CHAPTER 2- Dump

4352 Words
"MISTER Park." Buong lakas ko siyang itinulak. Nanginginig ang kamay kong dinuro siya. Wala na akong pakialam kung professor man siya o may-ari ng eskwelahang ito. Mali ang ginawa niya. "Why did you do that?!" Gigil na saad ko.           "Natatakot ka ba sa'kin, Miss Kim?" aniya ng may pang-uyam. Umangat din ang sulok ng kanyang labi. Hindi niya inintindi ang sinabi ko. Napaatras ako nang muli niyang ihakbang ang paa papalapit sa'kin. Katulad nang nangyari kanina, muli niya akong sinunggaban ng halik. Hindi na ako nakapalag dahil idiniin niya ako sa pader.           Nang makakuha ng pagkakataon ay tinuhod ko ang pagitan ng kanyang hita. Agad siyang namilipit sa sakit dahilan upang makawala ako sa hawak niya.mDali dali akong lumabas ng office ni Sebastian at hinahapong napasandal sa may wall malapit sa elevator. Sapo-sapo ko pa ang aking dibdib. Ang bilis ng pag-kabog nito. What the hell was that? Inis kong pinunasan ang labi ko.           What's with him? Naturingang may-ari ng skwelahan, siya pa mismo ang sumisira ng imahe nito.           Anong ibig sabihin ng mga 'yon? Bakit niya nagawa sa'kin 'yon? Punong puno ng katanungan ang isipan ko. Hindi ba siya natatakot na maaari ko siyang isumbong sa ginawa niyang pag halik sa'kin? Inis kong ginulo ang aking buhok at mariing pinikit ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko namalayan na ang mga kamay ko ay nakahawak na pala sa aking labi. Nararamdaman ko pa rin ang lambot ng kanyang labi doon.           Sana pala ay hindi na lang ako pumunta sa opisina niya ng nag-iisa. Sana hindi nangyari 'yon. I massage my temple. My head is aching. I fished my phone in my pocket when I heard it beep. Someone is calling. I answered it without looking kung sino ang tumatawag. My eyes was still close.           "Yes?" Bagot na saad ko sa kabilang linya. Umalis ako mula sa pagkakasandal at umayos ng tayo. I l heaved a sigh at muling hinilot ang noo ko.           "Where are you?" It was Serene on the other line. "Hindi kaba papasok? Limang minuto na lang at dadating na yung professor. It's our first day of class today and don't tell me, na makikisabay ka sa ibang professor na hindi napasok ngayon?"           "Papasok ako. May inutos lang si Lolo sa'kin." I ended the call. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Serene dahil hahaba na naman ang usapan namin. Alam kong magtatanong siya kung tungkol saan ang ginagawa ko. Ayoko naman sabihin sakanya dahil hindi naging maganda ang pangyayari sa loob ng opisina ni Mister Park. Ayoko nang alalahanin pa dahil naiinis lang ako. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ko si Zachary.           Nasa kabilang building pa ang susunod kong klase at malayo layo ito sa Business Administration Building. Dumaan muna ako sa powder room at inayos ang sarili ko. Lihim akong napamura nang makita ang nagkalat na lipstick sa pisngi ko. Nanggagalaiting inalis koi to.           "Damn you! Damn you, Mister Park!" Bumukas ang pintuan ng powder room ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin.           Nag lagay ako ng powder sa mukha ko at lipstick. Pinagmasdan ko ang lipstick na hawak ko at naiinis na tinapon ito sa trash. Damn! Ito na ang huling araw na gagamitin ko ang lipstick na 'yon. Ayokong maalala pa, na sa bawat pag gamit ko nito ay ang mapangahas na labi ni Sebastian ang maaalala ko.           "Oh! Look who's here. Bella Chandria Kim. My so called ex bestfriend."           "Celina." Pag bati ko at nilagpasan din naman kaagad ito. Wala akong panahon makipagtalo sa kanya lalo na ngayon at naiinis ako. Ayokong tuluyang masira ang araw ko.           "Wait, Bella Kim. Hindi mo ba ako ka-kamustahin? Don't you missed me?" Puno ng sensiridad na aniya.           Alam ko kapag nagsisinungaling siya sa mga kinikilos niya o hindi. Celina's right. She's my ex bestfriend. Kahit naman kasi ganyan ang pag-uugali niya ay malapit kami sa isa't isa...noon. Nang hindi pa kami nagkakasiraan pati ng kapatid niyang si Serene.           Matagal ko nang kaibigan si Celina simula nang tumuntong ako ng secondary. Kay Serene talaga ako hindi malapit, maituturing na mag kaibigan kami ngunit hindi katulad kay Celina na halos lahat ng sekreto ng isa't isa ay alam na namin. Silang dalawa talaga ang hindi magkasundo noon pa man.           At ako palagi ang pumapagitna sa kanilang dalawa. Naging malapit din sila kay Zachary nang maging kami nito. Si Ezekiel na matalik kong kaibigan ang dahilan kung bakit nagkakilala kami ni Zach. Kaibigan niya din kasi ito.Napabuga ako ng hangin at pinikit ang aking mga mata. Nagbilang ako ng tatlong beses bago siya hinarap.           "Hanggang ngayon ba ay nagagalit ka sa'kin sa mga sinabi ko noon? Na ang tingin mo ay isa akong sinungaling at nagawa ko lamang ang bagay na 'yon dahil gusto ko kayong magkasirang dalawa ni Serene? Ha...?" Umiling ito. Tila hindi makapaniwala. Napaiwas ako ng tingin nang makita ang pag-patak ng mga luha niya. "...Belle, hanggang ngayon ay nasasaktan ako dahil nauwi lang sa ganito ang pagkakaibigan natin. Ako na bestfriend mo, ay hindi mo pinaniwalaan. Instead, you chose to believe on Serene."           One year ago, nagkasira kami ni Celina dahil sa mga paratang niya. Sinasabi niyang nakita niya si Zach at Serene na magkasama at may ginagawang hindi maganda. She said, they're cheating on me. niloloko lamang ako ni Zach. At hindi ko 'yon pinaniwalaan. Mahal na mahal ako ni Zach at kaibigan ko si Serene. Hindi nila magagaw sa'kin 'yon. Nasira kami ni Celina dahil mas pinaniwalaan ko ang dalawa. They both denied it, when I asked them.           "Celina..."           Umiling ito at pinunasan ang luha niya. Ngayon ko na lamang siya muling nakitang umiyak. Ang huling beses ay noong tuluyan kaming nagkasira.           "P-pwede naman nating kalimutan na ang mga bagay na nangyari noon." Dahil sa totoo lang. I missed her. I missed my bestfriend. Gusto ko siyang maging kaibigan muli sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon. Gusto ko na lamang kalimutan ang lahat ng 'yon at ibaon sa limot.           "Pero masakit kasi, Bella. Hindi mo ako pinaniwalaan." Pumiyok ito at pilit na tumatawa habang pinupunasan ang kanyang luha. Inabot niya sa'kin ang kanang kamay niya. "Pero okay na ako doon. Nakikita kong masaya ka kay Zach. Siguro tama lang na ako, tayo ang nagkasira imbes na kayong dalawa...friends?"           Hindi ko inabot ang kamay niya at niyakap na lamang siya. Matagal ko nang napatawad si Celina sa mga nagawa niya noon. "Friends." I whispered on her right ear.           Nahuli kami ng iilang minuto sa pag-pasok matapos naming mag-iyakan sa powder room. Muling bumalik sa pagiging maldita ang itsura ni Celina nang makaharap niya ang kakambal niya nang pumasok kami sa classroom. Inirapan niya ito bago pumunta sa hulihan para doon ma'upo.           "Why were you with her?" Ani Serene nang maupo ako sa tabi niya. Kinuha ko ang aking libro bago siya hinarap. Ngumiti lamang ako at hindi inintindi ang tanong niya.           "I'm asking you, Bella. Bakit kasama mo si Celina? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya noon? Siniraan niya kami sayo."           "Serene, she's still your sister. Kaibigan ko siya noon pa man. Besides, kinalimutan ko na ang ginawa niya noon. You'll see, hanggang ngayon, kami pa rin ni Zach. At 'yon ang importante doon." Hanggang ngayon kasi ay hindi magkaayos ang dalawa. Natural nang hindi sila magkasundo sa mga bagay-bagay.           Hanggang sa natapos ang asignaturang ingles ay hindi na ako muling kinausap ni Serene. Tanghalian na at medyo nakakaramdaman na din ako ng gutom dahil hindi ako nakakakain ng maayos kanina sa cafeteria nang dumating si Sebastian sa table naming ni Zach. My phone beep at binasa ang mensahe mula kay Zachary. Hihintayin niya daw ako sa cafeteria para sabay na kaming kumain. I replied okay at sinabing matatagalan ako ng ilang minuto dahil may kaylangang ipagawa sa'min si Sir Derick dahil nahuli kami ni Celina sa kanyang klase.           "Mauuna na ako,” malamig na paalam sa'kin ni Serene. Hindi na ako nito hinintay na sumagot pa at tinalikuran na ako. I let out a sigh at hinawakan siya sa kanyang braso.           "Serene, wag ka naman magalit. Ipapaliwanag ko sayo mamaya."           She nodded her head at lumabas na ng room. *** HINDI na ako pinasama pa ni Celina sa pagtulong kay Sir Derick sa mga ipagagawa niyang pag check ng paper namin. Dahilan nito ay gusto niya daw makabawi sa'kin sa mga kasalanan niya noon. Nagtataka man ay pumayag na lamang ako dahil mukhang pursgido ito na wag na akong patulungin. At isa pa ay talagang pinagtabuyan niya ako papasok ng elevator. Samantalang si Sir Derick naman ay nakakunit lamang ang noo habang kami ay pinagmamasdan.           Abala ako sa pagtipa ng mensahe kay Zach nang tumunog ang elevator. Napaangat ako ng tingin at halos dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang makita kung sino ang pumasok. It was Sebastian. Nakakunot ang noo nito at dumiretso lamang sa pagpasok, tila hindi ako napapansin.           Silence filled us in the elevator. Hanggang sa makarating ako sa ground floor ay walang sumubok na mag salita sa pagitan naming. Naiinis pa din ako sa ginawa niyang paghalik sa'kin. Ngunit may maganda namang naitulong 'yon dahil nagkaayos kami ni Celina. Kung hindi ako pumunta sa powder room ay hindi ko si ito makakausap ng masinsinan. Ngunit kahit na ganun, ay hindi ko pa din matanggap na hinalikan niya ako.           "Miss. Kim." Hinawakan niya ang aking palapulsuhan nang kapwa na kami nasa labas ng building.           "Sir," Malamig na tugon ko at binawi kaagad ang kamay ko. Hangga't maaari ay ayaw kong magpahawak sakanya. Kumukulo ang dugo ko dahil sa inis na nararamdaman ko sakanya.           "Sorry but I won't say sorry about what happened in my office. Kapag nagustuhan ko ang isang bagay ay hindi ko ito pinagsisisihan,” aniya at iniwan akong natutulala.           What the hell? I thought, he's going to apologize. Damn! Napaka-arogante niya talaga. *** "Where's Zachary and Serene...?" My brows furrowed nang makitang si Reed lang ang aking nadatnan sa madalas na table namin dito sa cafeteria. "...and the others?"           "Ouch, Bella Kim." Kumuha ako ng dalawang fries. Isinubo ko ang isa and the other one ay binato ko sa kanya.           "Tinatanong ka kasi ngunit tila wala kang naririnig." I get another fries at sinubo 'yon. Gutom na talaga ako ngunit hindi naman ako mabubusog nito. I want rice for lunch. At isa pa, wala pa si Zachary.           "Kita mong nakain yung tao eh." I eyed him. "Stop staring like that Bella."           "Tao pala ang tingin mo sa sarili mo, berdeng buhok? Akala ko kasi..." Binitin ko sa ere ang huling sasabihin.           "Naman Belle, Isa akong demi god—Ouch."           Binatukan ko, ang yabang eh.           "Anyways, where's Ezekiel           He shrugged. "Hindi ko alam, kasama niya yung nerd kanina. Baka gumagawa ng baby."           Nailuwa ko ang sodang iniinum ko at tumalsik 'yon sa mukha niya.           "You're gross Bella Kim."           "Gago ka kasi, kung anu anong kaberdehan yang pumapasok sa isipan mo. Berde na nga yang buhok mo, pati ba naman utak mo nahawa na?"           "Oh, ba't namumula ka? Baka ginawa n'yo na ni Zachary?" Tudyo niya.           Pinaikot ko ang aking mata dahil sa naging turan niya. Akmang mag-sasalita ako nang unahan ako ng bagong dating na si Zachary.           "Alin ang ginawa na namin?"             Nangunot ang aking noo nang mapansing tila naliligo ito sa pawis. Namumula din ang kanyang leeg.           Umupo ito sa tabi ko at hinalikan ako sa aking pisngi. "Hi honey,” aniya.           "What happened to you? Saan ka galing at pawis na pawis ka?" I asked him, ignoring his question awhile ago.           "Basketball," simpleng aniya at hinawakan ang kanang kamay ko. Pinagsiklop niya ang aming daliri. Hindi na ako naimik sa sinabi niya. Bagkus ay nanahimik na lamang ako at hindi nag protesta pa sa sagot niya, kahit na alam kong mamayang hapon pa ang practice game nila.           "How about your neck? Ba't namumula?"           "Ezekiel did this. Nagkapikunan kami kanina during practice."           Muling nangunot ang noo ko. Hindi tumutugma ang mga sinasabi niya sa naunang pahayag ni Reed. My gaze averted to Reed. Kinunutan ko siya ng noo, tila nagtatanong. Ngunit ang huli ay nagkibit balikat lamang.           "Hi guys!"           Ang pagkakakunot ng aking noo ay hindi na naalis nang dumating si Serene. Maayos ang kanyang itsura ngunit hindi matatanggi na tila pagod ito.           "What happened to you Serene? Tumakbo ba kayo nitong si Zachary sa field at pareho kayong pinagpapawisan?"           "Ha? Ah w-wala to. Hindi kami magkasama ni Zach kanina. Bakit naman kami magsasama?" Tumawa ito ng pilit at iniiwas ang paningin sa'kin. Nalipat sa gawi ni Zach ang paningin ko. Nakatingin ito kay Serene at tila sila nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.           Ang tensyon na nagsisimulang maramdaman ko sa aking sistema ay bigla na lamang naglaho nang maagaw ni Reed ang atensyon ko. Nilingon ko ito at nakatayo na ito. Ang parehong kamay ay nakalagay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.           Sumipol ito at nakangising nagpaalam sa'min. "I have to go. Kaylangan kong magpalamig dahil umiinit ang paligid."           Dumagundong ng kaba ang aking dibdib. Wala man siyang ibig pakasabihin alam kong may ibig siyang pakahuluganan dito.           "Lets take our order, my treat," ani Zach nang makabawi mula sa pag-alis ni Reed. *** Natapos ang klase na hindi pa rin ako kinakausap ni Serene. Pakiramdam ko ay nagtatampo pa rin siya dahil nagkaayos na kami ng kakambal niya. Magkaiba ang klase namin ni Celina ngayong hapon. Hindi ko na din ito nakausap pa, mula kanina.           Mag-gagabi na ngunit nandidito pa ako at naghihintay kay Zachary. May usapan kami na lalabas kami ngayong dalawa. He's taking me out for dinner tonight. Ngunit nakakailang padala na ako ng mensahe sakanya ay hindi pa rin niya ito sinasagot. Muli akong nagtipa ng mensahe nang maramdaman ko ang pagtabi sa'kin ng kung sino.           "Aren't you going home, yet?"           "Hinihintay ko si Zachary." Muli kong binalik ang atensyon sa cellphone ko at pinagpatuloy ang pagtipa. Medyo naiinip na din kasi ako dahil ang usapan namin ay alas sais kami lalabas, ngunit lumipas na ang kalahating oras ay wala pa rin akong nakukuhang tugon mula sa kanya.           "Dump him."           Nabitin sa ere ang kamay kong pinangtitipa ko. Nagpanting ang aking teynga sa narinig. Kumuyom ang kamao ko at nanggagalaiting nilingon ito. Anong karapatan niyang utusan ako matapos niya akong halikan kanina?           "Mawalang galang na po, Mister Park. Pero tama ba ang nadinig ko? Gusto mong hiwalayan ko si Zach?" Pilit kong kinokontrol ang sarili ko upang hindi siya masigawan. This guy is really getting on my nerves. Kanina ko lamang siya nakilala ngunit kung anu anong bagay na ang ginawa niya sa'kin. At hindi 'yon maganda.           "Yes," walang pag-aalinlangang saad niya habang nakatuon ang paningin sa malawak na soccer field.           "Why would I? You know what Sir, I respect you because you're my boyfriend's brother. Pero sana naman, respituhin mo din ang relasyon naming dalawa .Only the two of us can make a decision kung maghihiwalay kami o hindi." Maiintindihan ko kung hindi niya ako gusto sa kapatid niya pero hindi tama na pangunahan niya kami sa magiging desisyon namin.           "But the question is, mahal ka nga ba talaga niya?" Nawalan ako ng imik. Alam ko sa aking sarili na mahal ako ni Zachary. Ngunit bakit nang si Sebastian ang magtanong, ay nagkaroon ng pagdududa sa 'kin?           Tinanaw ko na lamang ang papalayong pigura ni Mister Park at napapabuntong hiningang muling nagtipa ng mensahe para kay Zachary.           Uwii na ako. I composed the message at dumiretso na sa parking lot. I felt a little dissapointment with Zach, pero dahil sa mahal ko siya. Iintindihin ko na lang.           Nang makarating sa condo ay sumalampak ako sa sofa. Marahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na nagmumula sa alarm ng cellphone ko. Napangiti ako sa nabasa ko. It's a reminder that, today is our 2nd anniversary. Nagtungo ako sa bathroom at naligo. Matapos kong mag-ayos, nagtungo ako sa grocery para mamili ng mga kakailangin ko. Hindi muna ako papasok sa araw na'to dahil paghahandaan ko ang anniversary naming.           Bagaman, nagtatampo pa rin ako dahil mula pa kagabi ay wala akong nakuhang mensahe mula sakanya. Pasado alas kwatro na ako natapos sa pagbake dahil sa mga palpak ang mga naunang nagawa ko. Muli akong naligo at nagpaganda para sa pagkikita namin ni Zachary.           Nang marating ang PIS ay agad akong nagtungo sa gym dahil practice game nila ngayon. Naabutan kong lahat ng miyembro ng team ay naririto maliban kay Zachary. Lihim akong napangiti. Nagtungo ako sa locker room dahil alam kong doon ko lang siya makikita. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok nang makarinig ako ng kakaibang ingay. Dala na din ng kyuryusidad ay tinggnan ko ito. At halos manghina ako sa aking nakita.           "Mga hayop kayo!" Binato ko sa kanila ang hawak ko at sinugod si Celina not minding that they're half naked. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang wala nang tigil sa pag-agos mula sa mata ko.           "f**k! Bella?" Gulat na ani Zach at dali daling sinuot ang kanyang jersey shirts. Lumapit ito sa'kin at akmang hahawakan ako nang pumiglas ako at sinampal siya.           "Dont touch me Zachary, ang kati n'yo. Nandidiri ako sa inyo." Hinila ko ang buhok ni Celina at pinatayo ito. Nanginginig na ang buong katawan ko sa sakit at galit na nararamdaman ko. Gusto kong tumawa. Kadalasang mga ganitong eksena ay sa libro ko lamang nababasa. Hindi ko akalaing pati sa'kin ay mangyayari din 'to.           "Dont you dare cry, Celina! Tangina mo, anong karapatan mo umiyak?" Hindi ko inaasahan na ganitong eksena ang matutunghayan ko. Hindi nga ako nagkamali. May surprsesa sa'kin si Zach. Napakasakit na surpresa.           "Ta-tama na Bella. Masakit."           "Masakit?! Huh! Damn you! Ang sabi ko, 'wag kang iiyak! Punasan mo yang luha mo o ingungudngod kita sa semento!"            Patuloy pa rin ang pag-saway ni Zach ngunit hindi ko ito inintindi. Gulong gulo na ang isipan ko. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang gantihan itong si Celina.           "Ako lang ang dapat na umiyak dito Celina. Napakalandi mo. Ang kati kati mo." Ang buong akala ko ay nagbago na siya. Akala ko ay bumalik na sa dati ang pagkakaibigan namin, hindi ko naman inaasahan na aahasin niya ako sa pamamagitan ni Zachary.           "You're a slut Celina." Tama si Serene. Sana pala hindi ako nakinig sayo. Sana hindi ako muling nagtiwala sayo.           Nang makuntento sa pananakit na ginawa ko, ay iniwan ko na sila doon. Nakasalubong ko si Reed at Daniel ngunit hindi ko na ito nagawang pansinin. Bago pa ako tuluyang makalabas ng gym ay hinabol ako ni Zachary at niyakap ako mula sa likuran.           Parang dinudurog ang aking puso sa paghikbi niya. "Im sorry Honey. Let me explain please. I love you." nanghihinang inalis ko ang braso niyang nakapulupot sa'kin. Galit ako, ngunit hindi ko matatanggi na mahal ko talaga siya.           Pinunasan ko ang kanyang luha. "K-kahit wag na Zachry. I--I understand that Celina just seduced you kung bakit mo nagawa 'yon. P-pasensya kana kung hindi pa ako handing ibigay sayo ang sarili ko." Napakasakit lang at hindi niya ako kayang hintayin. Nagawa niyang pumatol sa iba, at ang masama, kay Celina pa.  *** Natagpuan ko ang aking sarili na umuupo isa sa mga bar stool habang umiiyak. "Give me tequila."           Nakakailang shot na din ako ng tequila at umiikot na ang paningin ko. Ngunit gusto ko pang uminom kahit pansamantala para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang muling maalala ang mga eksenang natunghayan ko kanina. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Gusto kong manghinayang dahil hindi pa man nagtatagal nang magkaayos kami ni Celina, heto at nagkasira na naman. Gusto ko ding saktan maging ang sarili ko dahil sa kabila ng galit sa loob loob ko, hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko si Zachary. I love him so much.           "Let's go, you're drunk,” ani baritonong boses sa tabi ko. Napahalakhak ako nang mapagsino ito.           "Sebastian, what are you doing here?" ngiting tanong ko sa kanya. Umusod ito papalapit sa'kin at pinunasan ang mga luha ko. Hinaplos niya pa maging ang pisngi ko.           "Watching you."           Muli akong napahalakhak nang suklayin niya ang ngayo'y magulo ko ng buhok.                     "Let's go, lasing ka na."           "Hindi ah!" Iwinagayway ko ang aking kamay sakanya at tumawa. Natutuwa akong makita ang maya-mayang pagkunot ng kanyang noo. Nakakatuwang pagmasdan ang pagsusungit niya. "Saan mo ako dadalhin?" Hinila niya ako at napadpad kami sa ikalawang palapag ng bar. At kung hindi ako nagkakamali, VIP room ang pinasukan naming dalawa.           "Lubayan mo nga ako! Ibalik mo ako sa baba,” ani ko, ngunit taliwas sa gusto kong mangyari, pabalya akong naupo sa couch at ipinikit ang talukap ng aking mata.           "What do you want to drink?"           Iwinasiwas ko ang aking kamay. Tama na ang mga nainom ko sa baba. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo.           "Why are you here in my bar and drinking alone? Where are your friends?"           I sighed. "I caught your brother. He's with Celina and they're making out. That's why, I am here. Gusto kong makalimot kahit papaano." Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Kahit pala anong gawin kong pag inom ay hindi pa rin mawawala ang sakit. Imbes ay nakadagdag pa sa sakit ng ulo ang pag inom ko.           "Celina Hyun?"           Iminulat ko ang aking mata at naabutan ko ang pagkunot niya. Tumango ako at pilit na ngumiti. Napamura si Sebastian at may sinabi ngunit hindi ko maintindihan.           "Hush now."           Pinagmasdan ko ang panyong ipinangpunas niya sa aking luha. Sana kaya ng panyo niya tanggalin ang sakit na nararamdaman ko.            "Dump him."           Inangat ko ang aking paningin mula sa panyo patungo sa kanya.           Ito ang pangalawang beses na sinabihan niya ako na iwan si Zachary. Kung nasa ibang sitwasyon lamang kami ay marahil nasampal ko na siya. Ngunit hindi ko magawa. Nagkakaroon ng sasyay ang gusto niya.           "I-I can't. Mahal ko siya. Mahal ko si Zachary." I averted my gaze nang magtama ang aming paningin.           Umiling siya sa naging sagot ko. "Pero hindi ka n'ya mahal. At 'yon ang totoo."           "No! Mahal ako ni Zach. Mahal niya ako." Pagpupumilit ko sak anya.           Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sakanya. He stared at my eyes. "Ngunit 'yon ang totoo, Chandria. Accept it. Yes its hurt, but accept it." He emphasize the last word he said.           "A-ano bang alam mo? May mga alam kaba na dapat mong sabihin sa kin?" Bumuntong hininga siya at nilingon ang mga taong nagsasaya sa baba.           "Believe me Chandria, mas madami pa sa dagat ng tao sa labas ang nakikita mo, na alam ko." Kung ganoon totoo nga? Hindi ako minahal ni Zachary?           "Pero hindi kami tatagal ng dalawang taon kung hindi niya ako minahal." Pumiyok ako. Muli kong naramdaman ang sakit.           "You are just blinded by the thought that Zachary loves you. Wake up Chandria, before it's too late." Paano ako gigising kung hindi ko alam kung paano? Paano ko siya papaniwalaan kung gayong mahal ko si Zachary?           Silence filled us. May kung ano siyang ginalaw sa telepono niya at maya-maya ay tumutunog na ito.            "Let's dance."           Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa'kin. Inilagay ko ang mga kamay sa kanyang balikat. Siya naman ay humawak sa bewang ko. As the music goes, our hips moves in a slow romantic dance.            Every time our eyes meet, this feeling inside me           Is almost more than I can take           Baby when you touch me           I can feel how much you love me.           And it just blows me away           I've never been this close to anyone or anything           I can hear your thoughts           I can see your dreams.           Nagtama ang aming paningin. Hindi ko alam ngunit naging komportble na lamang ako sakanya.           "Everytime our eyes meet, this feeling inside me. Is almost more than I can take." He smiled at me. I smiled back. Hindi natitinag ang titigan naming dalawa.           "This songs very familiar to me,” saad ko sa aking sarili.           Tumango siya. "You should."           Bagaman, hindi ko maintindihan ang ibig niyang pakasabihin, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.           I don't know how you do what you do, Im so in love with you           It just keeps getting better           I wanna spend the rest of my life           With you by my side forever and ever, every little thing that you do           Baby I'm amazed by you.           Iminulat ko ang aking mata nang kapwa namin awitin ang lyriko. Kita ko pa ang pagkislap ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung dahil iyon sa ilaw o luha ang aking nakita.           The smell of your skin,           The taste of your kiss           The way you whisper in the dark           Your hair all around me           Baby you surround me.           You touch every place in my heart           Oh it feels like the first time every time           I wanna spend the whole night in your arms.           Kinanta niya ang mga lyriko nang hindi inaalis ang titig sa'kin. At sa mga sandaling ito, nakumpirma ko na luha nga anglumalabas sakanyang mga mata. Ngunit madilim dito sa loob at hindi iyon basta-basta mapapansin.   Gustuhin ko man magtanong dala ng kyuryusidad ay hindi ko na ginawa. Hindi ko na tinanong pa ang dahilan ng pag luha niya.           Every little thing that you do           I'm so in love with you           It just keeps getting better.           I wanna spend the rest of my           With you by my side           Forever and ever.           At sa huling pagkakataon, muli naming kinanta ang lyriko ng kanta. Lalo akong naguluhan. Bakit alam ko ang kantang 'to? Hindi ko namalayan, na maging ang mga luha ko ay unti-unti na ding umaalpas.           Every little thing that you do           Oh, yeah every little thing that you do           Baby I'm amaze by you.           "Hayaan mo akong burahin ang sakit na nararamdaman mo,” paos na aniya.           Dahan dahan akong tumango at nagpadala sa mga halik niya. Tinugon ko ang halik ng buong puso, walang pag aalinlangan. Ibang iba ito sa halik ni Zachary. Ramdam ko ang pagmamahal sa pamamagitan ng halik na ginagawad niya sa'kin ngayon. Ngunit, bakit ganito? Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko. Pamilyar. Napaka pamilyar ng pag-halik niya. Pakiramdam ko ay matagal ng kilala ng labi ko ang labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD