CHAPTER 9

1247 Words
CHAPTER 9     “HINDI MO KASALANAN..” hawak-hawak niya ang aking likod nang sabihin niya iyon sa akin, paanong hindi ko naging kasalanan? Wala pa nga akong nakwekwento sa kanya ay sinabihan niya na agad ako ng wala akong kasalanan, “Wala kang alam sa buhay ko,” mahina kong sambit, aminado akong naiinis ako bahagya sa kaniya. Kapatid niya ang naging dahilan kung bakit ako naging malakas, ngunit hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa tuwing pinapakialaman niya ang nakaraan ko.   “Since, sinabi mo na sa akin na ang kapatid ko ang tumulong sa ‘yo ay baka makatulong rin ako.” umiling ako, hindi ko kailangan ng tulong. “Kaya ko, ‘tapos na ako sa nakaraan ko.” matapang kong sabi, kita ko ang ngisi niya. Para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko, ano naman ngayon kung hindi pa talaga? “Saka, sabi mo nag-architect ka, ‘di ba?” panigurado akong naging mataray ako ngayon, ganito ang sanhi pagnaalala ko ang lahat, mula noon.   “I am, pero nag-aral pa rin ako sa pagiging doctor.” pakamot-kamot pa siya sa kaniyang noo, natawa na lamang ako bahagya nang makita ko sa kaniya si Kyo Vallino. “Nangiti ka d’yan?” kumunot ang kaniyang noo, saka niya inilapit sa akin ang kaniyang mukha. “Why are you blushing, huh?” napalunok ako, inilapag ko ang baso sa tabi ng aking kama. Umiiwas ako sa kaniyang tingin, kahit pa rinig ko ang kaniyang halakhak. “You’re so funny! The thing is, parehas lang naman tayo..”   “What do you mean na parehas tayo?” wala sa wisyo kong tanong, ni hindi nga makinis ang balat ko. Kaya paano niya nasabing parehas lamang kami? “I mean, ‘yung takot na mayroon ka ay gano’n rin ako. Pero ako nilabanan ko..” nakagat ko ang aking labi, sinasabi niya ba na hindi ko nilabanan ang nakaraan ko? “Wala kang kasalanan, palagay ko ay masyado mong binababa ang sarili mo..”umurong siya ng kaunti, “Palagay ko ay nasabi na rin ito ng magulang mo sa iyo, wala kang kasalanan..” isang mariin na haplos sa aking ulo ang kaniyang ibinigay.   Tila tumibok ang puso ko nang sobrang lakas.   “S-sa ginagawa mo..” hindi ko matuloy ang sasabihin ko, “Baka mahulog ako sa ‘yo!” lunok ko pang sabi na mayroong kalakasan, ngumiti ito at bahagyang natawa sa sinabi ko. Ang kaniyang ngiti ay umabot sa kaniyang mga mata, na kahit ang mga matang iyon ay tila nakangiti. “Alam mo, masaya akong nakilala kita,” tungo-tungo pa niyang sabi sa akin, umalis siya sa aking igaan at umupo sa kama nito. “Naguluhan lang ako ‘kung ano ka ba talaga ng kapatid ko? Pinsan ka ba niya o girl friend?” taas kilay niyang tanong, nahiya ang lamang loob ko sa sinabi niya. “A-ano! Ano kasi..” kita ko nanaman ang halakhak niya, nahihiya na ako talaga! “It’s okay! Don’t worry, alam ko naman..” kindat niya, “Alam ko rin naman na gusto mo lang rin ako tulungan..”   “Hindi ko gusto na manghimasok sa buhay mo,” “I know, kaya nga kita nagustuhan, ‘di ba?”   “Gusto mo ko? Tibo ka?” nanlaki pa ang aking mga mata, kita ko ang kaniyang mga matang lumaki at biglang nanamang tumawa. “Damn!” halakhak niyang muli, ngunit napatigil rin ito at tumingin sa natunog na telepono niya. Nawala ang kaniyang ngiti, tila nabahidan ng takot ang kaniyang mukha, ngunit agad itong umiling. Tumayo ito at kinuha ang kaniyang cell phone, “Mommy..” sagot niya mula sa kabilang linya, umalis siya ngunit hindi pa man rin siya nakakalabas ng pinto ay napahinto na siya, “What!? Y-you can’t do that!” nagulat ako sa kaniyang sigaw, napatingin ako sa gilid ko at mayroong plastic doon ng pagkain, hindi ko alam kung sa akin ba iyon o sa kaniya. Pero base sa nakita ko ay masyadong marami ang pagkain na ito para sa kaniya.   “Mom! Ganito ka ba talaga kasama!” yiie! Kinabahan ako, nag-aaway ba sila ng kaniyang ina? “Mom! Did Dad know about this? Is he fine about this?” medyo galit na galit niyang bulyaw, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. May matutulong ba ako? Kung pera ay wala ako no’n, hays. Kahit ako ay kailangan ko rin ng pera. “Bullsh*t! This is full of bullsh*t, Mom! Nang dahil lang hindi ko kinuha ang gusto mo ay magiging ganito ka kasama!?” napatayo ako nang narinig ko siyang humikbi, mabilis kong kinuha ang panyo ko na hindi pa nagagamit. Napaupo ito at tila nanghihina, “This is my dream! Mom! And I am your freaking daughter!”     “Fine, gusto mo ‘to? Is this what you really want? Tinakwil mo na ako, hindi ba? Then fine! I am no longer a Vallino from now on! Once I get my successful here, I will using nothing but Cuanco!” galit niyang ibinaba ang kaniyang telepono, mabilis akong pumunta sa kaniya. “Are you alright?” binigay ko ang aking panyo sa kaniya at agad naman niyang kinuha iyon, “She freaking freeze my accounts!” bulyaw niya at umiyak, “How can I buy my needs!”   “Pwede kitang pahiramin!” mabilis kong sabi, inalalayan ko siya sa pagtayo at dinala sa kaniyang kama. “O hindi naman kaya ay maghanap tayo ng pwedeng pagtrabahuan!” sunod kong sabi, “You don’t to help me,” tamad niyang sabi, naawa ako sa kaniya. Sanay siya sa pagiging prinsesa, hindi ba? Sanay siya sa siya ang nag-uutos at hindi siya ang inuutusan, pero ginawa niya ang lahat para sa pangarap niya. Hindi ko akalaing mas mahirap pa pala ang pinagdadaanan niya kaysa sa akin, “Namatay ang kapatid ko,” wala sa wisyo kong sabi, nagulat siyang tumingin sa akin.   “Why are you telling me that now? Really?” pinunasan niya ang kaniyang luha, alam ko naman na hindi ito ang tamang oras para sabihin ko iyon sa kaniya, “Dahil alam kong mas malakas ka sa akin, hindi ko kayang harapin ang lahat dahil takot ako, hindi ako katulad mo..” pinalalakas ko ang kaniyang loob, “Namatay siya dahil sa kasalanan ko,” pinigilan kong hindi matandaan, ngunit sa tuwing naiisip ko ang kaniyang mukha ay nasasaktan muli ako.   “Hays! Ang hirap naman harapin!” natatawa kong sabi at tumingin sa taas, ayokong maiyak. “Kaya, ‘yang poblema mo ay naayos pa, sa akin kasi ay kahit maging successful ako rito at maging mayaman, hindi ko mabibili ang buhay ng kapatid ko.” hinawakan ko ang kaniyang balikat, “Maging malakas ka lang, tutulungan kita. Kahit hindi mo ako masasabing kaibigan mo, ay para sa akin kaibigan kita..” kindat ko, tumawa naman ito at bahagyang pinunasan ang kaniyang luha. “You are my friend now, walang tumingin sa akin sa lakas ko. Nakikita nila ang kahinaan ko at ginagawa nila iyon sa aking laban.”   “Kinakaibigan lang rin ako ng iba, dahil kay Kyo..” tumingin pa ito sa akin, “Well, kaibigan kita dahil ikaw si Kiarra..” ngumiti ako sa kaniya at bahagya siyang niyakap, “Nakikita ko nga..” para kaming magjowang nagyayakapan sa kama niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD