Chapter Five

1281 Words
 "I now pronounce you graduates!" Bawat isa sa amin ay inihagis ang suot na cap. Agad kong hinanap si Jann at binigyan ito ng napakahigpit na yakap. "Congratulations, Jann!" Nang makabawi siya sa ginawa ko ay niyakap niya din ako. "Congratulations din sa'yo, Tin. Nagawa din natin!" Kailangan niya pang sumigaw dahil sobrang ingay sa amphitheater. Humarap ako sa kanya na hindi kinakalas ang pagkakayakap. Mas nahulog ako nang makita ang saya sa mga mata niya. Tumingkayad ako para maabot ang taas niya saka inilapit ang bibig ko sa kanyang tainga. "Sinasagot na kita, Jann." Lumayo na ako at humarap uli sa kanya. Natawa ako nang makita ang panlalaki ng mga mata niya. Mas bumilis ang t***k ng puso ko. "A-anong sabi mo? Tama ba ang narinig ko?" Natawa ako sa kanyang reaksiyon. Tumingkayad ulit ako at hinalikan siya sa pisngi saka inilapit muli ang bibig sa tenga. "Oo Jann! Sinasagot na kita!" Nagitla ako nang buhatin niya ako at inikot. "Whoah!! Sinasagot niya na ko! Girlfriend ko na si Tin! Whoah!!" Tawang-tawa ako pero mas nanaig ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Ibinaba niya na ako at unti-unting idinampi ang mga labi niya sa akin. Ang lakas ng sigawan sa tuwa at galak pero mas dinig ko ang t***k ng puso ko dahil sa pagmamahal sa lalaking ito. "Ako na ang bubuhat niyan girlfriend ko!" Kinuha niya ang dala kong mga regalo na bigay sa akin ng mga kamag-anak. Natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso. "Thank you, boypren." "I love you," namula ang mga pisngi ko sa narinig. Nauna na siyang maglakad. Napangiti ako, kitang-kita ang tuwa sa kanya. Masaya akong ganito ang nararamdaman ngayon ni Jann. Sobra. Napahinto ako nang mapansing hindi nakasabay sa amin ang nanay. Nang lingunin ko siya ay balisang nakatutok ang kanyang mga mata sa cellphone kaya naman nilapitan ko na ito. "Bakit mie? May problema ba?" "Nak, hindi ba kayo nag-usap ni Lucila kahapon?" "Po? Hindi po. Hindi ko pa po nacheck ang phone ko mula kahapon." Bigla akong nakaramdam ng kaba. "Bakit po?" "Nakakuha ako ng mensahe mula sa tatay ni Lucila nak. Patay na daw si Carmella, naaksidente kahapon." Carmella. Yun ang pangalan ng mommy ni Lucy. Hindi. "Mie, puntahan po natin si Lucy." Hindi pa man kami nakakapasok ng mansyon nila ay tanaw ko na ang lungkot ng mga ilaw mula sa labas. Dinig din ang mga hikbi at pag-iyak ng mga tao sa loob na tingin ko ay mga kamag-anak ni Lucy. Katabi ko ngayon ang mie at si Jann. Halos hindi ko mabaling ang tingin sa kanila dahil sa labis kong pag-aalala kay Lucy. Bakit ba ngayon lang namin nalaman ang balita? "Manang, s-si Lucy po nasaan?" Basag pa ang boses ko nang magtanong. Kilala na kami ng mga katulong dahil may mga pagkakataong bumibisita kami dito. "Nasa kwarto niya po ma'am. Hindi pa nga po kumakain yun hanggang ngayon," nalungkot naman ako sa narinig. "Pumasok na po kayo. Kakatukin ko lang po siya sa kwarto para sabihing andito kayo." Tumango nalang ako at nauna nang pumasok. Nasa likod ko lang ang nanay, ganun na din si Jann. Sa gilid ay makikita ang kabaong ni tita Carmella. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Andito nga ang mga relatives niya. Kung hindi dahil sa mahihinang kwentuhan ay sobrang tahimik na sa loob. "Tito, condolence po," nakayuko kong saad sa daddy ni Lucy. Hindi ko magawang tingnan siya sa mata dahil alam kong malungkot siya ngayon sa nangyari. "Salamat iha. Manang kunan mo ng makakain ang bisita at paupuin mo na din." Magkahawak-kamay kami ni Jann na sumama sa katulong. Si nanay ay naiwan para kausapin si tito.   "Ma'am Kristin, hindi po lumalabas ng kwarto si ma'am Lucy," aniya pagkababa ng hagdan. "Pwede po bang ako na umakyat para makausap siya?" "Sige po. Alam niyo naman po kung saan ang kwarto niya." Tumango ako at saka lumingon kay Jann. Hinawakan niya ko sa kamay at hinalikan ito. "Sige na Tin. Maiiwan ako dito. Mas kailangan ka niya." Matamlay ko siyang nginitian at tumayo na.   "Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin ngayon!" Nagulat ako sa pagsigaw niya pagkapasok ko sa kwarto at bumalikwas siya ng bangon. Nilapitan niya ako sa pinto at sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko sa sakit nang pagkakasampal niya at hinimas-himas pa ito. "L-lucy---" "Ngayon ka pa dumating! I called you several times! Tinext pa kita at sinabing patay na si mommy and I need you here!" Nanginginig ako sa takot. Hindi lingid sa kaalaman ko ang panggagalaiti niya. "Hindi ko pa nahahawakan ang phone ko simula pa kahapon," mahina kong sabi sa kanya. "Bullshit! Lagi ka nalang kasi busy!" Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Ngayon lang niya ako minura. Ni minsan hindi nya ko nasigawan. Ngayon lang. Nilagpasan niya ako at pabalang na sinara ang pinto ng kwarto niya nang makalabas siya. Pinahid ko ang luha at huminga nang malalim bago tuluyang lumabas at sinundan siya. Naiintindihan ko naman si Lucy. Hindi ko alam na kahapon niya pa pala ito pinaalam sa akin. Hindi ko din naman akalain na ganito ang mangyayari. Masyado akong naabala sa paghahanda sa graduation namin. Walang imik kong sinundan si Lucy sa pagbaba. Hindi pa ako tuluyang nakakapunta sa ibabang palapag nang mapansin ko ang pamamaalam ng daddy ni Lucy sa katulong. Sumakit bigla ang ulo ko nang makita ang tito. Napahawak ako sa sentido. Hindi. Huwag. Huwag. Maling-akala lang ito. Dali-dali akong napatakbo kay tito nang makitang papalabas na siya ng pinto. Natabig ko pa si Lucy nang hindi sinasadya. Hinawakan ko ang braso ni tito at humahagulhol ko siyang pinigilan. "Oh bakit ba hija? Aalis lang ako at may pupuntahan. Hindi naman ako magtatagal." "Ano ba Kristin?" Sigaw sa akin ni Lucy nang makalapit sa amin. May bahid ng inis pa rin sa boses niya ngunit ko na iyon binigyan-pansin. "Tito, sorry po. Sorry." Mas lumakas ang pag-iyak. Pinagtitinginan na kami ng mga taong bumisita at pati na rin ng mga katulong. Hinihiling ko na sana mawala ang takot na nararamdaman nang sandaling pigilan ko siyang umalis. Nagbabakasakali akong aksidente lang ang dahilan kaya nakakaramdam ako nang ganito. Pero hindi... hindi nawawala ang pagkabahala sa akin. "Alam kong malungkot ang nangyari kay Carmella hija," Hinawakan niya ang likod ko para patahanin. "Manang, dalhan mo nga ng tubig itong si Kristin para mahimasmasan." Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. "Sige na. Puntahan mo na si manang at may pupuntahan lang ako." Aalis na sana siya nang muli ko siyang hawakan sa braso. Nilingon ko si Lucy. "L-lucy. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin kay tito. P-please." Nagkasalubong ang mga kilay niya at nag-iinit na ang mukha sa galit. "What the hell Kristin? Parang papatayin mo pa ang daddy sa sinasabi mo!?" Humagulhol ulit ako sa sinabi niya. "Sorry Lucy. Lucy." Pumikit ako at dahan-dahang binitawan ang tito. "D-daddy? Daddy!!!! Manang! Ang kotse! Daddy!!!" Napatakip ako ng mukha nang marinig ang pasigaw na hagulhol ni Lucy. "Anong ginawa mo Kristiiin!!!!? Anong ginawa mo!???" Umalingawngaw ang sigaw niya na punong-puno ng pagkamuhi at galit sa akin. Naramdaman ko ang pag-akap sa akin ng isang pamilyar na mga bisig, Jann. Naidilat ko saglit ang mga mata at tumambad sa akin ang nakahandusay na katawan ni tito habang nakahawak sa puso niya. Niyuyugyog pa siya ni Lucy na nagmamakaawang wag umalis. Biglang nagtagpo ang tingin namin. Sumagi sa paningin ko ang namumulang mga mata ng poot. Lucy. Hinawakan ni Jann ang likod ng ulo ko at saka ako tinalikod. Niyakap ko siya nang mahigpit at doon nag-iiyak hanggang sa wala na kong maramdaman. Hanggang sa mawalan ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD