CHAPTER 1

1250 Words
CHAPTER 1 SIKAT ng umaga ang bumalot mula sa aking mga mata ng unang pag-mulat ko mula sa aking pagka- gising. Ngiti agad ang bumalot sa aking labi ng isipin ko na ito ang unang araw na papasok na ako sa University. “Anak! Gising na!” rinig ko mula sa ibaba ang sigaw ng aking ina na mukhang mas excited pa sa’kin. Ito kasi ang unang araw ko na lilipad ako upang makapunta ng Manila. Natanggap kasi ako bilang isang scholar sa isang all girls school sa Manila kaya’t tuwang-tuwa ang aking magulang. Sino ba namang magulang ang hindi matutuwa pag ang anak nila ay nakapasok sa isang magarang paaralan. Sa totoo n’yan ay hindi kami mayaman at maari ko lamang sabihin sa inyo na nasa maayos naman ang estado ng aking pamilya. Hindi kami mahirap o mayaman, nasa gitna lamang. Pero hindi kaya ng pamilya ko ang tuition sa mga unibersidad na magagara kaya’t laki ang tuwa nila ng makuha akong scholar sa Mary University. “Gising na po ako, Ma!” pag-sisigaw ko upang malaman nila na gising na ako dahil kung hindi ay parang ginera nanaman ang kwarto ko sa pag-iingay na gumising na ako. Mabilis kong kinuha ang aking ipit at agad ko namang inipit sa buhok ko. Ngayon ay alas-syete pa lamang ng umaga at aalis ako mamayang alas-dose. Kaya maaga ako gumising ay gusto ko lamang tignan kung maayos na ba ang aking dadalhin. “Anak, maayos na ‘ba-” hindi natuloy ng aking ina ang kaniyang sasabihin ng tignan nito ang isang bag kong dala. Mukhang magagalit na ito sa’kin. “Kailangan ‘ba talaga na dalhin mo ang poster na ‘yan? Anak?” hindi makapaniwala si mama ng ituro nito ang poster ng taong pinaka-crush ko talaga. Kung kayo ay nahilig sa mga K-pop, ako naman ay nahilig sa P-pop. Mas gusto ko pa rin ang limang lalaki na ito kaysa sa mga K-pop. Hindi ko naman sinasabi na panget sila ‘ah! Ang akin lang ay mas nagustuhan ko ang P-pop kaysa sa K-pop. “Ma, hayaan mo na akong dalhin ‘yan. Sila ang nagiging inspirasyon ko para sa pag-aaral ko.” halos kuminang pa ang aking mga mata habang sinasabi ko iyon. Sapagkat totoo naman ang sinasabi ko. Sila talaga ang nag-bigay inspirasyon sa’kin na maging maayos muli simula nung magkaroon ako ng sakit. “Hay nako, mukhang wala na talaga akong magagawa upang pigilan ka sa pagiging adik sa bandang iyan. ‘Yang, LO5 ‘ba ‘yan?” kumunot na lamang ang aking noo ng mali ang pag-kabigkas ni mama sa L-O-FIVE na ang ibig sabihin ay League of Five. “Naka ilang turo na po ako sa ‘iyo Ma, kung paano ang tamang pagbigkas sa L-O-FIVE.” natatawang sabi ko saka ma-ingat na sinara ang bag ko kasama ang poster at iba’t-ibang mga mukha nila ngunit ang mas marami doon ay ang mukha ni Kyo Villino. “Hindi ka ‘ba nag-sasawa anak sa mukha ni ‘yan.” pag-tuturo muli nito sa unan kong may tulog na mukha ni Kyo. Sobra talaga akong obsess sa kaniya ngunit alam ko naman kung hanggang saan ang limitasiyon ko. Alam ko kung hanggang saan lamang ako. Dahil alam kong hindi naman niya ako kilala at ito lamang ako, isang taga hanga niya. “Kumain na kayo dito sa baba,” rinig kong sigaw ni papa mula sa ibaba. “Lumalamig na ang pang-umagahan.” muling banggit nito. “Tara na at mukhang ayos naman na lahat ang dadalhin mo.” natatawang sabi ni mama saka ko hinayawakan ang kaniyang mga braso at madaling bumaba upang kumain ng umagahan. “Good morning, Pa!” bigay ko ng halik at bati sa kaniyang pisngi habang sina-sandukan ako nito ng kanin sa plato. “Ayan, ganiyan kayong mag-ama pero kapag sa’kin ay hindi man lang ako mabati ng magandang umaga.” animo’y nag-tatampo ang aking ina ng batiin ko ang aking ama nang magandang umaga. “Huwag kayong kumain ni ‘yan ako ang nag-luto n’yan!” pag-uutos nito na halatang nag-tatampo talaga. Nag-katinginan kami ni papa kaya’t ang nagawa lang namin ay tumawa saka mabilis na niyakap ang aming ina. Sa kabila ako at si papa naman ang sa kabila. “Ang misis ko kahit kailan talaga ay napaka-matampuhin,” sabay halik ni papa sa pisngi ni mama na agad namang hindi mapigil ang ngiti. See? Kahit kailan talaga itong si mama, gusto lagi ang nagpapa-baby. “I love you, Mama.” masayang bati ko at hinalikan naman siya sa kabilang pisngi na agad din naman niyang hinawakan ang ulo ko at hinagod-hagod. Mukhang hindi na siya nag-tatampo, ganiyan lang talaga si mama ngunit mabait talaga ito. “I love you too, Anak.” ngunit may lungkot ng sabihin iyon ni mama, parang hindi ito masaya ngunit parang gusto man niya ay nalulungkot siya. “Ma, ‘wag ka na malungkot.” pag-hahawak ko sa kaniyang mga kamay habang umupo sa kaniyang tabi. Nakatingin lamang ako sa kaniya ng bigla niyang kinagat ang kaniyang mga labi at tumingala sa itaas. “Natatakot ako anak, malayo ka kasi sa amin ni papa mo.” hindi nito mapigilan ang luhang tinatago nito kanina pa. Panigurado akong mami-miss ko talaga sila ng sobra kapag umalis na ako. “Mami-miss ko ang hahalik sa’kin sa umaga at mag-tatanong kung ano ang niluto kong umagahan.” kahit naiiyak siya ay hindi pa rin nakaligtas ang maliit na tawa. Mukhang mami-miss talaga nila ako ng sobra. Kaya pala hindi mapakali si mama habang papalapit ng papalit ang araw ng pag-alis ko. “Ma, babalik naman po ako. Hindi naman po akong habang buhay nasa Maynila ‘ma.” hagod ko sa kaniyang likod. “Basta ang ipangako mo lang sa’min nang iyong papa na huwag kang gagawa ng kabalastugan roon ha!” natatawa man ako ay aking pinigilan dahil kahit nitong na andito ako nag-aaral ay hindi naman ako ganoong klaseng babae na kabalustugan lamang ang ginagawa. “Lagi kang mag-iingat roon dahil hindi mo alam ang lugar na ‘iyon pati ang mga taong makakasalamuha mo.” paninimula niyang pag-bibigay leksyon sa’kin. “Kung rito ay wala silang paki-alam sa suot mong baduy ay doon naman sa Maynila ay panay hubadera ang mga ‘yon.” natawa na lamang ako ng sabihin iyon ni mama. “Mama, hindi ako mag-susuot ng malalaswang damit.” alam ko ang ibig niyang sabihin dahil hindi niya talaga gusto ang mga suotang malalaswa at nakuha ko naman ang punto nito. Ang Maynila ay isang lugar na kung saan ay marami at sandamakmak na masasamang tao. Hindi ko naman nilalahat ngunit kalimitan talaga ay ganoon. Ilang saglit pa ang nakalipas ay agad kong inayos ang aking gamit at sumakay sa sasakyan patungo sa airport. Kasama ko pa rin ang aking ina at ama ngunit may lungkot pa rin talaga ang mga mukha nila. “Ma, huwag ka ‘nang malungkot.” saka ko ito niyakap ng mahigpit sa sasakyan. Ang yakap na huling beses ko na lamang mahahagkan dahil pag-gising ko kinabukasan ay Maynila na ang makakasama ko. Mula Samar patungong Maynila ang magiging destinasyon ko. Ito na ang magiging bagong yugto ng buhay ko. “Mag-iingat ka anak.” at iyon na lamang ang huling salitang narinig ko mula sa kanila ng makasakay ako ng eroplano. Gabayan niyo po sana ako panginoon. Iyan ang nasa isip ko ngayon may halong kaba, Oo ngunit kailangan ko ito para sa magiging future ko. Sisimulan ko ang bagong ako at makikita ko na rin ang LO5, syempre! MAYNILA, HERE I COME!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD