Chapter 2

1983 Words
Hope's POV "Aba'y matinde nga! Hindi ko akalain na nagawa mo pang mangialam sa away ng iba na kamuntik mo nang ikapahamak sa monster s***h witch step-mom mo!" Aist! Ang sakit sa tenga ng boses ng babaeng ito! Tiningnan ko si Sunny s***h Demonious na nag do-doodle sa notebook niya. Walanghiya! Akala ko pa naman kanina ay hindi siya nakikinig sa kinukwento ko tungkol sa nangyare noong isang gabe na sumibat nalang ako sa laban namin. "Tama lang ang ginawa ni Hope. She saved a life!" Naku buti pa 'to si Kanji a.k.a Hellanious, understanding. "Pero dahil sa ginawa niya, nawala ang locket necklace ng mama niya! Tsk!" Bwisit! "Hey girls, chill. She's our leader. Remember that." And that's my handsome defendor, Vince. And he is also known as Deathenious. Naku kung hindi ko lang 'to kinakapatid ay ni-r**e ko na siya sa sobrang ka-gwapuhan niya! Maliit lang ang mukha niya. Kakaiba para sa isang lalaki na nagmumukhang babae. Nakaladlad ang bangs niya at kulot na buhok na lagpas balikat ang haba. Matangos ang ilong na pwede nang i-pantuhog ng hotdog. Hihihi! Kidding. Red lips na parang naka-tattoo na yata ang pulang tinta sa labi niya. Aba! Mas magandang babae pa siya sa akin kapag nagkataon! "Psh! Kampihan na naman ba 'to? Okay! I surrender. But how do we gonna find your necklace Hope?" Si Sunny na huminto na sa kanyang ginagawa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko hahanapin 'yon. Hindi ko din alam kung saan ko iyon naiwala. Tsk. Bakit ba kasi nawala pa 'yon eh. Sana naman nasa mabuting kamay ang locket necklace ko. Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy ko nalang ang pagngat-ngat ng mais. Gutom na gutom ako dahil sa ginawa kong paglilinis kanina sa buong mansion KO na inangkin ni Bruhilda! "By the way, kailan ka mag-eenrol Hope?" Nag freez sa ere ang mais na hawak ko at nailuwa ko naman ang mais na nasa loob na ng bunganga ko dahil sa tanong ni Kanji. Ano ba yan, sayang. Seryoso silang tatlo habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago inayos ang sarili ko. "I don't know yet. Pinahihinto ako ni Beatriz. But of course, hindi ako papayag na madagdagan pa ang taon ng pang-aalipin nila sa'kin." Sagot ko at muling nagpatuloy sa pagkain. "Bakit hindi ka nalang bumukod? Kayang-kaya mo naman. Marame ka ng pera na kinita natin sa bawat laban. I'm sure na kayang-kaya mo nang bumili ng school kung gugustuhin mo lang. Ayaw mo no'n? Ikaw ang may-ari. Magagawa mo ang lahat sa sarili mong school. Puwede ka'ng mag-aral habambuhay kung gusto mo! Ikaw ang batas, ikaw ang pinuno, ikaw ang reyna, ikaw na ang lahat as in ikaw na talaga!" "Hindi gano'n kadali ang lahat ng sinasabi mo Sunny, alam niyo ang dahilan kung bakit pa ako naroroon sa bahay. Respect my decision." Wika ko at tumayo na sa sofa at pumwesto sa harap ng mic. "Come on, we need to keep practising. We have to pass the audition next month." "Alright!" "Yeah!" "That's Hope." Kanya-kanya silang hiyaw at pumwesto na rin sa kanilang mga instrumento na gagamitin. Dahil wala pa namang pasok ngayon sa school ay maghapon kaming nag-ensayo ng kanta na aming kakantahin sa audition ng isang sikat na T.V station. Hindi lang kami basta-bastang undefeatable gangster, we are also a band. A brother and sister's group band. Magkakapatid ang turing namin sa isa't isa. Sabay din kaming lumaki dito sa lugar namin. Alam na din namin ang baho ng utot ng bawat isa. Kulay ng tae kapag may LBM ang isa sa amin. Nadiri right? Pero totoo lahat ng 'yon. Lahat ng sekreto ng bawat isa ay hindi pwedeng hindi alam ng lahat. Natapos ang ensayo namin nang hindi namin naramdaman ang bilis ng oras. At parang hinahabol na naman ako ni kamatayan sa pag-uwi. Alam na, armalite na naman ang sasalubong sa akin pagka-uwe ko. Aist. "Saan ka na naman nagsusuot kang babae ka?! Alam mo ba na ubos na ang stock nating pipino sa Refrigerator? Tingnan mo yung ginawa mo! The wet market is already close! Gosh!" Sobrang depressed na naman si Bruhilda. "Where's my outfit for tomorrows photoshoot? I need those dresses in my room in fifthteen minutes! Got that trash girl?" Si Rere na dinuro pa ang dibdib ko bago tumalikod. Sarap gilitan ng leeg ang malanding 'yon! "Hey b***h, have you seen where my latest CD?" Umiling lang ako sa tanong ni Totong. Pinasadahan pa niya ako ng kakaibang tingin bago umalis sa harap naming dalawa ni Bruhilda. Matagal kaming nakatayo lang ni Beatriz sa sala. Nakatungo lang ako habang siya naman ay naka pamewang habang mabilis na humihinga. "Wala ka bang balak na sabihin sa akin kung saan ka nangaling?" Sa pagkabata at sa mga magulang ko seyempre. Alangan namang sa outer space? Eh hindi naman ako alien. Di ba?! Gusto ko sanang isagot sa kanya ngunit pinigilan ko nalang ang sarili ko. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang mga activities ko. Wala akong obligasyon para mag-paliwanag sa kanya. Ginawa na nga nila akong maid, pati ba naman ang pribadong buhay ko ay kailangan pa n'yang pakialamanan at panghimasukan? The hell! Freaking hell! Hindi ako sumagot hanggang sa sumuko rin siya sa paghihintay ng isasagot ko.. "Well, it looks like wala kang balak sabihin sa akin kung saan ka nangaling. I'll find it by myself then." Aniya bago ako tinalikuran. Eh di alamin mong gaga ka! Tingnan natin kung may malalaman ka! Ginawa ko muna ang lahat ng dapat kong gawin sa gabing ito dito sa mansion bago pumasok sa maids quarter. Nakapaglinis na ako ng katawan at lahat ng mag-ring ang cellphone ko. *Vince Calling~* "Yow, what's up?" "Gising ka pa pala?" Aniya sa kabilang linya. "Aba malamang! Nasagot ko pa nga ang tawag mo, hindi ba? So malamang, gising pa nga ako! Hindi pa naman siguro ako multo 'di ba?" "Ikaw talaga puro ka kalokohan." Natatawang sabi pa niya. Kalokohan ba 'yon? "Takte ka Vince, ano bang kailangan mo't napatawag ka pa ng ganitong oras?" "I have a good news." "Spill it out." "In one condition?" Takte talagang lalaki na mukhang babae na 'to oh oh! "Sige, Ano 'yon?" "Don't tell this to Sunny and Kanji. It's our secret for now." Secret? Wow gusto ko yan! Hehe! "Sure sure! I won't gonna tell them!" Na-e-excite na wika ko at pabagsak na nahiga sa kama. "You'll be studying at Schenker University for free!" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Matagal akong nakatitig lang sa sahig. Iniisip kung tama at totoo ba 'yong narinig ko mula sa kabilang linya. "Hello? Hope are you still there?" "Hope?" "Hope?" "Hindi mo ba nagustuhan ang balita ko?" Hindi nagustuhan? The Fucq! Sinong hindi magkakagusto sa napakagandang balita na iyon?! "The hell Vince! Of course i like it! And i really fcking love it! Kyaah! Sa wakas makakasama ko na kayo sa iisang school!" Naluluhang pahayag ko sa kabilang linya. Narinig ko pa siyang tumawa bago siya muling nagsalita. "Akala ko hindi mo nagustuhan, babawiin ko na sana eh." "Damn you Vince! Don't you ever do that! I will kill you!" "Whoah! Whoah! Relax baby sis, i was just kidding. Sinabi ko kasi ang problema mo kay Daddy at sinabi niya na siya nalang daw ang bahala sa tuition fee mo. Alam mo naman na isa siya sa mga stock holder ng University diba? So 'yon na nga. Wala ka ng problema sa pasukan, makakagraduate ka." Para akong ma-iiyak na hindi dahil sa mga sinabi niya. Napakabait talaga ni Uncle Danny! Pina-abot ko nalang ang pasasalamat ko para sa kay uncle bago namin tapusin ang tawag. Hindi ako mapakali sa higaan dahil sa kaiisip na makakapag-aral na ako ng walang bayad. Walang tulong mula kay Beatriz. Kyaah! Magkakasama na kaming apat sa iisang school! I'm sure na mabibigla ang dalawang 'yon! Hehehe! Isa nalang ang problema. Si Beatriz. But she can't do anything to stop what will gonna happen. Ang saya saya ko ngayon. Hindi na ako makapaghintay na makakagraduate ako at sa wakas makukuha ko na yung mana at masisipa palabas ng mansion sina Beatriz Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako sa kaiisip. Yohan's POV "Who are those shits?" "We need to know who are those asshole!" "Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sayo Yohan!" "Lintik lang ang walang gan--" "Walanghiya kayo mga pare, kanina pa ako dada nang dada rito hindi man lang kayo nakikinig?! Nasaan na ba ang mga isip ninyo at parang hindi na maabot ng aking pang-unawa?!" Puno ng emosyon na wika ni Christopher o mas kilala bilang Capella. Ang Capella ay Latin word for "Little She-goat". It sounds like a girl's codename, but toffer is the one who chooses his codename. Ngayon lang yata niya napansin na walang nakikinig sa mga sinasabi nya. Kanina pa kasi sila nagtatalo kung ano ang plano. But Christopher kept on saying stupid plans. Tulad nalang ng pa imbisigahan daw namin sa mga secret agent. Eh di nabuko ang mga pagkatao namin? Marami pa s'yang sinasabi kanina at hindi kami makasingit dahil sa sunod-sunod nyang dada. Hanggang sa mapikon kami kaya hindi nalang namin s'ya pinansin pa. Ibinulsa ko nalang ang kwintas na kanina lang ay pinagmamasdan ko nang maigi. Nandirito kami ngayon sa aming head quarters at nagpaplano kung paano namin malalaman kung sino ang nag utos sa mga gunggong na dumukot at nagdala sa akin sa kagubatan noong isang gabi. "Ano na pinuno? Wala ka bang nakuhang isang palatandaan man lang para makilala kung sino ang mga 'yon?" He asked while playing in his hand the personalized dagger na bawat meyembro ng Stele Gang ay mayroon. Siya rin mismo ang may gawa at nag-desinyo niyon. Maliit lang ngunit sadyang napakatalim nito na kahit iguhit mo lang ng bahagya sa balat ay magdurugo na. Bungo ang desinyo ng dulo ng handle at pa curve naman ang blade nito. Naka engrave ng maliit ang pangalan ng Gang namin sa blade nito at doon malalaman na meyembro ng Gang ang may-ari ng dagger na iyon kapag naiwala namin ito. Sa ibaba ng engrave name ng Gang ay ang codename ng may-ari mismo ng dagger. Kaya madaling malaman kung kanino ang dagger na iyon at para hindi kami magkakapalit. Ang salitang Stele naman ay hango sa Romanian word ng stars. Kung bakit stars? Wala lang trip ko lang yung Romanian word. Tiningnan ko muna silang lahat bago sagutin ang kanyang tanong. "There is. A black hawk in their left wrist." Sagot ko at natigilan naman silang lahat. "Black Hawk gang?!" Takang tanong ni Jerico o mas kilala bilang Arcturus. The word Arcturus, is a Greek word for "Guardian of the Bear" "Ang hihina pala ng mga 'yon Sirius , pero bakit hindi mo sila natalo?" Tanong naman ni Betina at kilala din siya bilang Spica. Ang nag-iisang babae sa Gang. Spica is a Latin word for "Ear of Grain". And the word Sirius is a Greek word for "searing" or "scorching". "Dahil may tinurok silang Syringe sakin. Hindi ako nakakilos ng maayos at bahagyang namanhid ang kalahating katawan ko. Kaya hindi ako naka-laban at hindi ko na nagawa pang habulin ang nagligtas sa'kin" "Mabuti nalang pala at may nagligtas sayo Pinuno." Wika ni Christopher. Tumango lang ako at kinapa ang kuwintas sa aking bulsa. I really need to see that girl. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. "So anong plano natin pinunongSirius ?" Betina asked. "We're moving on Schenker University." Sagot ko at nangunot naman ang kanilang mga noo. Muli kong kinapa ang kuwintas sa aking bulsa. "Ano ba talaga ang plano mo Sirius?" Betina asked again. "Soon you'll know. In time." I plastered a smirk on my face. Black Hawk Gang all of you need to pay. A big time. Mysterious girl, i'll see you soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD