Isang linggo ang nakalipas mula ng dumating si Danelle sa Pilipinas. Nakabalik na rin ang kaniyang ninong sa bansa nito at halos araw-araw pa rin naman silang nag-uusap kung hindi ito abala. Sa ngayon hinahanda niya ang kaniyang sarili para sa dadaluhang pagtiripon kasama ang mga magulang niya. Naimbitahan ang kaniyang pamilya sa isang pagtatapos sa sikat na unibersidad sa Pilipinas at nakatakdang magsalita ang kaniyang ama bilang pagbati.
Mula sa bintana ng kwarto niya natanaw na naman niya ang ilang mga sundalo at lalaking mga nakasuit na kulay itim. Batid niyang sasamahan muli sila nito patungo sa lugar na pupuntahan ng kaniyang ama. Minsan naiirita siya sa ganoong sitwasyon ngunit hindi naman maaaring maalis ang mga taong nakapalibot sa kanila dahil maaaring manganib ang buhay ng kaniyang ama pati na sila.
Suot ang lavender midi dress na nagpakita ng neckline niya, pinaresan niya iyon ng isang itim na strapped sandal flats at itinali lamang niya ang mahabang buhok pababa. Bitbit niya ang kaniyang Kate Spade’s Pride and Prejudice Book Clutch, bumaba siya sa kaniyang kwarto. Bungad ng kanilang bahay ay naghihintay ang isang limousine na sasakyan nila papunta roon.
Habang nasa loob kinausap niya ang kaniyang ama. She missed talking to her Dad and she needs to tell him something.
“Dad, baka umalis ako mamaya. Magkikita kami nina Xia at Dessa. You know, my high school friends?”
Napalingon sa kaniya ang matanda, “saan ka pupunta? Mapanganib lumabas mag-isa lalo kana at wala kang gagamitin na sasakyan. Sabihan mong sila nalang ang pumunta sa bahay.”
Minsan talaga may pagka'strikto ang kaniyang ama kaya naman nahihirapan siyang magpaalam dito sa tuwinang may gusto siyang puntahan.
“But Dad, I already promised the two of them. Umaasa silang darating ako. It's settled now."
“Saan ba kayo magkikita, Danelle?” tanong ng kaniyang ina
“Sa isang restaurant lang naman po. It’s just nearby and the restaurant is exclusive. You don’t have to worry anything.”
Napabuntong-hininga ang ama niya samantalang ang kaniyang ina'y nakatingin lang sa kaniya. Nagpaawa pa siya sa mga ito at sa huli'y napangiti siya nang makita ang mukha ng mga magulang na parang papayagan na siya.
“Sige, pero tulad ng sinabi ko wala kang magagamit na sarili mong kotse kaya magpapahatid ka mamaya at susunduin ka rin kaya huwag kang aalis doon. I will assign a person to escort you."
Hindi niya alam kung bakit pumasok nalang sa kaniyang isipan ang lalaki. Hindi naman siguro ito ang pasasamahin sa kaniya, 'di ba?
Ayaw man ni Danelle ay wala pa rin siyang magagawa sa kagustuhan ng kaniyang ama. Iyon ang natitirang paraan para makalabas siya mamaya ng walang bumubuntot sa kaniya.
“Yes, Dad.”
She happily nodded at her father.
Sa malaking unibersidad ng Pilipinas, nang dumating sila'y sumalubong ang mga nakahanay na sundalo sa magkabilang gilid ng red carpet. Nagkislapan ang mga kamera, alam nilang magkakaroon ng mga media doon kaya hindi na sila nagulat pa. Ayaw ni Danelle na nakikita siya sa TV dahil maya’t maya may tatawag sa kaniyang numero para alukin siya sa showbiz o pagmomodelo na hindi naman niya gustong gawin.
May mga nagtangkang lumapit sa Presidente para sana kapanayamin ito. Hindi sinasadyang naitulak siya ng isang reporter ngunit mabuti na lamang may matipunong nakaharang sa likuran niya. Ang isa nitong kamay' ipinang-alalay sa kaniyang baywang samantalang ang isa ginamit ng lalaki upang ipananggalang sa mga nagtatangkang lumapit sa kanilang kinaroroonan.
Mabilis na kumabog ang puso ni Danelle. Hindi niya inaasahan iyon. Pakiramdam niya ngayon walang makakapanakit sa kaniya dahil sa taong nasa kanyang tabi.
Siguro dahil malaki ang katawan nito na sigurado siyang wala nang makakalusot pa roon upang dumugin siya.
“Kuhanan niyo ng litrato ang anak ng Presidente!” wika ng isang reporter
“Ma’am, kailan po kayo nakabalik ng Pilipinas?”
“Totoo po bang may nagtatangka sa inyong buhay?”
Napayuko si Danelle para iwasan ang mga ito.
Where did they got those questions? Umawang ang kaniyang labi upang sana'y magsalita ngunit naunahan na siya.
“We’re not going to take any interviews, excuse us.” Isang boses na nagpahawi sa mga reporters.
Nakadaan sila ng maayos at nang masigurong wala ng mga reporters nakahinga ng maayos si Danelle. Dumistansya din sa kaniya ang lalaki na nagsilbing pananggalang niya sa maraming tao.
Magpapasalamat na sana siya pero humarap ito sa ibang diresksyon kung nasaan ang kaniyang ama.
“We’re sorry about the media, Sir.”
“That’s okay. Ang mahalaga maayos ang pamilya ko. May hihingiin pa sana ako sa iyong isang pabor, Captain.” Ani ng matanda
"Yes, Sir." He shortly answered.
“I want you to escort my daughter later. She’s going to meet her friends in an exclusive restaurant. And I also want you to fetch her after.”
Pasimpleng napatingin si Danelle sa lalaki at hindi niya inaasahang magtatagpo ang kanilang mga mata. Hindi rin niya maintindihan kung anong tingin ang ibinibigay nito sa kaniya.
“Yes, Sir. And additionally we will request for Prime Special Forces to patrol around the area.”
Ipinilig ni Danelle ang kaniyang ulo at pasimpleng kinurot ang sarili. Bakit ba masyado siyang nahuhumaling sa lalaking iyon? Hindi siya pwedeng magkagusto sa sundalo na ito. Gusto niya ng tahimik na buhay kung papipiliin siya. Hindi tulad ng ganito ngayon na palagi nalang silang dinudumog ng kung sinu-sino.
“Bakit? Wala pa ba sila dito?” tanong ng presidente
“Wala pa po, Sir. Kagagaling pa lamang nila galing sa isang misyon sa Tawi-Tawi at kasama nila sa pag-uwi ang Major General. Further reporting will be made in the Palace this evening, Sir.”
Tumango-tango ang matanda.
Mabuti na lamang at nakaalis na si Danelle sa lugar na iyon. Kanina pa siya nababagot sa mahabang talumpati ng kaniyang ama. Lulan na siya ngayon ng isang kotseng McLaren 12C.
“Mamaya kahit hindi mo na ako sunduin. Sasabay nalang ako sa mga kaibigan ko pauwi.”
“Hindi pwede.”
Napalingon siya sa lalaki na bahagyang nanlalaki ang mga mata. Sino ba siya para sabihin sa kanya iyon? Bakit siya nito pipigilan sa gusto niya?
“Ano? Anong hindi pwede? Ako na ang magpapaliwanag kay Dad. You don’t have to be worried about it.”
“Sorry to disappoint you but I am not worried of anything. Susunduin kita sa kaparehong lugar at kapag wala ka pa sa oras na nandoon na ako, iiwan kita.”
Pagak na napatawa si Danelle. Kinokondisyon ba siya ng lalaking ito?
“At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?”
Panay tingin siya sa lalaki habang kinakausap niya dahil nangangati ang kaniyang kamay na sabunutan ito. Naiinis siya sa lalaki sa pagmamando sa kanya. Samantalang ang kausap niya ay diretso lang na nakatingin sa daan habang nagmamaneho.
Hindi nagtagal narating nila ang lugar ngunit nanatili sa loob ng sasakyan si Danelle kaya nadako ang atensyon sa kanya ng lalaki.
“What are you waiting? I can’t go outside to open the door for you. I’m in uniform and I don’t want to gain attention.”
Napabuntong-hininga ang babae saka masamang tiningnan ang lalaki. Padabog siyang lumabas ng kotse pati ang pinto ay pabagsak niyang isinara. Naiwan sa loob si Pion na nailing. Magsisimula na dapat siyang magmaneho nang tumunog ang kanyang cellphone.
[“Sir, emergency! ASAP.]
Hindi na nag-atubili pa siya. Inikot niya ang sasakyan saka pinasibad pabalik ng unibersidad. Natagpuan niya na nagkakagulo ang mga tao at palabas. Ang mga sundalo ay nakastand by at nakatutok ang mga baril. Nilapitan niya ang mga naroon.
“Anong nangyayari?”
“May sumabog kanina, naroon na ang Prime Special Forces at kasama naman ng Throttler Rangers SF ang presidente. Nasa loob sila pati na ang kaniyang asawa.
Tinakbo ni Pion ang lugar at natagpuang nasa back stage. Nang makita siya ng matanda ay agad itong napatayo. Sumaludo muna siya bago tuluyang nagsalita.
“Nasaan ang anak ko?”
“Naihatid ko na po. Huwag kayong mag-alala, Sir. Babalikan ko agad siya pagkatapos kong masiguro na maayos na kayo.”
Tanging tango lang ang isinagot ng matanda saka ito muling naupo sa tabi ng asawa. Hinarap naman ni Pion ang mga kasamahan niya.
“Master Sergeant Castro, Second Lieutenant Garcia, and Private First Class Valkez. I want you to clear the way for us.” Saad niya sa mga kasama.
“Yes, Sir.” sumaludo ang mga ito bago tuluyang umalis.
“Technical Sergeant Marfil, make ready of the car. And Staff Sergeant Reyes, you will come with me.”
Sumaludo pa sa kanya ang dalawang natitirang sundalo. Mula sa pouch na nasa kanyang tagiliran, kinuha niya doon ang isang Mk 26 9x19mm calibre pistol. Umalis sila sa lugar na iyon saka dumaan sa isang hallway na walang katao tao. Lumusot iyon sa likod na bahagi ng unibersidad at sa labas ng sasakyan ay nakaabang ang kasamahan niyang inutusan niya kanina.
Papasok na sana ang Presidente sa limousine na nakaparada doon ngunit pinigilan nito ang sarili saka muling hinarap ang lalaki na si Pion. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanya.
“Captain Pzarova, bring my daughter home, safe and sound. And that is an order.”
Pion saluted to the man. The president went inside the car and was ready to leave. He faced his team again.
“Accompany the President and his First Lady. I will request for back up.” Saad niya.
Nang makaalis ang mga iyon ay tinahak muli niya ang daan patungo sa harap ng unibersidad. Nawala ang mga sibilyan at mga sundalo na lamang ang naroon na nagtipon tipon. Papalapit siya nang sinalubong ng isang lalaki na nakangisi sa kanya.
“Captain Pzarova of Throttler Rangers Special Forces. Nasaan ka ng mga panahong nagkakagulo dito?”
Walang alinlangan na sinalubong ni Pion ang tingin ng lalaki.
“Captain Locsin of Prime Special Forces. Hindi ko maalalang kailangan kong mag-ulat sayo.”
Nawala ang ngisi ng lalaki saka siya nilapitan at tinapatan ang mga tingin niya.
‘’Nakakalimutan mo na ba ang ranggo mo?” gumagalaw-galaw ang panga ng lalaki. Mabilis itong mapikon tulad ng inaasahan ni Pion.
“Hindi ko nakakalimutang pareho lang ang ranggo natin.”
Kwinelyuhan siya ng lalaki ngunit agad silang natigil nang may dumating.
“Captain Pzarova and Locsin of Special Forces! Ano sa tingin niyo ang ginagawa ninyo?!”
Sumaludo ang dalawa sa Colonel na kaharap nila. Parehong diretso lang ang tingin nila dahil mas mataas ang ranggo nito.
“Sir, nag-uusap lang po kami ni Pzarova.”
Tiningnan ng Colonel si Pion na parang naghihintay sa kanyang sasabihin ngunit hindi naman siya umimik kaya bahagyang lumingon sa kanya ang katabing isa pang kapitan.
“Proceed to the camp this immediate. I want your report now.” Umalis ang Colonel at naiwan silang dalawa. Hindi na nag-aksaya pa si Pion ng oras. Tinungo muli niya ang lugar na pinaghatidan niya kanina sa babae.
Nang makarating siya ay wala pa nga ang babae sa labas katulad ng kanyang iniisip. Hindi naman niya inaasahang nandoon na iyon sapagkat naihatid pa lamang niya iyon kani-kanina. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, ayaw man niyang lumabas ngunit kailangan upang sunduin ang babae sa loob.
Pagkalabas na pagkalabas niya'y nakakuha na agad siya ng atensyon sa mga dumadaan at naglalakad pati na rin sa mga nasa loob ng restaurant kung saan salamin and nakaplibot dito. Pumasok siya sa lugar at kinalat ang kaniyang paningin ngunit hindi niya matagpuan kaya pumunta siya sa may front desk.
“Excuse me.”
Nakanganga sa kaniya ang babaeng bantay doon. Suot niya ang aviator sunglass upang hindi siya gaanong mamukhaan ngunit mas lumala ata ang sitwasyon dahil parang naging usap-usapan pa siya sa loob ng lugar.
“Y-yes, S-sir?” nauutal na tanong ng babae.
“Is there a private reservation for Danelle Greogo?”
Nag-alangan ang babae at napansin iyon ni Pion. Subalit sa huli ay naibigay pa rin sa kanya ng babae. Tinungo niya ang isang daan at napataas ang kanyang kilay nang madatnan ang pangyayari.
“Uuwi na ako Silver. Bitawan mo ako.”
Pilit na inaalis ni Danelle ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki na nakasalubong niya habang pabalik mula sa banyo. Namumukhaan pa niya ang lalaki. Naging kasintahan niya ito noong high school at hindi niya inaakalang mamumukhaan pa siya nito.
“Easy. Let’s eat first. Mangangamusta lang, nawala ka ng apat na taon at wala akong naging kontak sa iyo. I missed you really bad, Danny.”
Iyon ang palaging tawag sa kaniya ng lalaki. Isa ito sa mga totoong minahal niya noon ngunit nalaman niyang pinagsasabay pala siya nito sa isa pang karelasyon na modelo. Hindi naging magaan ang loob niya sa lalaki kaya ngayong nagkita sila ay hindi niya alam ang sasabihin dito.
“I’m okay and happy with my life if that’s what you want to know. Hindi ako makikipag-usap sayo dahil wala naman tayong pag-uusapan.”
Akala niya'y bibitawan na siya ng lalaki ngunit hinigit pa siya nito palapit.
“Bitawan mo siya.” Ani ng isang boses.
Pareho silang napatingin doon at nakita ang lalaking nakauniporme ng pansundalo. Nanlaki ang mga mata ni Danelle. Nakatuon din doon ang atensyon ng lalaking si Silver kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang makawala at makatakbo patungo sa direksyon ng sundalo.
Matipuno ito at mas matangkad kay Silver kaya hanggang tingin lang sa kaniya ang lalaki.
“Let’s go.”
Kinuha ni Pion ang kamay ni Danelle saka sila naglakad palabas ng restaurant. Bahagya pang nagulat ang babae dahil sa mga taong nakatingin sa kanila na lumipat ang mga mata sa kamay ni Pion na nasa palapulsuhan niya.
Nakapasok sila sa sasakyan at agad na pinaandar ng lalaki ang kotse.
“Bakit sinundo mo ako agad?”
“Why are you asking? I just saved your ass from that asshole and you just said that you’re going home.”
“Of course that was a lie to get rid of him. Hindi ako nakapagpaalam kina Xia dahil hinila mo agad ako.”
“May cellphone ka ‘di ba? Bakit hindi mo tawagan?”
Danelle glared at him but he was not even looking at the woman that made her more furious.
“Alam mo bang nakakaubos ka ng pasensya?”
The man chuckled and accelerated the car. Napahawak naman si Danelle sa seatbelt.
“Yes, I’m aware of that.”
Naisipan ni Danelle na tumahimik na lamang hanggang sa maisipan niyang itext ang kaibigan. She was scrolling on her phone when someone spoke that made her stiffened.
“I’m taking you home. May sumabog sa unibersidad at tinutukoy pa iyon ng kasundaluhan. Huwag kang mag-alala dahil ligtas na ang pamilya mo. All you need is to be home, safe and unscratched."