bc

"I LOVE YOU FROM THE START"

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
tragedy
sweet
betrayal
school
like
intro-logo
Blurb

"Please give me just one more chance. I wont waste it this time.My heart told me how much I love you.How enjoyable our time was , and how much I missed you for so long."

chap-preview
Free preview
-Short Story-
With my headset on my ears I walk at the hallway alone as usual. Walang tumitingin or pumapansin sa akin as if hindi ako nag- eexist sa mundo nila pero wala akong pakialam , sanay na akong mag- isa. Since my parents died nang masunog ang bahay namin, walang kapamilya namin ang kumupkop sa akin. Malas daw ako , ako daw ang dahilan nang pagkamatay nang mga magulang ko. I am only 6 years old that time. Ang kaisa isang tumulong at nagpaaral sa akin ay ang kaibigan ni mama na wala naring pamilya. Siya lang ang tumanggap sa akin. Kahit sa paaralan ay walang kumakausap at lumalapit sa akin dahil malas daw ako. Lumaki akong si Mama Beth ang kasama, kunting mali ko lang ay sinasaktan niya ako, katulong ang tingin niya sa akin, pero okey lang pinapaaral naman niya ako. Pero bakit gano'n? pati siya ay iniwan din ako ? 3rd year high school ako nang pag.uwi ko sa bahay wala si mama Beth , wala na rin ang mga gamit niya at ang ipon ko sa pagpa partime job para sana pangkulihiyo ko. Nakatapos ako nang High School sa pagpa partime ko, Valedictorian . Ang saya-saya nang mga kaklase ko kasama ang mga magulang nila, pero ako? ni isang litrato sa Graduation wala. And now I am ready to face my college ... alone as usual. Ruth Fernandez you can do it! I have my Full scholarship. Noon break I am here in my favorite spot ng school kung saan wala masyadong pumupunta with the headset on my ears at pusa na lage kong pinapakain. Nakikita ko ang sarili ko sa pusa walang pamilya, nag-iisa at malungkot, kaya tuwing pumupunt ako dito ay pinapakain ko si Harry. I also gave him name. "Excuse me. May nakita ka bang dumaan ditong lalaki ? Red ang suot niyang shirt." nabigla ako, I just shake my head without looking at his side. Kay Harry lang ako nakatingin , hinahagod ang ulo niya habang kumakain. Hindi ako sanay nang kinakausap. "Ah gano'n ba? Thank you." saka palang ako tumayo nang maramdaman kong wala na siya at pumunta na rin sa susunod kong klase. "My naka upo na dito!" "Sorry this sit is occupied" oh come'on alam kung wala, ayaw n'yo lang akong katabi eh, but no choice sa pinaka likod ulit ako naka upo. 1 WEEK LATER IN MY FAVORITE SPOT "Harry? .. Harry?" tumakbo ako nang makita ko si Harry na nakahiga habang nakapikit. Kinabahan ako nang hindi parin ito kumilos kahit nakalapit na ako, binuhat ko siya agad at tumakbo. Dadalhin ko siya sa malapit na veterinarian clinic. Malapit na ako sa gate nang may nakabangga ako , may nahulog na gamit ko pero hindi ko na pinulot at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. "Miss! Miss! " hindi na ako lumingon pa hanggang sa veterinarian clinic. Pero huli na.. hindi ko na nailigtas si Harry, nakakain siya nang lason. Napaiyak ako, bakit gano'on ? pati ba naman si Harry iniwan ako ? Pasan ko si Harry pabalik sa favorite spot namin habang umiiyak. Inilibing ko siya doon at nilagyan ng bulaklak habang umiiyak parin. "I'm sorry Harry.. sorry if late akong dumating. " sabi ko habang tumutulo parin ang luha. 2 DAYS LATER Papunta na ako sa susunod kung klase nang may biglang nag.abot sa akin nang papel na may sulat. "You are Ruth Fernandez, right ?"napatingin ako sa nag-abot ng sulat, ngumiti siya tapos umalis na rin. Papasok palang ako ay nagsilagayan na sila nang bag sa tabi nila, as usual ayaw nilang tumabi sa akin. "Ruth, dito ka. Wala pang naka upo dito." tinignan ko ang nagsalita, naka ngiti siya. Siya rin yong nag.abot nang sulat kanina. Napatingin ang iba sa amin. "Hey! hindi mo ba siya kilala?" bulong nang katabi niyang babae na narinig ko rin naman. Tiningnan lang niya ang katabi niya at tumingin ulit sa akin. Napayuko ako. "Thank you pero doon nalang ako." mahina kong sabi sabay turo sa likuran. Maya maya lang ay dumating na si Mr.Falcon.. " Do you have your partners now for your report ?" yumuko ako. Wala na naman akong partner. "Yes Prof.!"sabay nilang sagot. "Ms.Fernandez, wala ka na namang partner ? Even if you are always perfect on your previous reports, you can't do it alone this time." nakayuko lang ako. Alam ko namang walang gustong makipag partner sa akin. "Ms.Fernandez and I can be partners sir." "Okey Mr.Villaflor and Ms.Fernandez." "Kent! Are you crazy ?" sabi nang katabi niyang babae pero ngumiti lang siya. "Bakit ? Anong problema?" inismiran lang siya nang babae. Malapit nang matapos ang taon pero wala pa rin akong kilala sa mga kaklase ko. AFTER CLASS Pinalabas ko muna silang lahat bago ako tumayo para pumunta sa partime job. Malapit na ako sa pinto nang biglang pumasok ulit ang nagbigay nang sulat kanina. "Hi " naka ngiti nyang sabi habang nakakaway. "I am Kent Andrew Villaflor."nilahad niya ang kanyang kamay. Tiningnan ko lang ang kamay niya pero bigla niyang kinuha ang kamay ko para makipagkamay. "And you are Ruth Fernandez right?" nakangiti niyang sabi, tumango lang ako sabay bawi nang kamay ko. "We need to know each other, kasi partners tayo di'ba?" nakangiti pa rin siya. Parang may kung ano ang napukaw sa puso ko, dahil ba siya ang unang kumausap sa akin? o dahil ba ang tamis ng ngiti niya ? Ewan ko. Tumango ulit ako without saying any word tapos umalis na ako. 3 DAYS LATER "Hi Ruth!" naka ngiti nanaman siya. Lumakas ang t***k ng puso ko. "Pwede bang sabay tayong maglunch?"nakatingin pa rin ako sa kanya na para bang tinatanong ko siya gamit lang ang mga mata ko ng 'bakit'. "ah.. eh.. kasi ,ano para sa report natin ?" napakamot siya sa ulo niya at tumawa ng mahina.Nagdalawang isip ako pero sa huli tumango rin ako. Papunt kami sa canteen na halos lahat ay nakatingin sa amin, napayuko nalang ako at napahigpit ang hawak sa bag ko. Hindi ako sanay nang pinagtitinginan , mas sanay akong hindi pinapansin ng karamihan. "okey ka lang ?" "sorry, pero pwede bang... huwag tayo sa canteen ?" mahina kung sabi. Tiningnan niya ang paligid na halos lahat ay nakatingin sa amin at ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa bag ko. Tapos ngumiti siya sa akin. I felt something wierd inside me, parang hinuhukay ang sikmura ko. "okey! saan mo gusto ?"dinala ko siya sa favorite spot ko. Pinag.usapan namin ang tungkol sa report. 1 week passed na lage kaming sabay maglunch ni Kent. Naging komportable ako sa kanya, napapangiti niya ako, sobrang caring niya. Masaya akong kasama siya, pero hindi ko alam kung dahil ba may matatawag na akong kaibigan o may iba pang dahilan ang kasiyahang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya, hindi ko alam. Nirereview ko ang report na nagawa namin nang bilang hinawi ni Kent ang buhok na nalaglag sa mukha ko. Napatingin ako sa kanya pero nakatitig siya sa akin. Medyo nailang ako kaya't tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay, pero tinanggal rin niya ang kamay na nakatakip sa mukha ko at ngumiti .. "ang cute mo palang magblush" sabi niya habang nakangiti. Tumalikod ako tapos narinig ko siyang tumawa. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. "Kent!" pareho kaming napalingon sa tumawag. It was the girl who always sits beside him. "Oh Trina, bakit?" nakatingin siya sa amin.. sa akin actually. Pero bakit parang galit siya? napayuko nalang ako. "I don't have a partner. Can I join? There are other groups naman eh na tigtatatlo, so let me in. hah?" naka pout na sabi ni Trina. Tumingin si Kent sa akin na parang nagtatanong kung okey lang ba. I smiled a little then nod. "Yey!! thanks Kent!" sabi ni Trina habang nakangiti nang malapad. 3 DAYS LATER 3 days to go report na namin. Kent invited me to his brothers birthday. Ayaw ko sanang sumama but he insisted, and to be honest I wanted to experience it too, to be envited like this. I feel like oh~ someone finally accepted me as a human. The Party was awesome. So this is what party is .. And oh Trina was there too. Kent was with me the whole night, taking care of me. "Did you enjoy ? " he asked me with a sweet smile in his lips. Just looking at him make me smile too, the butterflies in my stomach started to cramble. Then I know it. I am falling for this man. "Yeah." sabi ko nang nakangiti. And oh my God ito na naman yung mga titig niya na nakakatunaw. "Nasabi ko na ba sa'yong 'Ang ganda mo ngayon?" namula ako, tumawa siya nang mahina sabay pisil sa pisngi ko. "Ang cute mo talaga!" nakatawa niya pa ring sabi. Nagkwentuhan lang kami ni Kent nang tinawag siya ng kuya niya. "Sandali lang Ruth ,hah?" tumango ako tapos umalis na siya. 30 minutes passed hindi pa ako binalikan ni Kent. Tumayo ako para mag C.R. , naghugas ako ng kamay pagkatapos ay babalik na sana kaso napahinto ako sa nakita ko sa labas ng C.R. ... magkayakap si Kent at Trina. Nanikip ang dibdib ko, di ko alam ang gagawin, ayaw kung makita nila ako. Dahan dahan akong bumalik sa loob . Ang sikip ng dibdib ko, gusto kung umiyak pero alam ko wala akong karapatan kasi hindi ko pag.aari si Kent. 20 minutes akong nakatulala lang sa loob ng C.R. ang sakit ng lalamonan ko kasi pilit kung pinipigil ang aking luha. Ayaw kung umiyak. Pagbalik ko ay sinalubong ko ako ni Kent . "Saan ka galing ? akala ko umalis kana, kanina pa kita hinanap" mahinang sabi ni Kent, pero bakit parang may pag.aalala ang boses niya ? parang kinabahan siya ? tapos ay huminga siya ng malalim. "Sorry. Nagpa hangin lang ako saglit." sabi ko at ngumiti ng pilit. Ngumiti rin siya at dahil sa ngiting iyon gustong gusto na talagang lumabas ng luha ko. " Ah Kent, pwede bang mauna na akong umuwi? medyo masakit kasi ang ulo ko eh."nag.aalalang tiningnan niya ako. "okey ka lang ? sandali kukunin ko muna ang susi ng kotse ihahatid na kita." tatalikod na sana siya pero tinawag na naman siya ng kuya niya. "Kent okey lang. Kaya kung umuwi mag.isa" "Hindi. Ihahatid kita." ngumiti ulit ako ng pilit. "okey lang talaga Kent, promise. Kailangan ka nila dito." magsasalita pa sana siya pero tinawag ulit siya ng kuya niya. "Talaga bang okey ka lang umuwi mag-isa?" nag.aalala pa ring tanong niya. "Sanay akong mag.isa remember?" sabay tawa ng mahina, tapos ay naglakad na ako palabas. Nasa labas na ako nang bigla akong hinila ni Trina sa braso, halata sa mukha niya na medyo lasing siya. "Magsabi ka nga ng totoo. May gusto ka ba kay Kent!?" pagalit niyang tanong. Nabigla ako kaya di agad ako nakasagot.Tiningnan niya ako from head to toe. "huh! A nobody like you magkakagusto sa isang Klent Andrew Villaflor?"medyo malakas na ang boses niya, at mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso ko. "Trina lasing ka lang." dahan dahan kong binabawi ang braso ko , kaso ang higpit ng hawak niya. "Huwag kang mag illusyon! Akala mo ba may gusto sa iyo si Kent?"tumawa siya. "Do you even know the reason kung bakit ka nilapitan ni Kent? Yun ay dahil matalino ka! Ginamit ka lang niya para sa report!!"malakas niyang binitiwan ang braso ko sabay talikod. Hindi ako makakilos , nag.init ang mga mata ko. Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy rin ang pagdaloy ng luha ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang sakit lang na ang taong akala ko ay tanggap ako , na akala ko ay iba sa lahat ay katulad rin pala ng iba. 2 days before the report is hindi ako nakapasok. Mataas ang lagnat ko at ang sakit ng katawan ko. I texted Kent to finish the report because I am not feeling well. Then after that I turned off my phone. 2 DAYS AFTER Report is over. Iniiwasan ko si Kent, hindi na rin ako pumupunta sa fovorite spot ko. "Ruth, iniiwasan mo ba ako ?"hindi ako sumagot , hindi ko rin siya nilingon. "Ruth , galit ka ba ? may nagawa ba ako?" "Huwag ka namang ganyan oh, kausapin mo naman ako please." "Fernandez report to Mr.Falcon" sabi ng isang kaklase ko. Tumayo agad ako at lumabas papunta sa office ni Mr.Falcon. " Ms.Fernandez , where is your report?" "I am part of Villaflor and Gomez group sir, we're done yesterday." "Are you kidding me? The report is required for 2 members only. A pair! not a group. Didn't I told you that ? and as you've said Villaflor and Gomez submit their report yesterday as a pair. Here look at this."tiningnan ko ang itinuro niya, Kent Andrew Villaflor and Trina Gomez lang ang nakasulat. "The report date is over. 2 weeks is enought, I'm sorry I can't give you another chance it's unfair to others." "I'm sorry sir." lumabas ako at mabilis na naglakad pabalik kung saan sina Kent at Trina.Ang sikip sikip ng dibdib ko, naniwala ako sa kanila. Ang tanga tanga ko. Napatingin silang dalawa sa akin. "Ruth, anong problema? bakit ka umiiyak?" lumapit si Kent sa akin at hinawakan ang braso ko pero inalis ko agad ang kamay niya. "Anong kasalanan ko sa inyo !?" mas napaiyak ako ng malakas. "Bakit n'yo ginagawa sa akin 'to? kayo naman yong lumapit sa akin ah," "Ruth please, anong nangyari ?" puno ng pag.aalala ang boses ni Kent, pag.aalala nga ba o isa na naman sa drama niya. "Kent hindi ko naman pinilit ang sarili ko na maging partner mo di'ba? pero bakit kailangan n'yong sirain ang scholarship ko? bakit n'yo ako nilaglag?"patuloy parin sa pag agos ng mga liha ko. "Anong -- sandali , hindi ko maintindihan." "Dalawang araw kang wala! kaya dapat lang na ikaw yung tanggalin no! wala ka namang naitulong masyado."sabi ni Trina. "Patapos na yun Trina kaya huwag mong sabihin na wala akong naitulong dahil ikaw ang walang nagawa. At Kent nagtext ako di'ba? Sana sa simula palang sinabi mo na , kaya ko naman mag.isa eh." "Ruth, wala akong alam. At anong text?" naguguluhan niyang tanong , pero hindi ko na alam kung ano ang totoo sa mga ipinapakita niya. Kinuha ko ang bag ko at lumabas. Hinabol ako ni Kent. "Ruth wait! please listen to me , please."hindi ko siya pinakinggan at tumakbo. Ilang beses akong sinubukan kausapin ni Kent pero iniiwasan ko siya. Ayaw ko siyang makita at makausap. Hanggang sa nakapasa siya sa ibang bansa at doon nagpatuloy ng pag.aaral. 