CHAPTER 1- Labi

3341 Words
"HALIKA na, Belle,” ani Serene sa mahinang boses dahil sa tensyong nararamdaman niya. Kilala niya ako. Kapag may gumugulo sa’kin ay hindi ako tumitigil hangga’t hindi ko ito nalalaman.          "Teka lang, Serene." Pinigilan ko siya sa akmang paghila sa ’kin at hinarap si Mister Park. "Excuse me lang po, Sir." Pinagdiinan ko ang huling sinabi. "Pa-paanong kayo ang professor namin?" Hindi lang ako makapaniwala dahil kung titingnan, ay tila hindi nagkakalayo ang agwat ng edad namin sa isa’t isa. I’m nineteen at sa tingin ko ay isa o dalawang taon lang ang tanda niya sa’kin.          Dinig ko ang sarkasmong tawa ni Celina. Kakambal ito ng kaibigan kong si Serene ngunit napakalayo ng ugali nila sa isa’t isa. Hindi rin sila magkasundo na dalawa. Hinayaan ko si Celina. Hindi ko pinansin ang pang uyam niyang tawa.          "Belle, tama na ‘yan," Muling pahayag ni Serene, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko ito inintindi. Umangat ang sulok ng labi ni Mister Park at akmang may sasabihin nang bumukas ang pinto at iniluwa ang Dean namin.           "Good morning, Sebastian," Dean greeted and bowed his head to him.            My forehead creased. Seriously? Anong meron at ganun na lang igalang ni Dean itong si Sebastian? Normal na tao lang naman siya, hindi presidente ng bansa at mas lalong hindi prinsipe. Hindi porque para siyang Greek god na ipinadala dito galing sa Mt. Olympus ay bibigyan siya ng special treatment. That's unfair. And wait, why am I complementing him anyway? I mentally shook my head with that thought. Naiinis ako sakanya pero hindi din mapigilan ng isip ko na puriin siya.          Sebastian just nodded to Dean. His long fingers were tapping on the table habang hinihintay pa ang susunod na sasabihin nito. "Good morning students," saad ni Dean at inilibot ang paningin sa loob ng math room. Kumunot ang noo niya nang makita akong nakatayo. "Miss.Kim, you're late again? Maupo ka na."          Tumango ako at naupo. Hindi na ako nagprotesta pa sa sinabi ni lolo. Alam naman niya kung bakit nahuli ako ng pasok ngayong araw. Pinuntahan niya ako kagabi sa condo at may pinagawa siyang presentation sa’kin. Hindi naman ako makatanggi dahil lolo ko siya at bukod doon ay malakas siya sa’kin. Kaya ang naging resulta ay madaling araw na akong nakatulog.            "Ba’t ka late?” ani Serene. Sumenyas ako na mamaya ko sasabihin.            Ilang minutong nag usap si Lolo at Sebastian. Nag paalam din kaagad ito dahil may mahalaga pa itong meeting. Si Sebastian naman ay bumalik sa pag-papakilala sa sarili niya. Napairap ako nang magtaas ng kamay si Celina.            "Your age sir?" she asked in a sweet voice while batting her fake long eyelashes. Napairap ako sa pangalawang beses. I knew it. He’s flirting with Mister Park. Pinaningkitan niya ako ng mata nang makitang umaarte akong tila nasusuka. Ang kanang kamay ko ay nasa bibig at ang isa pa ay nasa aking t’yan.           "What's with my age Miss. Hyun?" nakataas kila na ani Sebastian. He even crossed his arm and lean on the table. Katulad ng ginawa ko, ay inirapan ako ni Celina bago muling itinuon ang atensyon kay Sebastian.            "Gusto ko lang po malaman. I mean, you looked young. Hindi masasabing professor ka." Naiinis man kay Celina, sangayon ako sa tanong niya. Kahit ako ay hindi inaasahan na siya ang propesor namin.          "Gusto mong malaman?" Sebastian said then averted his gaze on me. I arched my brow. What’s with him? Hindi ako ang nagtanong. Bakit sa’kin siya nakatingin?         Celina nodded. "I'm seven years, older than you Miss. Hyun."        "You're twenty six sir?" Shocked was written on Celina's face. Nagbilang pa siya gamit ang kanyang daliri. Maging ako ay nagulat din. Hindi ko inaasahan ‘yon. Katulad ni Celina ay desenwebe anyos din ako.         "Ahuh,” tila bagot nang saad niya. Sumulyap pa siya sa wristwatch niya at umiling.         "How about girlfriend Sir?" Muling hirit niya. Tila hindi makuntento sa unang naging tanong.           Hindi ko alam pero Celina caught my attention. Napaayos ako ng upo. Ngunit bakit naman ako magiging interesado?  Kinakain lang ako ng kyuryusidad ko. Yon lang yon.           Nagpalipat lipat ang aking paningin kay Celina at Sebastian nang lumipas ang segundo at naging minute ngunit hindi pa rin ito sinasagot ni Mister Park. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamatagal na minutong naranasan ko sa tanang buhay ko.         Sebastian's forehead creased. "I think that's an inappropriate question Miss. Hyun." Ang mapaglarong ngiti na umuukit sa labi ni Sebastian ay naglaho na. "It’s too personal." Napapahiyang bumalik sa pagkakaupo si Celina. Tila binuhusan ito ng malamig na tubig dahil mahimasmasan siya sa mga tanong niya.           Napailing ako. Madalas man akong naiinis kay Celina, hindi ko maiwasang maawa sakanya. Hindi pa rin tama na ipahiya siya ni Sebastian sa harap ng madaming tao. Gusto kong kumprontahin si Sebastian. Kung bakit nasabi niya ang mga bagay na ‘yon. Maaari naman niya itong sagutin sa maayos na paraan ngunit mas pinili niya pa din na ipahiya ito. Ngunit sa tingin ko ay hindi din tama na komprontain ko siya dahil bukod siya ang professor naming, pinili na din ni Celina’ng manahimik.            "Get your books student." Wala sa sariling kinuha ko ang libro mula sa bag ko. Nakatuon ang paningin ko dito ngunit ang laman ng libro ay hindi makapasok sa isipan ko. Lumilipad ang isipan ko at kung saan saan napupunta.          "This objects or ideas are called elements which are distinc--Miss. Kim, are you listening?" Gulat ang rumehistro sa’kin nang biglang ipukpok ni Mister Park ang kamay niya sa aking desk.           "S-sir.”           "I said, are you listening?" masungit na tanong niya.           "Y-yes sir." Oh my God. Ano bang pinaggagawa ko? Pinapahiya mo ang iyong sarili Bella Kim.           "Really? So what's the topic? Stand up." Nanginginig man ang tuhod ko sa kaba ay pinili kong tumayo. Tiningala ko si Mister Park nang magkaharap na kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pasimpleng sinulyapan ko si Serene. She pointed something on the book.           "Miss. Kim, I’m waiting,” tila bagot nang aniya, while tapping his right foot on the ground.           "U-uh." Naningkit ang mga mata ko nang hindi ko mabasa ng maayos ang nakasulat sa libro. Halos pasalamat ko ang lahat ng santong alam ko nang magawi ang paningin ko sa white boar doon nakasulat ang topic. Lihim akong napangiti, sa kabila ng kabang nararamdaman ko. "Definition and Relationship between Sets, sir."             "Uhuh. Maaari ka bang pumunta sa unahan at magbigay ng illustration na may kaugnayan dito?"             "Sir?" Nag-aalangang saad ko. Lumingon ako kay Serene para humingi ng tulong pero nabigo ako nang ilingan niya ako."P-pero, Mister Park."            "Just give it a try, c'mon."           Paano? Wala nga akong alam.            Pinagpapawisan na ako ng malamig habang tinatahak ko ang daan patungo sa unahan. Nanginginig na din maging ang kamay ko dahil sa kabang nararamdaman. Alam ng diyos, sa kabila ng kaba ko ay minumura ko na din ang salarin nitong nararamdaman ko.             "Miss.Kim.”                 "Sir?"             "You forgot the pen."             "Sorry," Labas sa ilong na saad ko at napaikot ng mata nang hindi niya nakikita. Matagal na nakatitig ako sa whiteboard, walang ideya at hindi alam kung ano ang isusulat. Nanigas ako nang maramdaman ko ang presensya ni Sebastian sa aking likuran.            "Sa susunod, ‘wag mo nang iisipin ang taong nasa harapan mo na." Bulong niya sapat na para kami lang makarinig na dalawa. "See you later at my office Miss.Kim." Ngiti niya at hinaplos ng kamay niya ang kanang pisngi ko. Napapitlag ako sa naging turan niya.           Ngumiti siya sa naging akto ko at muling hinarap ang buong klase. "Class dismissed."          What the hell was that for? Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Na siya ang iniisip ko kanina? Cursed you Sebastian. You’re an arrogant jerk. ***         "Stop it, Belle!" Suway sa’kin ni Serene.           Kanina ko pa pinagbubuntunan ng galit ang pasta’ng inorder ko. At kanina pa din ako sinusuway ni Serene sa ginagawa ko, simula nang pumunta kami dito sa cafeteria. Naiinis talaga ako kay Mister Park. Kumukulo ang dugo ko sa hindi malamang dahilan. Marahil ay sa pagpapahiya niya sa’kin, kaya ko to nararamdaman.           "Excuse me Bella. I have to take this call." Bagot na tumango ako sa kanya nang ipakita ang cellphone niyang kanina pa tumutunog.        "Curse you Sebastian! Curse you!" Gigil na pinagtutusok ko ng tinidor ang pasta.            "Oh, poor pasta."           "Zach." Ang kaninang inis ay biglang naglaho at nagningning ang aking mata nang masulyapan ang lalake sa harapan.            "How are you honey?" Umupo siya sa tabi ko matapos akong halikan sa aking pisngi. "And what's with the face? Kaninang papalapit ako ay nakita kitang nakabusangot" Muli kong naalala si Sebastian. "And who’s Sebastian?"           "My algebra professor. Nakakainis siya, Zach. Ang yabang niya. Ang lakas niya’ng mamahiya." Mula kay Celina at hanggang sa ako. Hindi niya lang ako pinahiya sa buong klase. Pinahiya niya rin ako sa sarili ko dahil sa binulong niya. Inaakala niya, na siya ang iniisip ko kanina.         "Your what?" Kumunot ang noo niya. Hinarap niya din ako sakanya.         "My algebra Professor. Why? Is he your professor too? Naku Zach! Sinasabi ko sayo, ang yabang niya!" I said with a gritted teeth.    "No." he shook his head."What's his name again?"            "Carter Sebastian Park, why?" Nag-aalalangang saad ko at kinuha ang aking maiinom. Nasa kalagitnaan ako ng pag inom nang magsalita ang pamilyar na boses.          "Mind if I join you guys?” Lihim akong napamura. Anong ginagawa niya dito?           Nilingon ko ang buong cafeteria. Madami pa naman vacant table. Bakit dito niya pa naisipan na maki-upo samin ni Zach? Nakita ko pa na kinakawayan ito ni Celina.          "Kuya."           Nailuwa ko ang dapat na iniinom ko dahil sa naging turan ni Zach.           Dinaluhan naman ako nito kaagad at hinaplos ang likod ko. "Are you okay honey?"           Tango lang ang tanging naisagot ko. Napatingin ako kay Sebastian, nakangisi siyang nakatitig sa ‘kin. "K-kuya?" nauutal na tanong ko kay Zach."K-kapatid mo siya?" I crossed my fingers under the table hoping na mali ang iniisip ko.           "Hmm. Nakalimutan kong sabihin sa’yo. Dito na din siya magtuturo."           Si Sebastian? S’ya ‘yong tinutukoy ni Zach na kapatid niya? Bakit nang una pa lang ay hindi ko napagtanto na Park din si Zach? At bakit ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nilang dalawa?         Lupa! Kainin mo na ako! Kung anu ano pa naman ang pinagsasabi ko kanina nang hindi ko pa alam na magkakilala sila at ang masama, magkapatid pa.           "Honey, are you really okay? You look pale." May bahid ng pag-aalala sa’kanyang boses. Marahan kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.             "I’m okay Zach. Excuse me,” Paalam ko sakanya “…sir."I bowed at him at nagtungo sa exit door ng cafeteria.           Hindi ako mapakali. Nahihiya ako kay Zach dahil sa mga pinagsasabi ko kanina. Hindi ko alam kung paano ko siya muling haharapin. You’re so stupid, Bella Kim.           Cliff Zachary Park ang buong pangalan ng aking kasintahan at Carter Sebastian Park sa kapatid niyang mayabang. Tinuktok ko ang sariling noo nang mapagtanto ang lahat.  Si Sebastian ang matagal nang tinutukoy ni Zach na kapatid niya na magpapalakad nitong Park International School. At si Sebastian din ang tinutukoy ni Zach na sa kabila ng maagang edad, nakapagtapos ito ng Bachelors degree sa ibang bansa. ***            “So what’s up? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo. Mabuti na lang naabutan kita,” ani Serene nang maabutan niya akong papalabas ng cafeteria.            "Nakausap mo ba si Zach?" Pinagpagan ko ang bench at naupo. Natatanaw dito mula sa kinauupuan ko ang gymnasium at kitang kitang ng dalawang mata ko, kung paano paglaruan ng mga team mates ni Zachary ang isang babae. Napabuntong hininga ako. Mabuti na lang at hindi nila naiimppluwensyahan si Zach sa pagiging bully nila. They're all handsome, just dont mind the attitude.            "Huh? Ah y-yes."           I stared at Serene. Why is she stuttering? Did I say something wrong?           "Nakita mo rin kung sino yung kasama niya sa cafeteria?"            "May kasama siyang babae?" She shouted.           "Ouch. Dont shout at me Serene Hyun." Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko.            "S-sorry. Sino ang kasama niya?"            "I thought you talked to him? Ba't hindi mo alam kung sino ang kasama niya?" Naguguluhang tiningnan ko si Serene. Nakausap niya, pero hindi niya alam kung sino ang kasama? I shook my head. Muling nalipat ang paningin ko sa mga team mates ni Zach. Tumayo ako upang puntahan sila. Kung hindi ako nagkakamali. Si Reed ang may pasimuno nito.            "Teka Bella, saan ka na naman pupunta?"              "May tuturuan lang ako ng leksyon,” Nanggigigil na saad ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang apihin ang mga babae. Pinatunog ko ang mga daliri ko sa aking kamay at nagmamadaling pinuntahan sina Reed.           "Pero Bella. Sino nga ang kasama ni Zach?"           I heaved a sigh. She seems so interested. Hindi ko pinansin ang huling tanong ni Serene dahil paniguradong hahaba ang usapan. At isa pa, hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto niyang malaman kung sino ang kasama ni Zachary. ***           "Ano na nerd? Get up and kiss me," ani Reed nang makalapit ako sakanila. I eyed them. Reed, Daniel, Ezekiel and Kai. Kulang sila ng tatlo.           "What now nerd? Im waiting. Kiss me baby." Muling pahayag nito at nginuso ang kanyang labi habang ang kanyang mga mata ay nakapikit.             “Baby. Wag ka nang mahiya kay Reed. Halikan mo na lang." Tudyo naman ng isa. Isa ka pa Daniel.             Poor nerd. She looked like a mess. May nagkalat na icing ng cake sa mukha niya at ang suot niyang damit ay may mga dumi na din. She's crying. Mga bakla talaga to. Pati babae, pinapatulan.           "That’s enough," Tumayo si Ezekiel mula sa kinauupuan niya at dinaluhan ang babae. Napangiti ako. Sa kanilang magkakaibigan, s’ya lang at si Zach ang matino. Ang mga natira ay pulos kalokohan ang naiisip. Nilingon ko naman si Kai, at abala lamang ito sakanyang cellphone.           "Stop it Ezekiel, we’re not done with her yet."           Lumapit ako kay Reed. Sapat na upang hindi niya ako mapansin. Hindi pa rin ako nito nakikita kaya malakas ang loob niyang gawin ito. While Ezekiel saw me already. Ngumiti ito sa’kin. Nalipat ang gawi ko mula kay Ezekiel patungo kay Daniel. Tinakasan ito ng kulay sa mukha nang panlakihan ko siya ng mata.            "C'mon Kiel, dont be a—ouch, what the—Belle?" I pinched his right ear.           "What?" Pagsusungit ko kay Reed.           "Let go Belle, it hurts. Ouch."          "No, ikaw na may berdeng buhok ka, hindi ka pa din nagbabago."           "Ouch Belle."           "Hi Belle baby." Kai winked at me. I rolled my eyes at him.          "Kiel, please accompany her. Ikaw muna ang bahala sakanya" Tumango si Ezekiel at tinulungang makatayo ang babae.         "You!" I pointed at Daniel. Hawak pa din ng isa kong kamay ang tenga ni Reed.           "B-belle."           Lumapit ako sakanya nang hindi binibitiwan ang pagkakahawak kay Reed. "How many times do I have to tell you Daniel?" Inihakbang niya ang kanyang paa paatras. "Dont you Dare Daniel."           Agad siyang napatigil.         "Ouch Belle." Napadaing siya nang katulad kay Reed ay piningot ko din siya.           Ang dalawa kong kamay ay nakahawak sa parehong tenga nilang dalawa.           "Kai help us here!" Sigaw niya.         "Subukan mo Kai. Subukan mo!" I said with a threatening voice. Pinanlakihan ko din ito ng mata katulad ng madalas na ginagawa ko sakanila.         "Uh-uh. Sabi ni Prinsesa wag daw." Sumisipol na umalis ito.       "Ilang beses ko pa bang kaylangang ipaalala sayo na wag kang makikisali sa mga kalokohan nitong si Reed?" Baling ko kay Daniel. Nakangiwi ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sakanya.          "Ouch Belle, let go please."          "Shut up Reed, hindi kita kinakausap.           “Hindi naman ako nakikisali Belle, a-aray." diniin ko lalo ang pagkakahawak sa tenga ni Daniel.           "A-anong—ouch."          "Ang sabi ko manahimik ka berdeng buhok. At ikaw Daniel, I saw you kanina. Magsisinungal-."          "Miss Bella Kim."           Nakahinga nang maluwag ang dalawa.         "Yes?" tanong ko sa hindi pamilyar na estudyanteng lumapit sa’kin habang nanatiling hawak ko ang tenga ng dalawa.          "Pinapatawag ka po ni Mister Kim."           Ano naman ang kaylangan sa’kin ni Lolo ngayon?           "Okay, just wait up." Muli kong hinarap ang dalawa. "Maswerte kayo ngayon. Pasalamat kayo  may gagawin pa ako." tinuro turo ko pa ang dalawa kong daliri sa aking mata pabalik sa kanila."Lets go." Iniwan ko doon ang dalawa at nagtungo sa Office ni lolo. ***  Hindi rin naman ako nagtagal sa opisina ni Lolo dahil hininga lang naman niya ang soft copy ng ginawa kong presentation kagabi. Ngayon nga ay patungo ako sa opisina ni Sebastian dahil gusto raw ako nitong makausap. Hindi ko alam ang pag-uusapan naming ngunit nakasisiguro akong may kinalaman ito sa hindi ko pagpasok kanina ng maaga.           Iginala ko ang paningin sa buong seventh floor dahil dito raw ang kanyang opisina. Hindi naman ako nahirapan dahil ang buong floor ay tanging siya lamang ang umuukopa. Hindi na ‘yon katakataka dahil sila naman ang may ari ng buong school. Kinatok ko ang unang pintong nakita ko.           "Sir?" Kumatok ako ngunit walang sumasagot. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat dahil walang sumasagot sa loob o manghihinayang dahil hindi ko siya makita. Ipinilig ko ang naiisip. Ano bang pinagsasabi ko? Kasintahan ko si Zach. Paano kong naiisip ang mga ganoong bagay?          Zach. Ngayon ko lang naalala. Iniwan ko siya kanina sa cafeteria at malaki ang posibilidad na nagkausap sila ni Sebastian. Nabanggit niya kasay sa kapatid niya yung mga sinasabi ko? Oh my God! Baka ‘yon ang dahilan kung bakit gusto niya akong makausap.             “Sir." Muli akong kumatok at nang pihitin ko ang seradura ng pintuan ay hindi naman ito nakalock. Dahan dahan kong itinulak pabukas ang pinto at tumambad sakin ang office ni Sebastian. Nanuot din sa pang amoy ko ang mabini niyang pabango.            Magkahalong itim at puti ang tema ng office ni  Sebastian. Sa kanang bahagi ay nakapwesto ang lamesa na may nakapatong na kung anong papel at iba’t ibang libro na may kinalaman sa mathematics. Sa tabi naman ay ang kanyang desktop computer. Sa kaliwa ay ang kanyang sofa na itim at puti din ang tema.              "Sir?" wala pa ring tugon mula sakanya.             Natuon ang paningin ko sa dulo ng kanang bahagi ng kanyang opisina. May isa pang pinto doon at kung hindi ako nagkakamali. Pinto ‘yon ng bathroom. Nakakarinig ako ng paglagaslas ng tubig.                 "Sir are you the—?" Akmang kakatok ako sa pintuan ng banyo nang kusang bumukas ito. Nabitin din ang dapat na sasabihin ko.                “Miss Kim?”                 Napaamang ako at pinagmasdan ang kanyang ayos ngayon at nang mapagtanto na tanging tuwalya lamang ang kanyang saplot sa katawan ay doon na ako napatili. Pakiramdam ko inugat ako mula sa kinatatayuan ko at hindi ko magalaw ang mga paa ko. Ipinikit ko ang aking mata.               “What are you doing here?”               Aniya malapit sa aking punong tenga. Nawalan ako ng imik at hindi ako makapag-isip ng tama. Nalililo ako sa natunghayan ko kanina. Hindi ako sanay na makakita ng katawan ng isang lalake kahit na kalahati lang.                "Hey,” malambing na aniya.           s**t! Alam kong inaakit niya ako sa pamamgitan ng paos niyang boses. I mentally count up to three at lakas loob ko siyang itinulak sa dibdib ngunit mali ang ginawa ko. Hinuli niya ang kamay ko at idiniin ito sakanyang dibdib. Pilit kong inagaw ang kamay ko ngunit hindi ko magawa.                “L-let go.” Nanginging ang aking boses dahil sa kabang nararamdaman. Ngunit mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko.           Hinila niya ako papalapit sakanya at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Ipinaglapat niya ang aming mga labi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD