CHAPTER 31 “Ito ang suotin mo, ayan bagay ‘yan sa ‘yo!” masayang sambit ni Mellisa, habang ibinababa niya ang iba’t-ibang mga dress doon. “Dress ba talaga ang susuotin?” hindi ko kayang magsuot ng ganiyan, masyadong kita ang balat ko d’yan. Ang sabi pa naman sa akin ni mama ay maraming loko-loko sa Manila. “Ano ka ba! Magmumukha kang dugyot sa signing event! Bakit ba ay hinayaan ka ni Kiarra na ganito ang lagi mong suot,” napalunok ako, hindi naman niya alam na hindi iyon ang tunay na Kiarra. “’Wag mo nang pakialaman ang gusto niyang suotin, Mel.” tumaray naman si Mellisa sa sinabi ni Zell sa kaniya, “Ay sus! Ikaw nga ay ganyan ka rin magsuot, katulad kay Switzell. Pero tignan mo? Maganda sa ‘yo, hindi ba?” tinignan ko si Zell na naka-pants at crop top, habang ang kaniyang buhok nama