8 YEARS LATER "Dr.Ruth, good job!" napangiti ako. Simula nang naging doktor ako ay may mga naging kaibigan na rin ako at isa na dito si Dr. Cindy. "Narinig mo na ba ? ang gwapo daw nang bagong Neurologist haha ." "Ewan. Lahat naman sayo gwapo eh." sabi ko sabay tawa, natawa rin si Cindy. Napatingin ako sa relo ko , 10 minutes nalang magsisimula na ang meeting namin. "Let's go."at sabay na kaming pumunta ni Cindy. ------------------------------------------------------------------ "He is our new Neurologist, Dr.Kent Andrew Villaflor." dugdugdug biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Dahan dahan kong tinignan ang bagong ipinakilala .... oh my God! That smile.. dugdugdug .. "Kent Villaflor , Neurologist." simpleng sabi niya sabay ngiti , pumalakpak naman sila. Bigla siyang tumingin kung saan ako nakaupo, agad naman akong tumingin sa ibang direksyon. Wew! feeling ko magkaka heart attack ako. Pagkatapos ng meeting ay mabilis akong lumabas, dumiretso ng C.R. at naghilamos. Bakit sa lahat ng hospital ay dito pa siya ? Madami namang mas malaki pa dito ah. Hay ... "Long time no see , Ruth." nagulat ako dahil nasa labas siya ng C.R. nakatayo. Ay anak ng tukwa naman eh. Hindi ko siya pinansin at diretso lang akong naglakad na parang walang nakita. "I knew it , you would become a great doctor. Your amazing as always" huminto ako sa paglakad at hinarap siya, cross arms. "Why did you come to this hospital, of all places?" "Because I miss you, I wanted to see you. I keep thinking the last time we talk and you, leaving the lecture room." guni guni ko lang ba o malungkot talaga ang mga mata niya? Tinalikuran ko siya at iniwan. Ayaw kong maniwala , takot akong masaktan ulit. ------------------------------------------------------------------ "Coffee? " nakangiting inabot ni Kent ang Kape sa akin habang naka upo ako sa labas. "No, thanks." tumayo ako at naglakad pabalik sa office,nakita ko siyang napayuko. Sorry pero takot akong mapalapit ulit sa'yo. 1 WEEK AFTER Isang Linggo na akong sinusubokang kausapin ni Kent pero palagi ko siyang iniiwasan. Pauwi na ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong ako, maya maya lang ay dumating si Kent na may dalang payong. Inabot niya ito sa akin pero tiningnan ko lang siya. Ngumiti siya .. "Ruth ... I'm returning to States. I'm sorry about everything" ang lungkot ng mga mata niya. Sumikip ulit ang dibdib ko. Kinuha niya ang kamay ko at inabot ang payong tapos naglakad siya sa gitna ng ulan. Binuksan ko ang payong at hinabol si Kent. "You'll catch a cold. In wet cloths." ngumiti ako ng kunti tapos sabay kaming naglakad. "This is my place." turo ko sa bahay.Ngumiti siya. "So this is where you live." "Yeah." " Would you hold this for a second ?" hinawakan ko ang payong tapos may kinuha siya sa bag niya. "I've been wanting to return this to you." sabay abot niya sa isang notebook. "This is mine. Where did you get this ?" ngumiti siya. Binuksan ko ang notebook.. sketch! puro ako. "The day your Kitty died, nahulog mo yan." napatingin ako sa kanya.Hinawakan niya ang kamay ko. "I first saw you sa likod ng school kung saan mo pinapakain ang pusa. I was also the one who asked you that silly question about the Red shirt guy , just trying to get your attention. At ako rin yung nabangga mo habang umiiyak ka dala dala ang pusa." nag.init ang mga mata ko. "Nang makita kitang umiiyak habang inililibing ang pusa, sabi ko sa sarili ko ' I want to protect her, I won't make her cry' " tumulo na ang mga luha ko. "Ruth .. wala akong alam tungkol sa report. Galit na galit ako sa sarili ko nang makita kitang umiiyak sa harap ko. I'm sorry." umiiyak din si Kent habang pinapahid niya ang mga luha ko. "Sobra akong nasaktan nang bigla mo nalang akong iniwasan.Please give me just one more chance. I wont waste it this time.My heart told me how much I love you.How enjoyable our time was , and how much I missed you for so long." niyakap niya ako. "I love you Ruth." niyakap ko rin siya. "Stupid. Mahal din kita noon pa." --THE END--

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Wandering One

read
25.0K
bc

NINONG

read
396.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook