Trisha.
I can't help but giggle while staring at the calling card in my hand. Binigay sa akin ito ni Michael bago pa siya makaalis ng bahay ko. At ngayon, andito ako sa tapat ng mansyon na ipinamana sa kanya ng parents niya. Sabi niya sa akin na hanapin o tawagan ko siya kapag may kailangan ako. Kaya minabuti ko nang kunin ang pagkakataong ito para makita siya.
Binigyan ako ng two days leave sa pinagtatrabahuan kong bar dahil sa nangyari. Nagpunta na din ako sa police station para ibigay ang statement ko sa kanila tungkol sa insidente. At ngayon, napagdesisyunan ko nang maghanap ng trabaho. Wala na kong pakialam kong saan basta makaalis na ako sa bar na iyon. Hindi ko na maaatim na magtrabaho pa dun. Nasabihan ko na din ang manager pero pinakiusapan ako na bigyan ko siya ng dalawang linggo at pansamantalang magtrabaho na muna doon. O kahit na hanggang sa may mahanap lang sila na ipapalit sa akin. Pumayag naman ako.
Pinagdarasal ko na sana makahanap ako agad ng trabaho para naman makaalis na agad ako sa bar na iyon. Pumindot ulit ako sa doorbell. Yumuko ako at inangat ang dala kong paper bag at saka ngumiti. Medyo malaki ang nabawas sa sweldo ko para mabili ito pero para naman kay Jann kaya okay lang. Sana nga lang magustuhan niya.
Hindi nagtagal ay lumabas ang kasambahay na nagpupunas pa ng kamay gamit ang apron na suot. Masaya ko itong binati. "Hello po. Andyan po ba si Jann? Ako po si Trisha, kaibigan niya. Binigay niya po itong calling card sa akin. Sabi niya puntahan ko nalang daw yung nakalagay na address dito." Kinuha ko ang calling card sa sling bag at pinakita sa kanya.
Tumanga-tango siya nang makita ang hawak ko. "Ganun ba ma'am? Naku, may lakad ngayon si sir eh. Sana tinawagan nyo ho muna siya."
Ngumiti ulit ako. "Wala po akong cellphone eh. Paalis na po ba siya? Pwede naman po akong bumalik ulit."
"Ay naku, ma'am naghahanda palang naman siya. Sige ho pasok muna kayo." Mabuti nalang mabait ang kasambahay at pinapasok ako agad. Nagpasalamat naman ako sa kanya.
First time kong papasok sa mansyon na ito dahil madalas ay sa condo lang ako nagpupunta ni Jann. Hindi ko nga alam na tumitira na pala siya dito. Andito kaya ang parents niya? Ang alam ko kasi may sarili din silang tirahan pero baka dumadalaw sila dito.
"Thank you po." Sabi ko nang pinagbuksan niya ako ng pinto papasok ng bahay.
"Manang Julie nalang itawag mo sa akin." Natatawa niya pang bilin. May katandaan na si manang Julie. May kasingkitan ang mata at ang kakaunting hibla ng buhok niya ay maputi na. Tingin ko siya ang mayor doma dito. "Sige. Maupo ka muna sa sala. Tatawagin ko si sir Michael sa taas. Gusto mo ba ng juice o makakain?"
Umiling ako. "Sige, ikaw bahala. Maiwan muna kita."
Hindi pa kami nakakakilos nang matanaw namin si Jann na pababa ng hagdan habang abala sa pag-aayos ng necktie niya. Napalunok ako. Nakikita ko palang siya ay nagwawala na ang puso ko. Napangiti ako. Nagtama ang tingin namin pero wala sa amin ang umiwas.
Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mata niya. Bakit ganun? I thought we're okay. Akala ko lang ba? Pero hindi. Maayos na ang pakikitungo niya sa akin nung huli kaming magkita. Pero bakit ngayon, bumalik na naman siya sa dati? Nakatingin na naman ako sa expressionless niyang mga mata. Tulad ng una kaming magkita.
"Oh andyan na pala si sir Michael. Pinapasok ko na ang kaibigan mo at gusto kang makausap." Mukhang close sila ni Jann, pansin ko iyon kung paano siya kausapin ni manang Julie. Wala siyang imik nang bumaba siya. Tumingin siya kay manang Julie at ako nakatuon pa rin sa kanya. Wala siyang balak na pansinin ako. I can feel his cold treatment. At unti-unting nawawasak ang puso ko sa isiping iyon.
"Nakalimutan niyo ba ang bilin ko na wag magpapapasok ng kung sino-sino?" Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
Tinapik siya sa balikat ni manang. "Ano ka ba iho? Ngayon ka pa nagkakaganyan. Kita mo naman mukhang may regalo pa sa iyo si Trisha." Sasagutin pa sana siya ni Jann nang biglang napatalon si manang. "Naku! Yung niluluto ko pala. O siya maiwan ko muna kayo at nang makapag-usap kayo. Ayusin niyo yang away niyo. Mga bata talaga." Mabilis itong naglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Huminga nang malalim si Jann at naglakad sa living room. He is literally ignoring me. "Will you stop staring at me!?" He turns around and glares at me. He hisses but I set aside his tantrum. Nang mapansin niyang hindi ako natinag ay padabog ito at nagpatuloy sa paglalakad sa sala.
Kinuha niya ang touch screen na phone na nakalapag sa mesa. "Hello?" Ganun ba siya kabadtrip ngayong araw? Kahit yung kausap niya tinataasan niya ng boses. "Tumawag na ba ang agency? Nakahanap na ba sila ng personal maid para sa akin? Anong wala pa!? Anong klaseng secretary ka ba? I told you I need a personal maid! Ang simple nalang ng trabaho mo hindi mo magawa?"
I step closer to him. "Jann!" Napahinto siya sa pagsesermon at humarap sa akin. His expression is rigid with his jaw clenching in anger. "Naghahanap ka ng personal maid? P-pwede ako!" I stated cheerfully raising my hand.
Humigpit ang hawak niya sa phone. Gumilid muna siya bago magsalita. "You better call that agency and give me an update." Mahina pero ma-awtoridad niyang saad bago i-end ang call at ipasok sa bulsa ang phone niya.
Humarap siya sa akin. He keeps his chin up claiming for authority. "What do you want?" I gulp.
Tinaas ko ang kamay na nakahawak sa paper bag. Yumuko na ako para iwasan ang titig niya. "Gusto ko sanang magpasalamat sa ginawa mo nung nakaraang araw. Sana magustuhan mo ito." Tss. Yun lang ang narinig ko bago niya kunin ang hawak kong paper bag. May panunuya sa boses niya. Parang basura na tinapon niya iyon sa sofa at hindi ko mapigilan ang masaktan sa ginawa niya. Kahit papaano ay pinaghirapan ko iyon para sa kanya.
"Babe! Omg, you're here! Sorry I barged in. Ang tagal kasi ng maid mo e." Nagulat ako sa babaeng kumaripas ng takbo papunta kay Jann at niyakap ito sabay hinalikan sa labi nang matagal. Nanginginig ang kamay ko. Hindi man lang nila naisip na may tao sa harap nila. Hindi din umiwas si Jann sa paghalik sa kanya. Ilang segundo pa ay naghiwalay din sila.
"Hintayin mo na ako sa labas Regine. May kausap pa ako." Mahina nitong tinutulak sa likod ang babae para umalis. Napatingin ako sa babae na nakasimangot na ngayon. Blonde ang buhok niya, sexy, matangkad-- to think na naka-heels pa siya dahilan para mas tumaas ang height niya. Pinagmasdan ko din ang suot niya na halos lumabas na ang kaluluwa niya sa iksi nito pero maganda pa rin tingnan.
Hindi ko maiwasang yumuko para tingnan ang sarili. Naka-tsinelas pa ako dahil sa sobrang excited na akong makita si Jann, nakalimutan kong magsuot ng sapatos. Hinila ko ang laylayan ng suot na t-shirt. Wala naman kasi akong ibang damit na maayos. Naka-pedal din ako na kupas na ang kulay. Mapait akong napangiti habang nagsi-self-pity.
"Regine!? Angeline ang pangalan ko! I hate you! Hmp!" Tumutunog pa ang takong nito habang padabog na umalis at binalibag ang pinto. Napalingon ako sa gawi ng pinto.
"Kaya ka nandito kasi naghahanap ka ng trabaho? Kasi kelangan mo ng pera? Magkano bang kelangan mo?" Nagulat ako sa sunod-sunod na tanong niya at unti-unti ko siyang hinarap.
"O-oo kelangan ko ng pera pero gusto ko naman iyong paghirapan. Diba sabi mo kelangan mo ng personal maid? Gusto kong mag-aplay!" Nakangiti kong sambit habang nilalaro ang laylayan ng damit ko habang ang isang kamay ko ay mahigpit na nakahawak sa strap ng bag ko.
Napalunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. At saka nagpatuloy sa pagsasalita. Tiningnan ko siya sa mata. "Maalam ako sa mga gawaing-bahay. Mag-isa nalang ako sa buhay kaya ako ang gumagawa ng lahat. K-kaya wala kang ipag-aalala. Maaalagaan kita nang mabuti."
Tama. Ito nalang ang pwede kong gawin para kay Jann. Kahit pagsilbihan ko nalang siya, mapapanatag na ako. Yun lang naman ang kaya kong gawin dahil hindi na ako ang Kristin na minahal niya noon.
Umiwas siya ng tingin at kinuha ang car keys na nasa mesa. "I'll think about it. I will give you a call." He looks straight into my eyes. "But don't expect anything." He did not bother hearing my answer and leaves me instead.
Napayuko ako. Wala naman siyang paraan para matawagan ako. I think he is aware about the fact that I have no phone. I sigh dishearteningly. Then, I guess it's a no.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang lumabas ako. Wala na ang kotse niya nang makalabas ako ng pinto. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Ano na Kristin? Ang helpless mo talaga. Hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip na ideya para mapalapit kay Jann lalo na kung siya mismo ang nagtataboy sa akin. Akala ko... akala ko talaga, bumalik na siya sa dati. Pero sino bang niloloko ko? Ito na ang Jann ngayon. I just have to accept that fact.
5 days later.
Nawili ako sa pagtatrabaho sa bar. Tutal dalawang linggo nalang naman ako dito, titiisin ko nalang. Pag nakuha ko na ang huling sahod ko saka ako maghahanap ng trabaho. Bahala na. Sa tanghali naman, minabuti kong maghanap ng papasukan. I am too desperate na umabot na sa puntong kahit magbuhat pa ako ng mabibigat tatanggapin ko. Makalayo lang ako sa lugar na ito. Bumibisita din ako kay mie at masaya akong tuwang-tuwa siya sa tuwing nagpupunta ako dun. Kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakasama ang nanay.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa lalaking nasa tapat na table mula sa kinatatayuan ko. I can't help but sigh. Ilang beses niya na ba akong hindi pinansin mula nang magpunta ako sa mansyon niya? Ilang beses ba siyang nagbulag-bulagan na parang hindi niya ako nakikita? Hindi nga nagkakatagpo ang aming mga mata. Hindi niya alam nasasaktan niya na ako ng sobra. At ilang beses ko na ba siyang nakitang nakikipaglampungan sa kung sino-sinong babae? Tapos aalis siya ng bar na lasing na lasing.
Jann, what will I ever do to you? But I won't give up.
"Trisha," tawag sa akin ng manager na nakatayo ngayon malapit sa counter. Agad ko naman siyang nilapitan. "Nakikita mo ba yung table na yun? Pumunta ka dun. I-entertain mo yung customer." Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya.
"H-ho? Pero boss waitress po ako dito. Bakit hindi po yung mga babae dito na gumagawa niyan ang papuntahin nyo dun?" Hinawakan niya ako sa braso na may halong pagbabanta.
"Malaki ang tip na binigay ng customer Trisha. At ikaw ang gusto. Dadagdagan ko ang huling sweldo mo. At isa pa, ti-table ka lang naman dun at kakausapin ang customer. Dali na. Sakit ka talaga sa ulo!" Pagdidiin niya at pahampas na binitawan ang braso ko.
Involuntary servitude. Do people here even know anything about the law? Nakasaad iyon sa batas. Walang may karapatan ipilit sa tao ang ayaw nilang gawin. Napangiti ako nang mapait. Pero ano ngayon itong ginagawa ko?
Hinihimas ko pa ang braso habang palapit sa table na itinuro ng manager. Imbes na kabahan ay parang nabuhayan ako ng loob. It's Alex! Yung katrabaho ko noon sa kompanyang pinapasukan ko! Sa wakas may makakasalamuha ako sa isa sa mga kakilala ko noon. "Alex!" Nakangiting bati ko sa kanya. Mag-isa lang siya at nakayuko ito habang nilalaro ang hawak na baso.
Tumingala siya nang tawagin ko siya at saka ngumiti pero agad niya din itong binawi. "How did you know my name?" My smile slowly vanishes. Nakalimutan ko ang parteng iyon! Hindi pala si Kristin na former colleague niya ang kaharap niya ngayon!
"U-uhm, sinabi sa akin ni boss n-na Alex ang name mo." Lumingon pa ako at tinuro ang manager. Magkasalubong pa rin ang kilay niya nang bumaling ulit ako sa kanya.
"Hindi ko maalalang nabanggit ko ang pangalan ko sa kanya. But anyway, it doesn't matter. Please have a sit. What is your name? Sana okay lang itanong." Ngumiti ito nang malapad. May pagka-playboy talagang tingnan itong si Alex pero mabuti nalang at kilala ko siya. Kung hindi baka natakot na ako sa kanya.
Nginitian ko siya pabalik at naupo sa tapat niya. Pagkatapos ay sinagot ko ang tanong. "Want some cocktail? I'll order it for you."
Ni-wave ko ang mga kamay sa kanya. "Okay na sa akin ang juice. Salamat." Tumango ito at tumawag ng waiter. Ang awkward, ako dapat ang gumagawa nun. "Bakit mag-isa ka lang?"
Sumandal ito sa couch at tinungga ang laman ng shot glass. "Nagluluksa ako. It's been almost a year but I just can't move on." Tinaas nito ang braso na nakasandal na ngayon sa inuupuan niya habang nilalaro ang baso. He heaves a sigh. "Yung mahal ko, namatay. I just... can't get over her. She doesn't deserve to die."
Nalungkot ako sa sinabi niya at nakaramdam ng awa. He really looks so pity and broken right now. Pareho pala kami ng taong mahal niya. Bakit kaya wala siyang nakukwento sa akin about sa kanya noon? Tumawa siya nang mapait. "I'm trying to get over her you know. Hindi naman naging kami. May iba siyang gusto." Lumapit siya sa table para mas makaharap ako at tinitigan ako sa mata. "And you... you remind me of her."
Pinandilatan ko siya nang sabihin niya iyon. "A-ako??"
He smirks and smiles bitterly. "Sana hindi ka ma-offend but you really do. Kung okay lang sana sa iyo, samahan mo muna ako dito. I'll pay for your time."
Kinagat ko ang ibabang labi. Wala naman sigurong masama kung tanggapin ko ang offer niya diba? At gusto ko din siyang makamusta kaya pumayag na ako na ikinatuwa naman niya.
So ayun, panay kwento lang siya ng kung ano-ano at sobrang naaliw naman ako kasi parang yung mga buwan na wala ako, nalaman ko kung ano ang mga ganap sa kanya. Medyo stress nga rin daw siya sa work dahil busy season sa kanila at madaming kailangang tapusin. Tawanan lang kami nang tawanan na parang kami lang yung tao. Halos makalimutan ko na ngang nasa bar pala kami nang biglang may humablot sa braso ko.