CHAPTER TWENTY THREE “Ano ito?” Nagtatakang tanong niya nang naka-uwi na sila at maabutang naka-upo sa salas. May isang malaking kulay puting kahon sa tabi. “Open it.” Nakangiting sabi nito sa kanya. “You’ll going to say you love me if you’ll see what is inside of that bag. Inirapan niya ito bago siya umupo sa tabi nito at kinuha ang kahon. “ Hindi naman bomba ang laman nito, hindi ba?” Paninigurado niya habang binunuksan ang kahon. “Of course not.” Nakangiti pa rin nitong sagot. “Ang sarap ng ngiti mo ngayon. Kinakabahan tuloy ako dahil baka kung anong pakulo na naman ito.” “Just open it.” Hindi pa rin nabura ang ngiti nito. “Humanda ka sa akin kapag kalokohan na naman ang laman nito.” Banta niya rito. “Ano ba ito? Bakit kailangang ibalot pa sa plastic bag ng SM? Ang cheap mo

