiti Bahagyang umabante ang mukha ng lalaki dahil sa gulat nito saka ito tumingala at agad na nasilaw sa tirik na tirik na sikat ng araw. “Are you sure?” tanong ni Pion sa kaniya. Iwinagayway naman ni Danelle sa harap ng lalaki ang sunglasses na hawak niya. “Ahaa. I have this.” Hindi na nakipagtalo si Pion sa babae, “Alright.” Panay daan ang mga sasakyang M151 Vehicle na may mga lamang sundalo. Napapalingon pa nga ito sa kanila. Kanina ng nasa matao pa silang lugar ay panay usap-usapan sila. “Girlfriend yata ni Pzarova.” “Hindi. Parang namumukhaan ko siya.” “Tama nga! Anak iyan ng Presidente!” Nagpatay-malisya nalang si Danelle sa mga naririnig na iyon. Saglit siyang tumigil sa paglalakad at nasa unahan naman niya ang lalaking si Pion na humarap sa kaniya. “Let’s go.” Tatalikod na sana ito nang magsalita siya, “Teka lang. Ang init, ayoko na.” “Hindi pa tayo tapos. Tara na.” hinawakan siya ng lalaki sa palapulsuhan saka hinila upang maglakad. “Hindi pa tayo tapos mamasyal.” Dagdag niya kaya masama siyang tiningnan ng babae. Hanggang ngayon dumadaan pa rin ang mga sasakyan ngunit iilang sundalo na lamang ang sakay. Ang alikabok sa daan ay muling nagsikalatan kaya napaubo si Danelle. “Ayoko na, uuwi na ako.” Tumutulo ang pawis ng babae at namumula-mula ang mga pisngi nito dahil sa init at napansin nga iyon ni Pion kaya kinuha niya ang kaniyang cellphone. “I need a car.” Ilang sandali pa’y dumating ang isang sasakyan. Lumabas doon ang sundalong nagmamaneho saka lumapit at sumaludo kay Pion. Ganoon din naman ang ginawa niya saka kinuha ang susi mula sa lalaki. Nilingon niya si Danelle na nakatingin lamang sa kaniya. "Sa susunod huwag magyayabang kung hindi naman kaya." Naglakad si Pion patungo sa Delta Mini Cruiser na sinundan naman ni Danelle. Tahimik nilang tinahak ang daan patungo sa tent na tinutuluyan nina Pion. Habang ang babae ay pababa ng sasakyan na medyo nahihirapan. “Pesteng lalaki, gwapo nga hindi naman maginoo.” “Ano?” Napaangat siya ng tingin sa lalaki. Napahinga siya nang maayos nang hindi narinig ni Pion ang sinasambit niya. She just smiled at the man who was staring at her. “Wala naman. Can I go inside?” saad niya saka itinuro ang loob ng tent. Hindi na naghintay pa si Danelle sa sagot ng lalaki. Pumasok siya dahil init na init na siya hanggang sa makakita siya ng electric fan. Naghanap siya ng masasaksakan niyon ngunit ang umabot sa mata niya'y iyong nasa itaas na bahagi at nasisiguro niyang hindi niya abot lalo na’t may mga nakaharang din na mga gamit. Mula sa kaniyang kamay may kumuha ng plug sa kaniya saka iyon isinaksak sa outlet kaya ngayon nabibigyan na siya ng hangin na nanggagaling sa maliit na electric fan. “S-salamat.” Natahimik silang muli hanggang sa natanaw niya ang naghuhubad ng damit na lalaki kaya agad siyang tumalikod dito. Kahit na nasa harap pa siya ng bentilador ay nagawa pa niyang pumaypay sa sarili gamit ang mga kamay. Dagdag pa na silang dalawa lamang doon. “Bakit pumunta ka rito kung hindi ka sanay sa init?” tanong ng lalaki na nagpalingon sa kanya. “Hindi ko rin alam. Kung alam kong sobrang init dito hindi na sana ako nagpumilit pang sumama kay ninong.” sagot niya saka muling bumulong “At kung alam kong wala kang sense kausap, hindi na rin sana ako nagpunta. Bwisit.” Kumunot ang noo ng lalaki sa kaniya. “You keep on doing that.” She raised an eyebrow. “What, that?” “Muttering. Kung may gusto kang sabihin sa'kin sabihin mo.” Magsasalita pa sana si Danelle ngunit pareho silang nabuwal sa kanilang kinauupuan nang may marinig na pagsabog sa labas. Nakabihis ng muli si Pion kaya agad niyang nilapitan ang babae. "What the- "Are you okay?" He asked "Do I look okay? May bombang sumabog tapos tatanungin mo ako kung okay lang?! I don't wanna die, yet." Nanubig ang mga mata ni Danelle Pion is crouching while facing the woman who was covering herself with just her hands. "Stupid. That's not a bomb." Unti-unting umangat ang mukha ni Danelle at nakita niya kung gaano kakalmado ang mukha ng lalaki. “Huwag kang lalabas. Babalik ako.” saka ito umalis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD