Chapter 30

2116 Words

CHAPTER 30 LINGO ngayon at hindi na ako magtataka kung wala nanaman si Kiarra sa tabi ko. Alam kong si Kyo iyon, ngunit pinilit ko sa isip ko na si Kiarra pa rin iyon. Siya ang nagpapanggap na Kiarra, kaya dapat ay makisakay na lamang ako. Naalimpungatan lamang ako dahil sa isang kaluskos, ngunit hindi ko pa rin minumulat ang aking mga mata. “Oo, nandito pa ko.” kabadong-kabado ako, narinig ko ang boses ni Kyo. Siguro ay inaakala niyang tulog ako, ngunit hindi. Gising ako! Parang sasabog ang dibdib ko! Katabi ko talaga ang crush ko! Tila nahiya ang petchay ko, dahil nakita niya kung gaano ako kabaliw sa kaniya. Dapat ko na ba itong tanggalin? Iyong mga mukha niya? “Tulog pa siya, tulog mantika ang isang ‘to.” ako ba ang sinasabihan niyang tulog mantika? Sino pa nga ba ang kasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD