CHAPTER 8
MABILIS ang kaniyang paglakad, kahit ako ay sumusunod lamang sa kaniya. Gano’n rin ang iba pa naming kasama, kabado akong tignan ang iilan na tumitingin sa amin. Hindi lang pala kami ang mayroong dorm rito, tulad ng sabi ni ate Joy. Ngunit hindi ko aakalaing mas malaki ang building ng mga nagbabayad, ano pa nga ba ang iisipin ko? Nagbabayad sila para sa magandang ibibigay sa kaniya, ano pa nga ba ang iisipin ko, hindi ba?
“Grabe! Hindi ko akalaing, ganito pala kagara ang dorm ng mga mayayaman!” kahit building lang ang nakikita namin ay kahit ako ay nagagandahan, mayroong fountain sa gitna at maraming dami sa gilid. Tila iisipin kong mansyon ito, hindi tulad ng sa amin. “Maganda rin naman ang atin,” mahinang sagot ni Chrizell kay Mellisa, “Alam ko, ngunit mas maganda ang kanila!” hindi ko alam kung bakit ba namin sinusundan si Kiarra at napaisip kung bakit ba namin siya sinusundan.
Huminto ako at tumingin sa dalawang nasa likod ko, kita ko ang paghinto nila at tumingin sa akin. “Oh? Bakit ka huminto?” tanong ni Mellisa, “Hindi ko nga alam ‘kung bakit tayo nasunod kay Kiarra..” iyon naman ang totoo, napatingin si Mellisa kay Chrizell na tila nakuha ang punto ko. “Oo nga ‘no? Akala ko ba ay dadalhin niya tayo sa pwedeng kainan rito?” napatingin ako sa humintong si Kiarra, lumingon ito sa’min. Kita ko ang pag-slow motion ng lahat, parang nakita ko ang isang Kyo Vallino sa kaniya. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang tignan ang isang ‘to. Baka kasi ay bigla ko na lang siyang hablotin at yakapin, kahit pa alam kong kakambal lamang si ni Kyo.
Gusto niya rin mamuhay ng normal katulad ko.
“Hindi ba’t gutom na kayo?” bored niyang tanong, napalunok ako. Galit ba siya? Talaga bang hindi siya friendly? O hindi lang siya talaga marunong makipagkaibigan? “Oo! Gutom na kami!” masayang sabi ni Mellisa, mabilis siyang kumalas sa braso ni Chrizell at tumakbo sa gawi ni Kiarra, kita ko ang gulat sa mga mata nito nang hawakan siya sa braso ni Mellisa. “Gutom na talaga ako!” inihilig ni Mellisa ang kaniyang ulo sa balikat ni Kiarra na agad naman lumayo. “Ito! By the way, ako nga pala si Mellisa!”
“I bet you kn-”
“Yes, kilala kita.”
Kita ko ang pag-iwas ng tingin si Kiarra, mukhang sa loob ng isang araw ay nakuha ko na ang ugali niya. Tulad ng sabi niya kahapon ay ayaw niyang tinitignan siya bilang si Kyo Vallino, ayaw niyang kinakausap siya at kinakaibigan dahil kakambal niya si Kyo Vallino. “I’m sorry, nakwento lang kita.” pagsisinungaling ko.
“Nakwento lang kita sa mga kaibigan ko, ito nga pala si Chrizell.” turo ko kay Chrizell, agad naman siyang lumapit at nakipagkamay, “Kiarra,” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. “No need to be fo-”
“I want you guys to know me as me,” buntong-hininga niya, “If you really want that, then fine..” tumungo si Chrizell habang sinasabi iyon, “Also, tawagin niyo na lang akong Zell, para hindi na kayo mahirapan.” ngumiti siya bahagya, “Nice to meet you, Zell.” pormal na pagabati ni Kiarra kay Zell na kalmado lamang, “Ikaw? Any short name?” tanong sa akin ni Kiarra, umiling ako. Ngayon lamang siya nagkaroon ng kuryoso sa akin, “Switzell lang,”
“Switzell lang? Bakit mas maikle ang tawag sa iyo ng babaeng maganda kanina?” natikom ko ang aking bibig sa sinabi ni Mellisa, “Rae?” nanlaki ang aking mga mata, unti-unti akong napalunok. Tila ang kaba sa aking dibdib ay kumabog nanaman nang malakas. Bakit ba hindi ako nasasanay sa ganiyang tawag sa akin?
“Ate Rae! Laro tayo!”
“Ate Rae! Tulungan mo ko!”
“Switzell? Ayos ka lang ba?” tumingin ako sa kanilang tatlo, tila parang natatakot. Huhusgahan rin nila ako! Huhusgahan nila ako, alam kong may pagkakamali ako at alam kong huhusgahan nila ako! “Switzell?” tanong ni Zell, kahit si Kiarra ay naninibago sa akin. “S-sorry!” mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila, tila rinig ko pa ang sigaw ni Mellisa at ni Zell mula sa pangalan ko. Ayokong tinatawag ako sa aking pangalan na iyon, hindi ako sanay.
Mabilis kong kinulong ang sarili ko sa kama, tinalukbong ang sarili sa comforter. Kahit pinipikit ko ang mga mata ay nakikita ko pa rin siya, nakikita ko pa rin siya. Kung paano niya iabot sa akin ang kanyang kamay, kung paano niya tinatawag ang pangalan ko.
“Hey?” tila nanliwanag ang aking paningin ng ang unang tumambad sa akin ay si Kiarra, pinigilan kong humikbi kahit na ang aking mga mata ay hindi sumasang-ayon. Lumalabas pa rin ang mga luhang nagsisiunahan. “Ayos ka lang ba?” lumunok muna ito at tumabi sa aking tabi, umupo siya sa aking kama. Dama ko ang lubog nito, pinunasan niya ang aking luha. “Y-you don’t have to do this..” mahirap bigkasin iyon, masakit ang lalamunan ko. Ang hirap umiyak nang mahina at patago.
“What’s the problem?” kuryoso niyang tanong, ngunit umiwas lamang ako ng tingin. Hindi ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Alam ko namang sasabihan niya rin ako ng kung ano-ano, tulad ng iba kong kinilalang kaibigan. Ang isa ang pinaka-close ko, ang babaeng tinuri kong kaibigan sa lahat. Ngunit, hindi ko alam na siya rin pala ang wawasak sa akin. “You can tell me the problem, so I can help you..” no one can help me, walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang.
“You can’t,” rinig ko ang pagsinghap niya, “Based sa nakikita ko sa ‘yo ay mayron kang Trauma,”mabilis akong napaupo sa aking kama, paano niya nalaman? “Memory of trauma? Any events na na-bully ka or what?” kumunot ang aking noo, kahit nakikita ko ang bilat na Kyo na ito sa harapan ko ay bakit para akong naiinis. Huminga ako nang malalim, “Bakit ko sasabihin sa ‘yo? I’m not your friend.” ulit ko sa sinabi niya sa akin.
“Uhhm, so tama nga ang nakita ko based sa mga actions mo..” tumungo-tungo siya, bakit ba siya ganiyan? Hindi pa rin ba siya titigil? “Para sa kaalaman mo ang Memory of trauma ay isang various sites sa ating utak, which is process some different aspects of experience.” ano ba ang pinagsasabi niya? “Fine, ang gusto ng mommy ay maging isang doctor.” bored niyang tingin sa akin. “The gossip are true..”taray niya pang sunod.
“Umalis ako ng bahay to pursue my dream course. I want to be an architect.”napalunok ako, iniabot niya sa akin ang isang tubig. “Ikaw? Bakit ka ganiyan?” napahinto ako sa paglunok ng tubig, sasabihin ko ba sa kaniya? “H-hindi ko pa kayang sabihin..” iyon lamang ang nasabi ko, “One day, you need to face your fears..” ngumiti siya sa akin, “I don’t want you to hide forever in the shadows..” tinignan ko ang aking basong na mayroong tubig, tumulo ang aking mga luha. “Kahit gustuhin ko ay hindi ko magawa,”
“Paano ka makakaalis ‘kung takot ka?” suminghap ako, hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang totoo. Alam kong sasabihin niya rin ako ng kung ano-ano, alam ko ang susunod na mangyayari. “May isang taong mahalaga sa akin ang tumulong,” nanliwanag ang kaniyang mukha, “A doctor?” umiling ako, “Limutin mo ang nakaraan at humarap sa kinabukasan..” tipid akong ngumiti, kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. “Oh, so my twin brother help you to face your fear?” natatawa niyang tanong sa akin at tinignan ang mga posters kong nakakabit sa aking ding-ding, pati na rin ang aking unan na mayroong mukha niya.
“It’s good na siya ang naging inspirasyon mo sa pagiging matatag, pero hindi ibang tao ang haharap sa kinakatakutan mo.” naiintindihan ko ang kaniyang sinasabi, “You’re hiding in my brothers shadows and farewell words..” umiling-iling siya, “Paano ‘kung sabihin ng kapatid ko sa iyo na magpakamatay ka? Gagawin mo ba?”
“Stop running, susundan at susundan ka n’yan. Kalaban mo ang sarili mo, hindi mo kasi pinapakawalan ang nakaraan. It’s still in you..” aniya, “What should I do?” kita ko ang pagtawa niya, “Well, my very first patient! Ang kailangan mo ay sabihin sa akin ang totoo, what happened?” sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang nag-iisang kapatid ko? Sasabihin ko bang ako ang pumatay sa kapatid ko?