"Job well done, Throttler Rangers Special Forces. Hindi ako nagkamaling ibigay sa inyo ang misyon na ito. Masyado na silang perwisyo sa lipunan at nagagalak akong natuldukan ninyo iyon."
Nasa opisina sila ngayon ng Commander-in-Chief dahil pinatawag sila nito. Bahagyang kabado ang mga kasamahan ng lalaki sapagkat makakaharap nila ang may pinakamataas na ranggo sa Pilipinas, ang Presidente. Sa tabi ng Presidente ay ang Commanding General of the Philippine Army.
"Tungkulin namin iyon, Sir."
Matikas pa rin ang tindig niya at diretso ang tingin. Nang tumayo ang Presidente ay bahagyang gumalaw ang kanyang mata lalo na ng mapansing papunta ito sa kanyang direksyon. Dumako ang mga mata ng matanda sa kanyang badge.
"Captain Pzarova, ang pangalan mo ay?"
"Pion Pzarova, Sir."
Tumango-tango ito. "Madalas kong naririnig ang mga magagandang balita tungkol sayo pati na sa mga kasama mo." Saka ito lumingon sa likod na bahagi niya upang silipin ang kaniyang mga kasamahan.
"Bukas may panibagong misyon kayo at pagkatapos nito bibigyan ko kayo ng isang linggong bakasyon bilang pabuya sa inyong tagumpay."
Narinig niya ang pasimpleng pagbunyi ng kaniyang mga kasama sa likod.
"It is our job to serve the country by all means, Sir. And we don't need prizes for our victory, Sir. We are happy to serve people and their peacefulness is already a great trophy for us."
Mahinang napatawa ang matanda. "Then, would you like a promotion instead?"
Napatingin siya sa kausap, "No, Sir. I am grateful with my current rank, Sir. I won't leave my team."
Mahinang tumawa ang matanda. Bakas dito ang kasiyahan sa narinig. "Masyado mo akong pinapasaya, Captain Pzarova."
Muling bumalik ang matanda sa kinauupuan ngunit ang tingin nito'y nanatili sa kanila. Sumeryoso na rin ang mukha nito.
"Throttler Rangers of Special Forces, pinatawag ko kayo upang bigyang seguridad ang Punong Ministro ng Washington DC. Kasama niya ang anak ko sa kanilang pagbabalik bansa kaya dadagdagan ko ang mga taong magbabantay sa paliparan. Alas onse ng umaga lalapag ang eroplano nila sa Ninoy Aquino International Airport. I want you to be there before that time."
Sa huli'y napirme ang mga mata ng matanda sa lalaking nasa gitna at bandang unahan ng mga kasama. Sa matikas nitong tindig, matipunong katawan, at kaseryosohan sa buhay ay masisiguro niyang mapagkakatiwalaan niya ito sa misyong iyon.
"Captain Pzarova, I am entrusting you with this task."
Muling inayos ng lalaki ang matikas nitong tindig saka sumaludo sa Presidente.
"Sir, Yes Sir."
Nakangiting tumango naman ang matanda.
Nakabalik sila sa kampo at nakasimangot ang mga kasama ni Pion sa kaniya. Hinarangan pa siya ng mga ito sa paglalakad.
"Master naman! Bakit mo tinanggihan ang offer ni Mr. President?"
"Oo nga! Sayang naman ang pagkakataon na 'yon."
"Naaamoy ko na sana ang preskong hangin ng dagat pati na ang mabangong pagkain at mahalimuyak na mga babae."
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Pion. "Second Lieutenant Garcia, Master Sergeant Castro, and Technical Sergeant Marfil. Would you like to have vacation?" tanong nito sa mga kasama na sunod-sunod ding tumango habang malawak ang mga ngiti.
Pion nodded his head. "What do you want then? Suspension or dismissal?"
Napawi ang ngiti ng tatlo habang tinatawanan ng tatlo pa nilang kasama. Nilagpasan na sila ng lalaki at labis ang kanilang panghihinayang. Kahit kailan talaga hindi naisip ng kanilang Kapitan na magbakasyon man lang.
"Danelle, honey. Wake up."
Isang mahinang tapik sa pisnge ang nagpagising kay Danelle. Natagpuan niya ang kaniyang ninong na nakangiti sa kanya.
"The airplane is going to land soon. Prepare yourself."
Tumango siya rito, "Yes, ninong. By the way, have you eaten any food? It's 10:30 already."
"No, I'm okay. I'll have Filipino dishes when we get there."
