CHAPTER 27 Kyo’s POV “ANO?” hindi ko napigilan ang lakas ng boses ko habang narito ako sa loob ng banyo, “Oo pre! Kailangan mong pumunta ngayong lingo!” napapikit ako, hindi ko alam kung paano ako makaka-alis sa puder ng babaeng iyon ngayong sabado at lingo. Lalo’t nasabi ko na sa kaniya na hindi pa kami ayos ng pamilya ko! Damn! “Oh my gosh! May lalaki sa banyo!” nagulat ako nang marinig ko ang sigaw ng isang babae at agad silang nagsilabasan sa cubicle. Akala ko naman ay walang tao ngayon rito! Agad akong lumabas rin para makihalo sa kanila at iba ang pagghinalaan nila. Bwesit na buhay ito! “Walang lalaki sa banyo, mukha ‘bang may makakapasok na lalaki rito?” nagulat na lamang akong tignan ang kaibigan nila Rae, iyong babaeng laging nakatingin sa akin. “All girls school ‘to, satin

