CHAPTER TWENTY FOUR “Morning…” Iyon ang una niyang narinig nang imulat niya ang kanyang mga mata kinaumagahan. Nakangiting mukha ni Ahsen ang bumungad sa kanya. Nakahiga ito nang patagilid at nakatunghay sa kanya, na para bang hinihintay siyang magising. “Morning, My Hubz.” Ganting bati niya bago sumiksik sa kili-kili nito. “Happy?” “Syempre pero masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko. Para akong binugbog.” Mahinang sagot niya. “I’m sorry, My Wife.” Umalis siya sa pagkakasiksik sa kili-kili nito at humarap dito. “Bakit ka nagso-sorry? Nagsisi ka ba dahil ginawa natin iyon?” Himig na nagtatampong tanong niya rito. Natawa ito. “Of course not. I’m very happy last night, My Wife. You made me happy and I regret nothing.” Hinalikan siya nito sa tuktok ng buhok niya. “I love