Pareho silang tumawa dahil sa sinabi ng matanda. Gustong-gusto nito ang mga pagkaing Pilipino kaya madalas niyang ipagluto ito doon.
Naging matagal ang kanilang pag-uusap hanggang sa lumapag nga ang kanilang eroplano sa runway ng NAIA. May mga kukuha naman ng bagahe niya kaya hindi na niya iyon pinoproblema. Muli niyang tiningnan ang sarili sa maliit na salamin. Nakalagay na siya ng kaunting powder sa mukha at maayos pa naman ang lipstick niya.
"Why do I feel nervous?" She talked to herself when she felt her heart racing for no reason.
Mula sa isang malaking eroplano, bumukas ang pinto nito at daan upang makababa sila sa red carpet na inihanda ng ama ni Danelle para sa bisita. Sa magkabilang gilid naroon ang mga nakahanay na ilang sundalo at sa ibabang bungad ng eroplano sa dulo nakaabang ang kapitan ng Throttler Rangers kasama ang Presidente Greogo at ang Heneral ng kasundaluhan ng Pilipinas. Ang mga sundalong diretso lamang ang tingin ay nadako sa mga bultong bumababa ng eroplano.
A man in a black suit came out and beside him is a woman on a white strapless halter dress and the upper half is sleeveless with a tie around the neck. It was paired with a white glittering stilettos and an old rose Givenchy's Antigona handbag. Her DIFF Cleo White Cat Eye Sunglass contributed more of herself today. Her hair was put into a low bun that exposed her beautiful jawline.
Masaya silang sinalubong ng Presidente na niyakap pa ang matanda bago ang kaniyang anak. Sumaludo naman ang mga sundalo na naroon naghihintay sa kanila.
"I'm so glad you made it." Nakangiti nitong bati sa kaibigan. Lumingon naman siya sa babaeng anak na nakangiti pa rin na nakatingin sa kanya.
"My daughter became more gorgeous, huh. You're completely a woman now, Danelle." Ani ng kaniyang ama
"You're fluttering me so much, Dad." Nakangiting wika ni Danelle bago dumako ang mga mata sa lalaking katabi ng ama niya.
Kanina habang pababa'y natatanaw na niya ang kakisigan nito. Masasabi niyang ito ang nangingibabaw sa lahat ng narito at manghang-mangha siya sa tila ba perpektong ukit ng mukha ng lalaki. Suot pa nito kanina ang aviator glasses ngunit tinanggal din naman ng tuluyan silang makalapit dito. Nakafull Army uniform din ito saka sumbrero.
"And who are these men, Dad?" Tanong ni Danelle habang ang mga mata'y naroon pa rin sa lalaki.
"They are from our Special Forces, Throttler Rangers. They are great armies and beside me is their Captain."
Bahagyang yumuko si Pion upang maipahatid na binabati siya nito.
Hinintay naman ni Danelle na magpakilala ang lalaki ngunit wala siyang natanggap na kahit ngiti. Inakay sila ng ama sa dalawang sasakyan na ang isa'y ang Gray Lamborghini Murcielago at ang isa naman ay Aston Martin Vintage. Sa likod na bahagi may tatlo namang black SUV.
"Captain Pzarova, ikaw na ang magmaneho para sa anak ko. Gamitin ninyo iyang Aston dahil dito na kami sa Lamborghini." Wika ng matanda
Hindi alam ni Danelle kung bakit siya kinabahan. Naiintindihan niya kung bakit kailangan nilang maghiwalay ng sasakyan sapagkat kapwa pandalawahan lamang ang maaaring isakay ng mga ito ngunit ang hindi niya maisip ay bakit dito siya ipapasabay ng ama.
Wala pa rin siyang nagawa lalo na't tinungo na rin ng kaniyang ama ang sasakyan nitong kotse. Nakatayo pa rin siya sa labas ng kotse at sa kanang bahagi niya ang lalaki. Buong akala ni Danelle ay pagbubuksan siya nito ng pinto ngunit umikot na ang lalaki papunta sa drivers' seat.
"Did he just ignored me for the second time?" She unbelievably asked herself.
Nainis siya, para sa isang kapitan ng mga sundalo ay nararapat lamang na maginoo ito. Ngunit taliwas sa kanyang pag-iisip hindi pala ganoon ang lalaki. Higit na napatunayan niya pa ito nang pareho lamang sila na tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi man lang siya nito tinangkang kausapin.
She was supposed to be entertained. Nang naroon pa siya sa America walang tao na tumuring sa kaniya ng ganito.
This is not happening.
Tumikhim siya bago nagsalita, "Hindi ka nagpakilala kanina, anong pangalan mo?" lakas-loob na tanong niya. Hindi ni Danelle makaya ang katahimikan sa loob. Kung alam lang niya nakisiksik na lamang sana siya sa kotse ng ama.
"I'm Captain Pzarova of Throttler Rangers Special Forces from the Philippine Army, Ma'am."
Napabuntong-hininga siya, "Ganyan ba talaga kayo magpakilala? Can't you just say your full name so we're done here?"
Kumurap si Danelle dahil parang namamalik-mata lang siya nang makitang ngumisi ang lalaki.
"Sorry, ma'am but I don't give personal information."
"Bahala ka." Muling nanahimik si Danelle at itinuon na lamang ang atensyon sa labas.
Hindi pa rin nagbabago ang Maynila. Marami pa rin ang tao at matindi pa ang trapiko. Mabuti na lamang sa ibang linya sila dumaan. Subalit kahit ganoon, maganda pa rin ang Maynila lalo na ang mga tao na masayahing bumubungad kanino man.
Danelle rested hear head on the backrest and sighed, "It's been four years, nakakamiss pala ang Pilipinas."
"Then why did you leave, at first?"
Nagulat siya sa tanong ng lalaki na hindi naman niya inaasahan. Sa huli, naisip niyang gantihan ito.
No one gets away from her.
"Sorry, Sir but I don't answer personal questions." Then she smiled sweetly.
Ngumisi ang lalaki at sa panahong iyon nasisiguro ni Danelle na hindi na siya namamalik-mata.
How can he be this handsome?
Ang linis ng gupit nito at kitang-kita ang matangos na ilong pati na rin ang namumula-mula nitong mga labi. Noong nasa Washington naman siya'y maraming gwapo pero bakit parang naiiba ito para sa kaniya.
Pinilig ni Danelle ang kanyang ulo. Hindi maaaring nagkagusto agad siya sa lalaki. Ilang oras pa lamang sila nagkita para makaramdam ng ganoong pagkahumaling dito.
Love at first sight?
"No!" She tapped her cheek and that's when she realized, she looks weird.
"Bet you're thinking too much." The man smirked
"It's none of your business." Masungit na sagot niya
Pero teka, wala pa ba itong asawa o kasintahan? Imposible naman siguro. Ayaw niyang gumawa ng kalokohan na baka ikasira pa ng kaniyang ama o ng pangalan nila kaya kailangan niyang bantayan ng mabuti ang sarili, lalo na ang kaniyang nararamdaman.
"Ilang taon kana ba?" napamura na lamang siya sa kaniyang isipan dahil hindi niya mapigilan ang sarili na mapatanong dito. Mamaya baka ano pa ang maitanong niya sa lalaki.
"We are not allowed to give personal information for 'getting to know each other' purposes only, ma'am."
She's irritated.
"Gusto mo bang ipahalukay ko ang buong pagkatao mo?" inis na saad ni Danelle. Kanina pa siya nagtatanong ngunit wala namang maganda na pag-uusap ang nangyayari sa kanila.
"I'm afraid, you can't." sabi ng lalaki na mas lalong napagalit sa kanya.
"At bakit?"
"That's illegal."
Nilabas na lamang ni Danelle ang cell phone niya upang abalahin ang sarili. Tinikom na rin niya ang kaniyang bibig saka itinuon ang atensyon sa labas. Hanggang sa makarating sila sa palasyo wala na silang imikan. Napipikon siyang kausap ang lalaki dahil wala naman siyang makuha rito. Pagkalabas na pagkalabas nila ng sasakyan bumungad na sa kanila ang ama niya.
"Pumasok na muna kayo sa loob para sa tanghalian." Saka ito tumalikod ngunit agad din namang natigil.
"Thank you, Sir but we'll just stay outside. We need to check the palace twice for security purposes."
Tumango ang matanda kay Pion, "sige, kung iyan ang gusto ninyo. Maiwan ko na kayo, Captain Pzarova."
Sumaludo ito sa presidente at sa kasama nito. Hanggang sa tuluyan ng umalis ang mga ito kasama ang ilan pang tauhan. Muli siyang sumakay sa kotse upang iparada sa loob. Sa paglinga-linga niya habang inaayos ang seatbelt ay nakita niya ang isang puting cellphone. Binuksan niya ito at nakita sa wallpaper ang taong nagmamay-ari niyon.
Maingay ang mahabang lamesa dahil sa usapan at tawanan ng mga kumakain doon.
"How was my daughter in Washington? Did she cause you too much headache?" Her father asked while smiling
The other man laughed. "No, she's never like that. Danelle is a good woman. I hope I had a daughter like her."
They became silent but she managed to smile. Hinawakan niya ang kamay ng matanda.
"I am always your daughter, ninong. And you're my father as well."
Tumango ang matanda saka ngumiti. Muli silang nagkulitan at halos hindi na mawala ang tawanan sa mesang iyon.
"You two are like brothers. Wait, I'm going to take a picture of you two." Nakangiting binuksan ni Danelle ang kaniyang bag na nasa tabi lang niya ngunit alin mang sulok niyon ay hindi niya makita ang kaniyang cellphone.
Nasaan iyon?
Saka lamang niya naalala na inilabas niya pala iyon kanina para tingnan kung kinokontak pa rin siya ng hiniwalayang kasintahan. Subalit nakita niyang wala naman kaya binaba niya nalang ito kanina. Pero bakit hindi niya namalayang nahulog iyon sa kaniyang kamay?
"Dad, ninong. I think I dropped my phone in the car, I'll just go get it."
"Okay, pero bumalik ka kaagad dito." Bilin ng kaniyang ama.
Umalis siya at nakasalubong ang ilang naglilibot na mga nakaitim na lalaki.
"Excuse me, where can I find the easiest way going to the basement?"
Matagal pa siyang kinilatis ng lalaki ngunit agad na humingi ng pasensya ng makilala siya.
"Diretso lang po ma'am saka kayo lumiko sa kanan at darating kayo sa baba. Doon, lumiko po uli kayo sa kanan."
Nginitian niya ang lalaki, "Maraming salamat po."
Sinunod niya ang sinabi nito sa kanya at natagpuan nga niya ang basement. Pumasok siya doon saka tiningnan ang bawat sasakyan na naroon hanggang sa dumako ang mga mata niya sa kotseng sinakyan nila kanina. Lumapit siya doon ngunit hindi niya mabuksan.
"Damn. Wala nga pala akong susi."
Patakbo siyang lumabas at dalawang lalaki pa na parehong nakasuit ng itim ang nakasalubong niya. May mga suot itong earpiece.
"Excuse me. Nakita niyo ba si Captain...
Naputol ang sinasabi niya nang makaligtaan ang pangalan ng kapitan. Hindi nito sinabi ang pangalan kanina ngunit may binanggit ang ama niya kanina, hindi lamang niya matandaan.
"Si... si... Argh!"
Natigil siya pagaalburoto nang makitang umayos ng tayo ang dalawang lalaki na kaniyang kaharap at nakitang sumaludo ito sa bandang likuran niya. Lumingon siya sa kaniyang likod at doon siya napahinga ng maayos.
"The area is clear, Sir."
Tumango ang kapitan sa kanila, "Take your rest for a while. Ako na ang maglilibot sa ilang natitirang lugar."
"Yes, Sir."
Lumisan ang dalawang lalaki at silang dalawa na lamang ang natira doon.
"Pwede ko bang mahiram ang susi ng kotseng sinakyan natin kanina?"
"Sorry to say this, ma'am but we're not allowed to give private belongings-
"Shut up." Mahinahon na sabi ni Danelle habang nakataas ang kanan niyang kamay upang patigilin ang lalaki sa pagsasalita.
"Just give me they keys, I have something very important to get there. And besides, that car belongs to my Dad."
"No, it doesn't."
Her raised her eyebrows.
May kinuha si Pion sa kaniyang bulsa at nanlaki ang mga mata ni Danelle ng ibigay nito sa kaniya ang cellphone na kanina pa niya hinahanap.
"What the-bakit nasa iyo 'to? Kinuha mo?!"
"Yes, ma'am."
Masamang tiningnan niya ang lalaki, "Bwisit. Bakit ba nangunguha ka ng hindi sayo? Gusto mo-
"Kinuha ko dahil nakita kong naiwan mo. Should I left it there? May sarili akong gamit, hindi ako nangunguha ng pagmamay-ari na ng iba."
She fell into silence but later on she talked again.
"Then what do you want me to do? Thanked you? Alright-
He cut her off. "I just need you to get out of the way. I have task to do, if you don't mind, Ms. Greogo."