CHAPTER 2

1245 Words
CHAPTER 2 “KAMUSTA PO! PANGALAN KO PO ANG NAKASULAT SA PAPEL NA ‘IYAN.” nahihiyang turo ko mula sa papel na hawak ng isang babae na naka salamin. Kagat-kagat ko ang aking labi habang ang kaba ko naman sa aking dibdib ay hindi mabilang, mukhang kakainin na ako ng lupa dahil minsan ay nakakapagsalita ako ng waray at baka mahiya lamang ako dahil masyadong puro ang tagalog nila. Marunong naman ako ngunit baka iba ang pag-bigkas ko kesa sa native na nakakapagsalita ng tagalog. “Magandang hapon, maayos naman ‘ba ang pag-dating mo ‘dito?” maligang tanong nito sa’kin na agad nag-pagaan ng aking loob. Hindi naman siguro tulad ng iniisip ko ang mga taong gusto iparating sa’kin ng isip ko. “Pasensiya na po at hindi pa po ako masyadong sanay na makipag-usap sa ibang tao.” pag-hihingi ko ng pasensiya sa binibining katapat ko. Marahan itong tumawa at nakipagkamay sa akin na agad ko naman iyong tinanggap. “Ako nga pala si Joy.” natatawang pag-papakilala nito sa’kin kaya’t agad naman akong nag-pakilala sa kanya. “A-ako naman si Switzel Rae Tebez.” saka ngumiti upang matago ang kaba sa aking dibdib na parang segundo na lamang ay gusto ko nang bumalik sa Samar. “Huwag ‘kang kabahan, Tulad mo isa lang rin akong scholar pero isa na akong senior mo.” pag-papakilala nito sa’kin kaya’t agad gumaan ang aking loob. Isa rin pala siyang scholar tulad ko. Ibig sabihin ay marami pang scholar doon. “Naalala ko tuloy ang sarili ko sa ‘iyo dahil ganiyan na ganiyan rin ako ‘nung unang dalo ko ‘rito sa Maynila.” natatawang sambit nito saka hinawakan ang aking braso. Marahin kaming lumabas habang hawak-hawak ko ang aking maleta at hila-hila ito ay may nakita akong van na kulay puti ngunit may nakalagay sa labas nito ang Mary University. “Kamusta!” maligayang bati ng isang naka upo sa loob ng buksan iyon ni ate Joy. “Akala ko ay ako lang ang darating ‘dito.” nguso pa nitong sambit na animo’y may kaba pa sa dibdib na agad naman iyong nawala ng makita ako. “Saang lugar ka nga pala galing?” hindi ko pa man naayos ang bag kong hawak ay agad na itong nagtatanong. Switzel, kailangan mo makisama at ibahin ang nakasanayan.. Takbo sa aking isip. “Sa Samar, ikaw?” sinubukan kong ibato muli sa kanya ang tanong ng tuluyan akong makaupo mula sa likod nito. “Tama na muna ang daldalan mga girls,” natatawang sabi ni ate Joy nang makapasok ito mula sa loob van. Sa loob ng van ay syete kaming taong naroroon. Ang isa ay driver, isa naman si ate Joy at limang katulad ko na mukhang scholar din ata mula sa iba’t ibang lugar. “Ako nga pala ang inyong Senior. My name is Joy or Ate Joy.” pag-papakilala nitong muli saka ngumiti sa aming lahat. Sinuklian ko naman ito ng ngiti kahit ang tingin niya ay pumupunta sa aming lahat. “Gusto ko sana ay ipakilala niyo muna ang inyong sarili sa lahat, kahit lima lamang kayo.” saka nito itinuro ang nasa unahang nagtanong sa’kin kanina. “Ako po ‘ba?” agad namang tumango si ate Joy nang mag-tanong ito kung siya ba ang una. Agad naman kaming nag-tawanan ng parang napahiya ito. “Ako ng po pala si Chrizell, sana ay maging kaibigan ko kayong lahat.” pag-papakilala nito, gayong may kaba sa aking dibdib dahil ako na ang susunod na mag-papakilala ay agad naman akong lumingon upang makita ang nasa likod. “Ano, kamusta? Ako si Switzell, ano hehe. Hi?” nahihiyang pag-papakilala ko dahil hindi talaga ako marunong pang makisalamuha pa sa ibang taong hindi ko pa kilala maliban na lamang kung may nakarinig akong masama tungkol sa sa’kin at sa pamilya ko. “Ako naman si Angel galing pa akong Davao.” pag-papakilala ng isa sa mga kasama namin sa van habang naandar ito patungo sa paaralan na papasukan namin. “Sarah po ang pangalan ko, galing po akong Leyte.” parehas kami ng tono kung mag-salita, sa kabila lamang pala sila at malapit lang iyon sa’min. Ang Leyte ‘ba. “Mellisa taga Cebu, sasayaw na po ‘ba ako?” agad nag-tawanan ang buong tao sa loob ng van nang tanungin niya iyon. Napanood ko iyon sa TV na pag-katapos banggitin kung taga saan ka ay sasayaw ka ng budots. “Hindi lamang kayo ang mga scholar mula sa paaralan ng Mary University, mayroon ‘ring galing mismo dito sa Maynila at iba sa Luzon.” Pagpapaliwanag ni ate Joy. “Ang pagiging scholar ay hindi madali, sana alam niyo ‘yon.” muling pagsasabi nito. Alam ko naman ang mga gagawin ko dahil nabasa ko naman iyon sa librong pinadala kung pano ang takbo ng isang scholar. “Ang pagiging scholar ay may kailangan gampanan. Tulad ng sapat na average na hinahanap kada subject at average.” isa iyon sa mga nabasa ko mula sa librong pinadala kaya’t handa na ako doon. Kung para lang din naman sa magulang ko at sa future ko ay aking gagawin. “Ngunit kung nabasa niyo na ang isa pang pahina mula sa aklat na pinadala sa inyo ay may nakasulat pa ‘doon.” muling pag-papaliwanag niya habang may inilabas na aklat mula sa kaniyang bag. Ang aklat na katulad ng pinadala sa ‘min. Dala-dala ko naman iyon ngunit nasa maleta. “Ang pagiging scolar ay may kailangan gampanin. Tulad ng paglilinis ng iba’t-ibang silid at hardin.” nabasa ko iyon at handa na rin ako doon. Nagawa ko nga’ng mag-palay at mangisda kaya’t madali na sa isang probinsyana ang gawaing mag-linis. “Makaka-alis naman kayo ngunit may limitasyon lamang. Maliban na lamang kung araw ng sabado at linggo.” ang araw na walang pasok. Sa ibang Unibersidad ay may sabado ang pasok ngunit sa Mary University ay hanggang byernes lamang. “Libre na ang inyong dorm ngunit ang pag-kain niyo ay hindi na sagot ng Unibersidad ga ‘yon din sa tubig na inyong iinumin.” pag-papaliwanag nito sa amin at mas lalo ko pang naunawaan iyon. “Kung kailangan niyo ng trabaho o kailangan niyo ng part time job ay hindi naman kayo pag-babawalan ng Unibersidad basta ibigay lamang ang oras na kailangan niyo sa pasok ng inyong trabaho upang makapasok pa rin sa loob ng dermitoryo.” muling pag-papaliwanag nito sa amin. “Kung gusto niyong kumuha ng ibang dermitoryo ay pwe-pwede kung sa labas man ito ay kailangan ng consent ng magulang kahit nasa legal na gulang na kayo.” patuloy pa nitong pag-papaliwanag. “Ngunit hindi na sagot ng Unibersidad ang anumang gastusin kung may mang-yari sa inyo mula sa labas.” patuloy muli nito. “Pwede pala mag-dorm sa labas?” rinig kong sabi ni Angel mula sa aking likod na tinatanong ata ang katabi nitong taga Cebu. “Pero mas gusto ko na ang nasa loob ng school para hindi na gagastos pa ang pamilya ko o ako.” natatawang sagot niya mula sa kaniyang tanong. “Ang laki!” agad akong na-patingin sa bintana ng sabihin iyon ng babaeng nasa unahan ko habang naka silip ito sa bintana at manghang-mangha na nakatingin sa labas ng paaralan. Kaya agad naman akong na-patingin sa bintana ganoon din ang iba ko pang kasama sa loob ng sasakyan. Ang laki nga nito, ang gate na malaki na parang palasyo ang disenyo ng bumukas ito. Kakaiba ang paaralan na ito. “Ladies, Welcome to Mary University..” muling sabi ni ate Joy ng tuluyan kaming makapasok mula sa loob ng paaralan. Ito na ang bagong yugto ng buhay ko rito sa Maynila..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD