Kristin.
Hindi ko mawari kung nasan ako. Para akong lumulutang sa ere. Para akong nananaginip. Napatingin ako sa inaapakan at tanging ulap lang ang bumungad sa akin. Umikot pa ang tingin ko sa paligid at napansing puti at bughaw lang ang mga kulay ang binubuo nito. May mga tao akong nasilayan pero malalayo ang pagitan ko sa kanila. Naglalakad sila sa iisang direksyon na siyang naghimok sa akin para gawin din iyon.
Sa paglalakad ay may nakita akong nakaputi na lalaki na nakatayo sa di kalayuan at nakapako ang tingin sa akin. Nakangiti siya na tila anghel sa aking paningin. "Kristin," bati niya sa akin at muling ngumiti. "Ako ang sundo mo," ngumiti ulit siya at kahit sinong makakakita ay hindi magsasawang titigan ang imaheng iyon. "Patay na ba ko?" Imbes na sagutin ay naglakad siya at nilampasan ako. "Sumunod ka sa akin." Nagtaka ako nang maglakad siya sa kabilang direksyon. Hindi iyon ang tipikal na dinadaanan ng mga taong nakikita ko.
Unti-unti ay napadpad kami sa isang paraiso. Ang linaw ng paligid at samu't-saring mga puno ang makikita. May mga naririnig akong mga bata na nagkakasiyahan at nagtatawanan pero wala akong makitang tao sa paligid. "Kailangan mong bumalik, Kristin," marahan siyang naglalakad habang sinasabi iyon sa akin. Nakasunod lang ako sa kanya, nakikinig. "May kailangan ka pang ayusin bago makapasok," wala ako sa sariling panilay-nilay. "Babalik ka na iba na ang iyong katauhan. Kailangan mong malaman na mahihirapan ka para kilalanin ang sarili mo pero hindi iyon ang mahalaga." Humarap na siya sa akin, hindi inaalis ang ngiti sa mga labi. "Alamin mo kung ano ang mga bagay na hindi mo pa natapos sa mundong ibabaw. Kapalit nun ay may naghihintay sa'yo."
Unti-unti ay parang bumibigat ang aking paghinga. Napayuko ako para tingnan ang sarili. May kung anong humuhugot sa akin pababa at hindi ko maipaliwanang kung ano ang dapat na maramdaman. Unti-unti pa ay parang nawawala na ang pagkatao ko. Napatingin ako sa lalaking kaharap na tila anghel. Ngumiti siya, "Wag kang matakot Kristin. May mga bagay na dapat mangyari, meron din namang hindi dapat." Ilang sandali pa ay naramdaman ko nang tuluyan akong naglaho.
********************
Napasinghap ako habang nauubo pa at saka ko hinimas ang leeg. Medyo nagtaka pa ako na may hawak akong tray pero hindi ko na iyon binigyan-pansin. "Trisha!" Sinusuntok ko ng kamao ang dibdib nang hindi ako matigil sa pag-ubo. "Hoy Trisha!" Nagulantang ako sa humila sa akin para humarap sa kanya. "Ako ba?" Naparolyo siya ng mata sa tanong ko. "Galit na galit na si boss hoy! Magserve ka na dun." Kailangan niya pang lakasan ang boses para marinig ko siya dahil sa ingay na nagmumula sa loob. Napatingin ako sa building na nasa tapat namin at nabasa ang nakalagay sa taas na 'disco bar'. Bumaba ang tingin ko sa suot at nagulat ako na nakapolo shirt na white at black pants ako. Nakabalot din ako ng black na apron sa bewang. "Hoy! Bangag ka ba 'te? Tara na bumalik na tayo sa loob." Hinatak niya ako at hindi na ko nagprotesta. Biglang may humablot ng hawak kong tray at pinalitan ito ng ibang tray na may nakalagay nang mga baso ng alak. "Table 6 yan."
Anong nangyayari? Bakit nandito ako? So hindi panaginip yun? May mission pa ko? Nanatili akong tulala nang bigla nalang may pumitik sa harap ko. Nagising ako sa katotohanan. "Trisha, ano ba? Kumilos ka na. Hindi tayo binabayaran para tumunganga lang uy," napatingin ako sa nagsesermon sa akin. Ito din ang humila sa akin papasok sa bar. Sino ba ito? I tilted my head in question but I still get no answer for myself. "Um..." Bahagya akong yumuko para basahin ang name tag na nakasabit sa bandang dibdib niya. "Grace, anong petsa ngayon?" Tumaas ang kilay niya sa tanong ko at saka nagpakawala ng mahabang paghinga. "Alam mo wala ka talaga sa sarili mo ngayon no? February 2, 2021 ngayon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. July 9, 2020 nang pumunta ako sa resto ni Jann. Alas dos ng July 10 ako binawian ng buhay. Halos 7 buwan na ang nakalipas pero parang kanina lang nung nakausap ko ang taga-sundo. "Dali na!" Napalundag ako at saka lang umalis na dala ang tray ng alak. Tama. Nabanggit ng sundo ko na hindi magiging madali sa aking kilalanin ang pagkatao ko. Ang sarili ko. Pero bakit kailangan ganito? Wala na kong ideya sa mga nangyayari ngayon lalo't pitong buwan na ang nawala sa akin at iba pa ang pangalang tinatawag sa akin dito. Napatingin ulit ako sa dala. Lalo na ito. Isa akong waitress? At sa bar pa. Gusto kong ihilamos ang palad ko sa mukha. Saan ko ba ulit ito dadalhin? A bulb appeared above my head. Ah, table 6.
My jaw almost dropped upon seeing Jann kissing a not-so-familiar woman while his other arm is wrapped around another. "Psst! Waiter dito!" Sigaw nung guy na nasa table din ni Jann at nasa tapat niya. My hands are trembling and I can't find the courage to move. He did not even notice me. May mga kasama siyang lalaki na may ka-table din pero hindi ko sila kilala. I somehow managed to walk to get to them. Ibinaba ko na ang tray sa table nila, him still kissing that woman. Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay ng babaeng kaakbay niya pero hindi ko na iyon pinansin. Nakatingin lang ako kay Jann.
Pinasadahan ko nang tingin ang mukha niya hanggang paa. His features have changed. Ngayon ko lang siya nakitang may bigote, hindi niya inaalagaan ang sarili niya. Casual lang ang suot niya at gusot-gusot pa ito siguro dahil na din sa kahalikan niya ngayon na halos hawakan na lahat ng parte ng katawan niya at sarap na sarap sa ginagawa niya.
"The f**k!" I heard him scream in anger as I intentionally spilled the drink on him. Natitiyak kong hindi niya pa napansin na sinadya ko iyon dahil masyado siyang nalibang sa ginagawa nila. I just can't bear to see him like this with another woman-- women. He stands up and I lower my head down, "S-sorry." He whispers a curse and looks at me. I look up and my eyes meet his. His eyes... they are not the same set I loved looking at; they are now dark, cold, and emotionless unlike before, they are tame, loving, and passionate. In just one snap, he is not the same Jann I knew almost my entire life. Hindi ito ang Jann na kilala ko. Teka, hindi niya ba ko nakikilala? Napakagat-labi siya sa inis at naisuklay ang kamay sa kanyang buhok. Yumuko ulit ako at pinaglaruan ang mga daliri.
"What kind of service do you have here!?" His voice overpowered the noise in the bar. It echoed around the room and almost everyone is looking at us this time.
"Babe! Let it go. Hayaan mo na siya. Bumalik ka na dito," nang-aakit na saad ng babaeng kahalikan niya kanina.
"Sorry po sir. Papalitan ko nalang po." Kinuha ko ang baso at nilagay sa tray habang siya ay nanatiling nakatayo, nakatingin sa ginagawa ko. "You know what, screw it." I froze. "Nawalan na ko ng gana." And with that, he stormed out of the bar. Agad ko siyang sinundan. Narinig ko pang tinatawag siya ng mga kasama niya pero binalewala niya iyon. Nag-aalala ako dahil sobrang lasing na siya, magmamaneho siyang mag-isa pauwi? As soon as I walk out, I see him throwing up around the bushes. Nagpunas siya ng bibig, naupo at saka pumikit. "Jann," niyugyog ko siya pero tanging ungol lang ang sinagot niya.
Umupo ako at hinawakan siya sa braso saka ito pinaakay sa balikat ko. Bakit parang namayat siya? Hinanap ng mga mata ko kung saan nakaparada ang kotse niya at mabuti nalang, hindi ito ganun kalayo sa kinatatayuan namin. "Jann, teka lang. Wag ka munang matutulog. Lalakad pa tayo," wala siya sa katinuan niya pero sinunod niya naman ako. Nang maipasok ko siya sa shotgun seat, umikot ako at naupo sa driver's seat.
"Susi," kinapkapan ko siya. Bumabaling lang ang ulo niya habang nakapikit nang mariin. Nang makuha ko ang susi sa bulsa niya, hinila ko na ang seatbelt para ipulupot sa kanya at ganun din sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi. Wala akong lisensiya. Tatlong beses na akong naturuan ni Jann kung paano paandarin ang kotse pero hindi ko pa iyon aktwal na nagagawa. Narinig ko ang pag-ungol ni Jann at bumaling ang ulo neto sa kabilang direksiyon. "Haist, bahala na."
"Kuya, kuya tabi!!!" Napapikit ako. Nakahinga ako nang maluwag nang pagdilat ko ay wala akong nabangga. Ilang beses ko na din nagamit ang busina at sa awa ng Diyos ay wala akong napahamak. Maayos kong naihinto ang kotse na sa lakas ng impact ay halos sumubsob na kami. Sapo-sapo ko ang dibdib at kinakalma ang sarili nang maihinto ang kotse. "Okay, buhay kami. Buhay na buhay," pagkalma ko sa sarili. Inayos ko ang front view mirror at halos mapalundag na nagsisigaw nang makita ang reflection sa salamin. Naningkit ang mata ko na nilapit ang mukha sa salamin. "Ako ba ito?" I cupped my cheeks and there, I see a pair of hazel brown eyes and a medium-length dark brunette hair. Dinapo ko ang hintuturo sa ilong at saka pinag-aralan ang hulma nito.
Natauhan ako nang biglang gumalaw si Jann sa gilid ko. Hindi ko siya kayang iakyat pa sa loob ng condo niya. Lumabas muna ako saka tinawag ang guard. Nagpakilala akong girlfriend at humingi na ng tulong sa kanya para buhatin siya sa unit niya. "Bagong girlfriend ka po, ma'am?" Nanigas ako sa tanong ng guard. "Ah, o-opo." Inayos niya ang pag-akay kay Jann. Pinindot ko na ang elevator button para makaakyat kami. "Naku ma'am, sa atin nalang ito pero mag-ingat ho kayo dito kay sir. Lagi itong may dalang iba-ibang babae sa condo niya. Lagi ding naglalasing tulad ngayon." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. "Mula nang mamatay ang girlfriend nitong si sir, hindi na siya tumino. Sa atin lang yun ma'am ah? Concern lang naman ho ako sa inyo." Ngumiti lang ako sa kanya at nakahinga ng maluwag nang bumukas ang elevator.
I press the password of his keypad door lock and open it. Pinapasok ko ang guard at sinamahan siyang dalhin sa kama si Jann. I thank the guard and close the door right after. Dama ko ang unti-unting pagsikip ng dibdib habang unti-unting pumapalapit kay Jann. Naupo ako sa sahig at ipinatong ang braso sa kama niya at nangalumbaba siyang tiningnan. "Ano bang nangyayari sa'yo Jann?" Hindi ko na napigilang humikbi. Pinunasan ko ang mga luha at tumayo para kumuha ng bimpo sa cabinet niya. Kumuha na din ako ng palanggana at binasa ang bimpo. Lumapit ako sa kanya para punasan ang mukha at katawan niya. Marahan kong inaalis ang mga marka ng halik kapag may nakikita ako.
Natigilan ako nang may namuong luha na pumatak sa pisngi niya. Kumakawala siya nang malalim na paghinga at paminsan-minsan ay naririnig ko ang mahihina niyang hikbi. "Tin..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pagbulong niya sa pangalan ko. Napatakip ako ng bibig at hindi ko na nakayanan, umiyak ulit ako. "Jann," kumikirot ang puso ko na makita siyang ganito. Ito ba? Ito ba ang kailangan kong ayusin? Hinaplos ko siya sa noo at hinalikan ito. "I'm here Jann. I'll help you."