Michael Jann.
I heave an exasperated sigh and stop my car. Ano ba itong ginagawa ko? I puff, shaking my head in disbelief. Tumingala ako at napako sa dalawang taong magkasabay na naglalakad. Napahawak ako nang mahigpit sa manibela sa lapit ng pagitan nila. Ano bang nangyayari sa akin? I can't be jealous? I just met that girl for God's sake!
There is just... something about her that I can't resist. When I looked in her eyes, I felt something bizarre but familiar. Kung paano siya magsalita, kung paano niya tawagin ang pangalan ko --- Jann... she reminds me of ----
"Damn it!" Dumapo ang kamao ko sa manibela. Nahihibang ka na. I say to myself.
"Dito ako nakatira?" Hindi sila ganoon kalayo kaya narinig ko ang pag-uusap nila. Good thing they did not notice me following them. I don't even know why I am doing this right now. Dinig ko ang tanong ni Trisha (her name tag tells me that's her name) sa Philip na yun. Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi niya ba alam kung saan siya nakatira? Who is in her right state of mind to ask someone where her home is?
"Oo. Dyan nga." Sagot nung Philip at saka nagpamulsa. This urges me to roll my eyes. Lalaki ako. I know when a guy is trying to impress or get the attention of a girl. Well, he is doing it.
"Philip, may ---" nahinto siya at nagdadalawang-isip kung itutuloy niya ba ang tanong. "M-may pamilya ba ako?" Okay this is getting odd.
The guy begins scratching his chin, "Ganoon ba kalala ang amnesia mo Trisha? Ang pagkakaalam ko ulila ka. Wala, mag-isa ka lang. Nakakapagtaka nga, napapaisip tuloy ako baka..." Umigting ang panga ko sa sunod na nakita. Nilapit niya ang mukha at bumulong. "baka anghel ka na hulog ng langit."
They just laugh making my grip tighter to the steering wheel.
Trisha Ann.
Nahampas ko nang mahina si Philip sa balikat sa sinabi niya at saka tumawa. May kalahating katotohanan naman ang mga sinabi niya, na hulog ako ng langit.
"Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Nagulat din ako nang muntikan nang mabangga si Philip ng kotse na humarurot sa gilid namin. "Gago yun ah!" Dinuro niya pa ang kotse at napasabunot sa buhok habang nagmumura. Hindi man lang huminto ang driver at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Teka, kotse yun ni Jann. Hindi ako pwedeng magkamali.
Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng sling bag at tumingin sa bahay sunod kay Philip. "Philip sige pasok na ko sa loob. Thank you," yumuko muna ito, pinapakalma ang sarili. Nang mahimasmasan ay lumapit ito sa akin at tinapik ako sa likod na ikinabigla ko. Hindi ko alam pero nailang ako dahil medyo nagtagal sa likod ko ang kamay niya bago iyon inalis. Ngumisi siya at nakapamulsa na uli. "No problem Trisha. Basta ikaw."
Sinuri ko ang bahay nang makapasok sa loob. Maliit lang ang bahay, at kung titingnan sa labas parang isiningit lang ang mumunting bahay na ito. Liban sa pinagtagpi-tagpi ang yero, mukhang sinadya lang talaga ito para sa isang tao. Pagkapasok ay madadatnan agad ang iisang kama na sa sobrang nipis ng kutson, ramdam ko agad na sasakit ang likod ko sa paghiga. Sa gilid ay isang mesa na apat ang sulok at may silyang kahoy. Nagpatuloy ako sa paglakad at hinawi ang kurtina, bumungad sa akin ang lababo at sa kabilang sulok ay ang poso. May kakaunting ispasyo na natatakpan ng kurtina sa gilid ng poso, ang banyo. Tumingala ako. Walang nakakabit na kahit na anong ilaw o kuryente. Bumuntong-hininga ako. Hindi ako sanay nang ganito pero ano pa nga ba ang magagawa ko?
Bumalik na ako sa kwarto at hinubad ang bag. Sa gilid ng kama ay may cabinet na gawa sa kahoy na kasing-taas lang ng kama. Binuksan ko iyon at nilagay doon ang bag. Hinalungkat ko ang mga gamit sa cabinet at umaasang may makikitang kahit na anong papeles o papel na makapagbibigay ng ideya sa pagkatao ko, pero wala. Wala kahit na ano. Naupo ako sa kama habang pinaypaypay ng kamay ang sarili dahil sa init.
Trisha Ann Fuentes, isang waitress na nakatira sa pinagtagpi-tagping yero at walang kakilalang pamilya. Yun lang ang lahat na nakalap ko. Minsan iniisip ko na baka hiram lang itong katawan na ito pero paano ko yun malalaman kung wala naman akong ibang kamag-anak? Hinubad ko ang sapatos. Isang maling lakad lang ay makasisiguro kong hindi ko na magagamit ang sapatos ko. Hinubad ko na din ang butas na medyas saka humiga at pumikit.
Paano ko gagawin ang misyon ko? Naalala ko agad ang nanay pero mas nanaig ang pagod sa katawan ko. Ni hindi ako nakatulog nang maayos sa condo ni Jann dagdag pa ang maaga kong pag-alis doon.
I am trying to solve the puzzle in my head but I am too tired and frustrated. I don't even know what I am supposed to do with Jann. He has changed... a lot. But deep inside, I pray that the Jann I once knew is still there. I just have to come up with a plan so I can leave this place sooner. There is a sudden pain in the chest of that thought.
Ano nang mangyayari sa akin kapag nagawa ko na ang lahat? Hindi, hindi ko na dapat yun isipin. Hindi ito ang panahon para maging makasarili.
Napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ang pamamasa ng likod ko dahil sa sobrang init. Ilang oras ba kong nakatulog? Wala sa sarili akong napatayo at binuksan ang cabinet sa tabi. Kinuha ko ang bag at naupo sa kama. Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ko nang wala itong ibang laman kundi coin purse na may lamang kakaunting barya. Wala akong makitang cellphone. Sapo-sapo ko ang noo habang ang isang kamay ay nasa dibdib ko habang hila-hila ang damit. Ganito ba ako kahirap? Kahit na orasan ay wala akong makita sa buong bahay.
Kumuha na lamang ako ng damit at tumungo sa banyo para maligo. Mabuti nalang at nagkausap kami ni Philip kanina. Nakwento niya na sa gabi ang shift ko sa bar at natatapos kami ng 5 ng umaga. Monday hanggang friday ang shift ko kaya libre ako sa sabado at linggo. Sa kakaunting sahod, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay. Matapos maligo, nilabhan ko ang sinuot at sinampay sa alambre na nakasabit sa banyo. Sa sobrang init, sigurado akong matutuyo agad ito.
Matapos magbihis, kinuha ko na ang coin purse at lumabas. May karinderya sa tapat kaya dumiretso na ako doon para kumain. Gusto kong maghanap ng trabaho. Papasa naman ako sa interview pero wala akong papeles para patunayan ang kakayahan ko. Walang academic background at kahit na birth certificate o transcript of records ay wala. Walang tatanggap sa akin kahit siguro sa interview ay hindi ako aabot.
Pumara na ako ng jeep. Pagkababa ay natanaw ko agad ang bahay namin. Mie. Kinondisyon ko muna ang sarili bago lumapit sa pinto. Minasahe ko ang kamay at saka kumatok. Niluwa ng pinto ang nanay na nakasuot pa ng apron at may hawak na sandok. Napangiti ako. "Hello po mie ---- tita," kinuha ko ang kamay nya at nagmano. Tulala pa rin siya nang bitawan ko. Nawala agad ang ngiti sa labi ko. "Uhm, narinig ko po ang nangyari kay Kristin. Ako nga po pala si Trisha, kaibigan nya po ako." Nalinawan agad si mie sa sinabi ko at nagtabi ng puwang sa daanan. "Pasok ka iha."
Langhap ko ang bango ng kanyang niluluto at hindi ko maipagkakailang sabik na ulit akong tikman ang mga luto niya. "Kumain ka na ba? Nagluluto ako baka gusto mo akong saluhan?" Lumawak ang ngiti ko sa alok niya at agad na tumango. "Sige iha. Maupo ka muna dyan at matatapos na din ako sa pagluto." Nabuhayan ako na mabilis na nakapagpalagayan ako ng loob ni mie.
Tumayo ako at umakyat ng hagdan. Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin ang kwarto ko. Napatakip ako ng bibig nang makitang malinis at alaga ito. Hindi pa inaalis ng nanay ang mga gamit ko. Kung ano iyon ng andito ako, ganun pa rin ang ayos hanggang ngayon. "Iha? Anong ginagawa mo dyan?" Mabilis na pinahid ko ang namumuong luha at saka siya hinarap na nakangiti. "Sorry po. Nagnilay-nilay po ako." Tumango ito at inilapag ang hawak sa mesa. "Halika na. Kumain na tayo." Hindi ko maiwasang maluha na naman, sobrang namiss ko ito.
Bumaba na ako an naupo habang siya ay kumukuha ng kobyertos. "Ako na po ang kukuha ng tubig," tumayo ako at naglakad sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Nagtataka ang mie nang abutan ko siya pagkarating ko sa hapag-kainan. Alam kong nagtataka siya na alam ko kung nasaan ang ref pero hindi na siya nagtanong.
"Paano mo nakilala ang anak ko?" Tanong nito sa akin habang hinihimay ang isda gamit ang kutsara at tinidor. Bahagya akong yumuko at dali din siyang hinarap. "Kaklase niya po ako noon nang highschool. Outcast po ako noon sa amin at siya lang po ang kumausap sa akin." Kagat ko pa ang labi matapos magsinungaling. Ngumiti lang si mie, "sobrang miss ko na ang anak kong iyon. Palakaibigan talaga iyang si Kristin." Nagpatuloy na siya sa pagkain. "E kayo po kamusta na po kayo?" Nasilay lang ako sa malulungkot niyang mga mata. Mie, kung may paraan lang para masabi kong ako si Kristin.
Ibinaba niya ang kobyertos at hinawakan ang kamay ko nang makita ang pag-alala sa akin na hindi ko magawang isantabi. "Ayos lang ako, Trisha tama ba?" Tumango ako, binaba ko ang hawak na kutsara at saka inilapat sa kamay niya. "Miss ko na si Kristin pero alam kong ayaw niya ding makita akong sobrang nalulungkot," kumawala ang mahihinang hikbi sa bibig niya. Lumunok ako para pigilan ang namumuong luha. "Magpakatatag po kayo para kay Kristin. Alam kong matutuwa po siya na makitang nasa maayos kayong kalagayan." Tumayo ako para yakapin siya mula sa likod.
Halos maggagabi na nang makakaalis ako ng bahay. Sobrang tuwa ni Mie na may bumisita daw sa kanya at sobra siyang naaliw sa akin. Pinangako kong babalik ako sa mga susunod na araw para kamustahin uli siya at hindi siya tumanggi sa sinabi ko.
Pumara na ako ng jeep dahil iyon lang ang kaya ng bulsa ko ngayon. Umuwi muna ako sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Philip na siyang bahay ko daw at nagpalit na ng uniform para makapunta sa bar. Walking distance lang ang bar mula sa bahay kaya hindi ko na ipag-aalala ang pamasahe.
Sinaluhan ko na din sa meryenda si mie kaya hindi ako nakakaramdam ng gutom ngayon. At magutom man ako, wala na kong pera para makabili. Napabuntong-hininga ako sa hirap na pinagdadaanan. Bumaling-baling pa ang ulo ko para maghanap ng salamin. Nang wala makita ay nagkibit-balikat nalang ako na kinuha ang sling bag. Nami-miss ko na din si Jann pero kung pupuntahan ko siya ngayon, siguradong mahuhuli na kong pumasok sa bar dahil sa layo ng lalakarin ko para makarating sa kanya. Not minding, the walking distance of going back.