Michael Jann.
"Tita, kamusta po kayo?" I politely asked her, sadness evident in her face. Tin's mom came all the way to my condo to check on me. I should at the very least greet her.
She smiles weakly. "Okay naman iho pero nami-miss ko pa rin ang anak ko." I stay silent as I put some plates on the table.
Tahimik lang kaming kumakain at paminsan ay tinitingnan ko si tita. Mukhang hindi nga niya inaalagaan ang sarili niya.Tumingala ito at nginitian ako, "Pumayat ka ngayon. Wag mong kakalimutang alagaan ang sarili mo, Michael. Hindi gugustuhin ni Kristin na makita kang ganito." My jaw clenched and did not bother to utter a word. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain, ganun din ang ginawa niya.
"Iho, nag-away ba kayo ni Kristin bago siya..." I grit my teeth but answer her anyway, "Nagkatampuhan lang po tita." Tumango siya at nagpakawala ng malalim na paghinga. "Hindi ko alam kung kailangan mo pang malaman ito pero... nabanggit sa akin ni Kristin na ako lang daw tunay na nagmahal sa kanya. Naisip ko lang na baka nag-away kayo kaya niya nasabi iyon."
Humigpit ang hawak ko sa kobyertos at dumilim ang paningin ko sa sinabi ni tita. Would it matter now? Hinding-hindi na kami makakapag-usap pa ni Tin. Kahit kailan.
"Arrghh!!" Napabalikawas ako ng bangon at napahawak sa sentido ko nang maalimpungatan sa tunog ng alarm clock. "s**t!" Dinampot ko ang alarm clock na nasa bedside table at binato ito kung saan saka nagtalukbong ng kumot.
Wait....
How did I get home?
Tinabig ko ang kumot at tumayo. "Sinong nagpalit nito?" Nakakunot akong nakatingin sa suot ko at dumako ang mata ko sa shirt at pants na suot ko kagabi na ngayon ay nakalapag sa may sofa.
"Hello?" I answer my phone while massaging my forehead. "S-sir, pwede po ba kayong pumunta dito sa opisina? K-kailangan lang po talaga namin na mapirmahan mo na yung mga papeles," my secretary politely asks. I can hear her voice trembling because the last time she asked me to come over, I shouted at her. I let out a loud sigh, "I'll be there," and ended the call just like that.
I walk straight to the bathroom and take off my clothes. My mind is drawing pictures of what had happened last night. All I know is that I was having make out sessions with this woman - I don't know her name or I just did not bother remembering. Then the waitress spilled the drinks on me. I have no idea how I even got home. I turn on the shower placing my head and body under to get soaked. I feel a bit sober now.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, kinuha ko ang phone at car keys at saka lumabas.
"Good morning sir! Ang aga niyo po ngayon ah," I just nod at him in response. He always does that everyday so I should not be surprised. "Henry," I called. "sinong nag-uwi sa akin?" I ask scratching my nape, I feel so irresponsible this time. "Lasing na lasing nga po kayo kahapon. Babae po sir, mukhang waitress. Nagpatulong din ho sa akin na iakyat kayo sa unit niyo," my lips purse contemplating what he just said. "Hindi ho ba kayo nagkausap sir? Kani-kanina lang din ho siya umalis. Akala ko nagkapag-usap kayo." I put my hands in my pocket not minding his question. "Thank you."
Waitress huh? I got to talk to her. I open the car door and start the engine. I have some appointment to attend to first.
Kristin.
"Ano Trisha? Ako pa ang kailangang gumawa ng trabaho mo kagabi! Ang landi mo naman para samahan pa ang customer natin!" Napantig ang tainga ko sa pagsigaw niya. Nasa harap ko ngayon ang manager. Nakayuko lang ako na pinapakinggan siya habang nilalaro ko ang mga daliri. "S-sorry po sir, hindi na mauulit."
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa sofa ni Jann kagabi. Nagising ako nang maaga kaya nakalabas ako sa unit niya bago pa siya magising. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, may nakuha akong papel sa bulsa pero inaasahan ko sanang may i.d ako o kahit na ano para malaman kung saan ako nakatira pero wala. Isang papel lang ang nadukot ko. Trisha Ann Fuentes. Iyon ang nakasulat na tingin ako ay ang pangalan ko. Bumalik ako sa bar at ito nga bumungad agad sa akin ang manager na galit na galit.
"Dahil dyan, bawas yan sa sweldo mo. At susunod na magkaproblema ulit nang dahil sa'yo, sinisigurado ko sa'yo Trisha. You will be fired!" May kinuha siyang logbook sa likod ko na nakapatong sa counter. "Sana nagkakaintindihan tayo," huling babala niya sa akin bago umalis sa harap ko.
Bumuntong-hininga ako at naupo. "Uy, Trisha. Wag mo nang pansinin yung si sir. Alam mo namang ganun talaga yun." Inangat ko ang tingin sa lalaking nagsalita na nasa harap ko. Nasa loob sya ng counter at abala sa pagpupunas ng mga wine glass. Bartender. Matipuno, kayumanggi ang balat, matangos ang ilong at may pagkakulot ang buhok. Kilala niya ko? Lumapit siya sa harap ko, sapat na para makita ko ang name tag niya. "U-uhm Philip, gaano na ko katagal na nagtatrabaho dito?" Ngumisi siya, di makapaniwala sa tanong ko. "Anong klaseng tanong yan?"Binaba niya ang baso at kumuha ulit ng isa para punusan. "Hindi mo alam na pitong buwan ka na dito?"
Pitong buwan. Ganun na din katagal nang mamatay ako. "Sorry, may amnesia kasi ako. Di ko alam kung kailan babalik ang alaala ko," kagat-labi kong pagdadahilan, sana makalusot. Nagkasalubong ang kilay niya at mas lumapit sa akin para masuri ang mukha ko. "Talaga?" Nailang ako sa pagitan namin kaya iniwas ko ang mukha. Lumayo na siya at nagpatuloy sa ginagawa, "hindi halata sa hitsura mo Trisha. Teka uuwi ka na ba? Sabay na tayo." Nabuhayan ako sa sinabi niya, "Alam mo kung saan ako nakatira?" Tumawa siya. "Amnesia nga. Nadadaanan ko lang ang bahay mo bago sa amin kaya oo. Ang weird mo Trisha. Halos palagi naman tayong sabay umuwi." Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi niya naman iyon napansin.
Nagpaalam siya sa akin at magc-cr lang siya nang may humila sa braso ko at dinala ako sa likod ng bar. Tumama ang likod ko sa pader nang pabalang niya akong binitawan. Sumandal sya sa kabilang pader para magkaharap kami. Tumitig siya sa akin nang ilang segundo at bumaling sa gilid, nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip.
I miss you. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero napipipi ako. Mas nanaig sa akin ang pagmasdan na lamang siya. Ang dating mapanuyo niyang mata, ibang-iba na sa nakikita ko ngayon na halos walang emosyon. Kahit na ganun, hindi pa rin ako magsasawang titigan siya dahil siya si Jann, ang lalaking mahal ko. Dumako ang mata ko sa mahahaba niyang pilik-mata hanggang sa bumaba sa matangos niyang ilong.
"Stop staring," he threats me gritting his teeth but I ignore him. He turns to me and stares coldly leaving a warning. Right, he would not understand. I always forget. It's not Kristin he is facing right now, it's Trisha Ann. I bow my head and start playing with my knuckles. He heaves a loud sigh fixing his composure, his hands in his pockets. "Paano mo nalaman ang address ko?" Napalunok ako sa sinabi nya.
My eyes could not stop looking side by side trying to figure out what to say. I inhale before finally speaking, trying to pull myself together so as not to get caught, "u-uhm." I lift my head meeting his dark gaze. "Y-yung wallet mo. Nakita ko dun yung address mo." Liar. I wonder if heaven will accept me for this. I may still have to lie for God knows how many times. He takes a step backward and the other foot forward. He seems convinced. "Yung password sa keypad door lock? How did you know it?"
I gulp a couple of times. I forgot about that! "Sigurado akong walang nakalagay sa wallet ko na password, so paano mo nalaman?" Umatras ako pero dead end na. My back is pressing against the wall. I see him smirk after he figures I can't answer him anymore. "Stalker," he emphasizes while gritting his teeth.
Pinandilatan ko siya. "Hindi totoo yan!" He gapes in victory and leans closer to me. "Admit it," he looks down to my chest. Naconscious ako sa suot dahil hindi pa ako nakakapagpalit. "Trisha. What were you planning huh? You wanted to get a score with me? You should have just said so, madali naman akong kausap. Is that why you spilled the drink on me? Naiinggit ka sa ka-table ko kagabi?" He smirks.
I am dumbfounded by his remarks. My heart is thumping so fast. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa sinabi niya. "J-jann..." bulong ko. Ang alam ko lang ngayon, nasasaktan ako sa inaasal at ipinapakita niya. His eyes widen and his jaw twitches, "Don't. Call. Me. That."
"Trisha. May problema ba dito? Kilala mo ba yan?" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Humiwalay agad si Jann at humarap kay Philip. Agad akong kumilos at lumapit kay Philip, hindi ko gusto ang tinginan nilang dalawa. "Philip ikaw pala. Wala nag-uusap lang kami. Si Jann pala kaibigan ko, Jann si Philip."
"It's Michael not Jann and I am not your friend," he smirks "stalker." Hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya. Humarap ako kay Philip, "bakit?" May inabot siya sa aking bag na tingin ko ay akin dahil pambabae. "Tara, uwi na tayo. Tapos na shift ko."
Matipid ko siyang nginitian. Ayoko pa sanang umalis dahil gusto ko pang makausap si Jann pero natatakot ako na baka mag-away pa silang dalawa. Masyadong obvious sa mga titig nila sa isa't-isa. Nilingon ko si Jann. "Sige Jann, mauna na kami. Usap nalang tayo sa ibang araw." Gusto ko na ding malaman kung saan ako nakatira. Ayokong magpalaboy-laboy. We walk away leaving Jann behind.
"We're not yet done, Trisha," he mutters before we finally leave.