Chapter Fifteen

1657 Words
Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Jann. Napansin niya siguro sa reaksyon ko na nasasaktan nya ako. Pareho kaming nagulat ni Alex sa ginawa niya. Bakit ba siya nandito? "Jann--" Bago pa  ko matapos sa pagsasalita ay napahinto ako nang tumayo si Alex, taas-noo pa ito na parang nanghahamon. I'm sensing danger right now. "Michael Jann, right? So you're here." He smirks. "Back to your old ways huh?" Napakunot ako ng noo sa huling sinabi nya. Anong ibig niyang sabihin dun? Hindi nagsalita si Jann kaya nilingon ko siya, hindi niya pa rin tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Umigting ang panga niya at diretso lang ang tingin nito kay Alex. Ngumisi ulit si Alex nang wala siyang nakuhang sagot kay Jann. "That girl you're trying to steal from me," he says pointing his finger at me, "is my date for tonight." He looks at me with a teasing smile before facing Jann again. "Come on, Michael. Don't be too greedy. Madami ka nang ka-table." My reflexes just suddenly tell me to stop Jann at tingin ko tama ang naiisip ko dahil biglang humakbang si Jann palapit kay Alex na syang napigilan ko agad.  Bumaba ang tingin ni Jann sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko na nakalapat sa dibdib nya saka ako hinila kung saan. I somehow feel relieved na walang nangyaring gulo at hindi nya na pinatulan si Alex. He lets go of my hand when we finally made our way out, as if my hand is the last thing he wants to get a hold of. “s**t!” Surprised by his sudden outburst, I still tried to contemplate what is going on. I watch him walking back and forth as he brushes his hand on his face. Hindi ko maintindihan ngayon kung ano ang gusto niyang mangyari. And to be honest with myself, I don’t want to deal with him right now. Just for this night. I would rather spend my time talking with Alex than handling this attitude of his. It's too out of the line! Sumusobra na sya. "Ano bang problema mo!?" I burst out. Nanlaki ang mga mata nya sa biglang inasal ko at siyang paghinto nya sa paglalakad nang pabalik-balik. Ako ang nahihilo sa ginagawa nya. Miski ako nagulat sa pagsigaw ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin ngayon. Ang alam ko lang, galit ako at gusto ko nang ilabas ito sa kanya. I look into his eyes. He can't even utter a single word as if he is confused and dazed like he doesn't even have an idea of what exactly he is turning himself into.  I nod at him, "Okay. Kung wala ka namang sasabihin, babalik na ko sa loob, may customer pa ako."  Hindi pa ako nakakalayo nang hawakan nya ang kamay ko dahilan para humarap ulit ako sa kanya. Tinitigan ko sya sa mata pero bigla nya akong iniwasan at nag-iisip kung ano ang dapat sabihin. Being with Jann for a long time, hindi na mahirap sa akin ang basahin ang mga kilos nya. “You want the job, right? As my personal maid? I’m accepting your offer.” He lets go of me and puts his hands in his pocket. “Ano?” Tama ba ang narinig ko? Tinatanggap na nya ko na maid nya? “I’m hiring you. You will start your work tomorrow—“ “May two weeks pa ko sa bar. Pagkatapos nun, saka lang ako magkakapagtrabaho sa’yo.” Napansin kong dumilim ang paningin nya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. “Ako na ang bahala dun. Kakausapin ko ang manager mo. I’ll pay for your remaining salary in this bar basta magreport ka na sa akin bukas mismo, 8 am sa address sa calling card na binigay ko sa’yo. I hope I made that clear.” Nilampasan na niya ako at pumasok sa bar. “Bakit Jann? Anong nagpabago sa isip mo?” Hindi pa siya nakakalayo nang itanong ko iyon sa kanya. I see the side of his face as he turns to me, his body is rigid and firm. “Back to your old ways huh?” For some reason, those words bothered me and it keeps ringing in my ear. “You seem fun, Trisha. I love having fun,” with that he walks away.   You seem fun. Yun ba ang nararamdaman nya kapag may mga kasama siyang babae? Fun? Gusto ko nalang umiyak sa kinatatayuan ko. I wipe my tears. Hindi ko na pala kelangang sabihin yun dahil umiiyak na ako nang di ko namamalayan. ********************* “Dito ang kwarto mo. Andito ka dapat buong weekdays kasi madalas may naiiwan si sir na mga documents na kelangan dalhin sa office. Tapos ikaw na din mag-aasikaso ng mga gamit ni sir bago pumasok. Dapat alam mo lagi ang sched ni sir.” Bilin sa akin ng isa sa mga kasambahay ni Jann habang tino-tour ako sa mansion. “Si Jann—sir Jann nasaan?” “Si sir? Naku, minsan lang yun umuwi dito. Sa condo nya yun umuuwi tapos nagpupunta lang sya dito para asikasuhin ang mansion o di kaya may kukunin para sa trabaho nya. Nasanay na din si sir na sa condo nya lagi umuuwi. Tapos alam mo na. Madaming babae yang si sir.” Napakagat nalang ako ng labi sa huling sinabi nya. “Ganun ba?” “Tumawag lang sya kagabi tapos binilin ka nya sa akin. Sinabi nya din na pumunta ka sa office mamayang 10. Dalhin mo daw yung mga files nya. Inayos ko na yun, kunin mo nalang sa living room. Tapos magdala ka rin ng mushroom soup para sa hangover nya. Ay naku! Magluluto pa nga pala ako. O sige Trisha. Maiwan na muna kita dito. Ikaw na bahalang mag-ayos ng mga gamit mo sa kwarto mo ah?” Tumango lang ako pagkatapos ay umalis na siya. Nag-ikot na muna ako hanggang sa mapadpad ako sa isang kwarto. Ito daw ang kwarto ni Jann sabi ng kasambahay. Bubuksan ko na sana ang pinto para tingnan ang loob, “Trisha iha! Andyan ka lang pala. Dala mo na ba ang mga gamit at damit mo?” Si manang Julie. “Hindi pa ho manang Julie.” Hindi ko alam kung ano ang dapat na itanong. Bukod sa wala naman akong alam sa setup ng pagiging isang kasambahay, hindi pa din ako makapaniwala na mas mapapalapit na ako kay Jann at makakasama ko pa siya sa iisang bahay. Sinabihan ako ni manang na sundan siya sa living room at saka sa kusina para maayos ko na ang kelangang dalhin sa office ni Jann at ang makakain niya sa hangover daw niya. Matapos niyang ilagay sa paper bag ang nakahanda nang soup ay iniabot nya ito sa akin. “Kunting ingat lang at sobrang init niyan. Basta pagkatapos mong dalhin ito kay sir, kunin mo na yung mga gamit mo para maayos mo na yun sa bagong kwarto mo.” “U-uhm, manang Julie, ganun po ba talaga pag maid? Kelangan nakatira sa bahay ng amo nila?” Nagkasalubong ang kilay ni manang Julie sa tanong ko at saka tumawa. “Mukhang first time mong maging kasambahay iha. Depende iyon sa amo. Kami naman, komportable naman si sir Michael na patirahin kami dito sa ilang taon naming paninilbihan sa kanya. Pag weekends naman, yung iba pinapauwi yung iba andito para mayron pa ring mag-asikaso sa mansion, Ikaw, bilang personal maid, eh kelangan talaga andito ka palagi maliban nalang sa mga kukunin mong day off iha.” “Ganun po ba? Manang…” Itatanong ko ba? Baka ma-weirduhan lang siya sa akin pero… bahala na. “Si Jann, may napupusuan na ho ba siya ngayon?” “Julie!” Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Lucy. “Sorry, I barged in without knocking. Can you please call Michael? Gusto ko sana siyang makausap bago pumunta ng hospital.” She walks toward us, her presence is dominating. She’s wearing a white medical scrubs, her hands in the pockets of her tops. I gaze at her amazingly. She just looks perfect in every way. She looks at me and smiles, confusion written all over her face. “Trisha, right? What are you doing here?” Pinadaanan nya ko ng tingin mula ulo hanggang paa dahilan para tingnan ko din ang sarili. Hindi naman nakakainsulto kung paano niya pinagmasdan ang itsura ko ngayon pero na-conscious ako bigla. “Ni-hire sya ni sir Michael na maging personal maid niya ma’am.” Ngumiti lang si Lucy at saka tumango. Ako lang ba? Pero parang hindi siya natutuwa na andito ako ngayon at kaharap niya. Hindi. Napailing ako sa iniisip. Hindi naman siguro ganun, pero alam ko namang mailap si Lucy sa mga tao kaya maiintindihan ko kung hindi niya ako gusto lalo na’t hindi palang matagal mula nang makilala niya ako – bilang si Trisha. “Hindi umuwi dito si sir Michael ma’am. Hindi niyo ho ba tinawagan? Baka nasa office niya na yun ngayon. Pinapapunta niya nga itong si Trisha para dalhin yung mga files sa office.” “Is that so?” She smiles and turns to me. “Bakit di ka na sumabay sa akin? I’ll give you a ride. Tutal dun din naman ang punta ko.” Lost for words, I nod at her. “Great! Let me help you with that.” Kinuha niya ang hawak ko na paper bag kung saan nakalagay ang soup. Naiwan sa akin ang isa pang paper bag na puno ng nakalagay na files. “Let’s go?” “S-sige.” Umalis na si Lucy. Nagpaalam ako kay manang Julie at saka sumunod kay Lucy.     “You really are something, Trisha,” she says calmly before getting into her car. I followed.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD