Chapter Four

1423 Words
Lucila. Iyon talagang dalawang iyon hindi mapaghiwalay. Napabuntong-hininga nalang ako sa nakita. Naputol pa ang pag-uusap namin ni Michael dahil iniwan ako para sundan si Kristin. Inaasahan ko na din iyon dahil nga alam kong gusto ni Michael si Kristin. Si Kristin kaya? Ganun na din kaya ang nararamdaman niya kay Michael? Hindi na din kami nakakag-usap dahil nga busy pa kami ngayon. Tumalikod na ako sa kanila at umalis.   "Oh Lucy, sama ka? Pupunta kami ng bar ngayon," aya ng kaklase ko matapos ang shift namin. "Hindi na. Napagod din ako eh. Uuwi na ko para magpahinga." "Okay sige. Mauna na kami sa'yo," kumaway ako sa kanila at saka nagtungo na sa kotse. May sarili akong kotse dahil regalo ito ng parents ko nang magdebut ako. Mayaman ang pamilya ko kaya hindi problema sa akin ang pera. Nang makarating ako ng bahay ay napagbuksan naman ako kaagad ng gate ni manang. "Manang pakitawag nalang po kay Mang Joel para mapark nang maayos ang kotse," inabot ko ang susi at pumasok na sa loob. Hindi pa ko tuluyang nakakapasok ay dinig ko na ang sigawan ng mga magulang ko sa loob at ang nagbabasagang mga gamit. Lagi nalang. "Sinasabi mo pa na ako ang sinungaling eh nahuli na nga kita! Sino ba itong employee mo? Ha?" "Hindi nga totoo yan! Naniniwala ka kasi sa mga tsismis!" Ni hindi nila ako napansing nakauwi na ako. Umakyat na ko sa hagdan para makapunta sa kwarto. Nilock ko ang pinto at sumalampak sa kama. Napatakip ako sa tenga dahil hanggang dito ay umaalingawngaw ang sigawan nila. Kinuha ko ang phone at tinawagan si Kristin. Para na din siguro magkakwentuhan na din kami. "Hello? Lucy?" Naupo ako kaagad sa kama nang sagutin niya ang tawag ko. "Oh Kristin? Natutulog ka na? Paos ang boses mo." "Ah oo. Kailangan ko kasing magising nang maaga bukas. Magrereview kasi ako sa finals. Napatawag ka?" Napasimangot ako at nahiga ulit sa kama. "Ganun ba? Wala. Di bale na. Next time nalang." "Sige. Tawagan mo nalang ulit ako bukas. Good night." Tinapos niya agad ang tawag. Napabuntong-hininga ako. Si Kristin lang ang matalik kong kaibigan. Napalapit din agad ang loob ko sa kanya dahil hindi niya ako hinuhusgahan di tulad ng iba na ang tingin sa akin ay matapobre at mapangmata. Hindi big deal sa kanya kung anuman ang status ko sa buhay. I heaved a sigh again. Mabuti pa si Kristin buhay pa ang mie niya. Ako kahit na buhay ang mommy at daddy, pakiramdam ko patay na silang dalawa. Halos hindi na nga nila ako nabibigyan ng pansin dahil puro away nalang nila ang inaatupag nila. Mmm, si Michael nalang kaya ang tawagan ko? Nakangiti kong kinuha ulit ang phone at ni-dial ang number niya. Memorize ko pa ang number niya dahil sa tagal na din ng pagkakaibigan namin. Naibato ko ang phone sa cabinet nang napunta lang sa voicemail ang tawag ko. Mas matagal kaming naging magkaibigan ni Michael bago pa namin nakilala si Kristin. Actually, ako ang nagpakilala sa kanya kay Kristin. Napangisi ako. Tama, ako ang naging daan kung bakit sila nagkakilala. Pagkatapos nun ay hindi na ako masyadong napapansin ni Michael dahil naubos niya ang atensyon kay Kristin. Pero para sa akin, ayos lang iyon. Ayos lang na sila ang magkatuluyan dahil malalapit ko silang magkaibigan. Masaya ako para sa kanila. **************** In-off ko ang alarm limang segundo matapos nitong magring. Humarap muna ako sa salamin para tingnan ang sarili bago pumasok sa banyo para maligo. Nakapag-ayos na din ako at kinuha na ang bag. Sumilip muna ako bago bumaba ng hagdan. Kumakain na sila. Na parang wala lang nangyari kagabi. Lagi nalang. Napairap ako nang maalala ang nangyari kagabi. Walang buhay akong bumaba ng hagdan. "Lucila, halika na. Take your breakfast before leaving." "Daddy, stop calling me Lucila. It's Lucy," nagpatuloy lang siya sa pagkain at hindi na nakipagtalo sa akin. Walang gana kong hinila ang upuan at sumalo na din sa kanila. Lumapit sa amin si manang para ilagay ang pitsel ng juice. "Manang siya nga pala, mga 12 ng umaga mo na ako pagbubuksan ng gate mamaya dahil may importante kaming inaasikaso sa opisina. Ang sir mo wag mo nang hintayin dahil may out-of-town business siya ngayon." Halos masamid ako sa kinakain. "What!? Hindi kayo uuwi nang maaga ngayon? Mommy, daddy, baka nakakalimutan niyong birthday ko ngayon? Hindi ba tayo magce-celebrate?" "Oh sorry sweety. Nakalimutan ko. Sobrang busy kasi these past few weeks sa office. Don't worry ibibigay namin ni daddy mo ang credit cards namin. Go buy whatever you want." Hindi pa ko nakakasagot ay biglang nagring ang phone ni daddy. Tumayo siya at sinagot ang phone. "Sorry I have to take this." Hanggang dito, dala nila ang pagiging pormal nila. Tumayo na ako. "I'm done. Aalis na ako." Kristin. "Jann, wala pa ba?" Sumilip siya. Hinawakan niya ako sa bewang para mas lumapit kami sa entrance ng hospital. "Andyan na Tin, dali," nakiliti ako sa pagbulong niya sa akin. Napabitaw ako sa kanya at baka mahuli pa kami ni Lucy sa ganoong pwesto. Ngumiti ako na may hawak na mga lobo at cake at lumapit kay Lucy. Nagbago bigla ang ekspresyon ko nang makita siyang nakasimangot. "Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? Birthday na birthday mo eh." "Hindi wala ito. Stress lang ako sa duty." Nagkibit-balikat nalang ako at itinaas na ang cake. Sumenyas ako kay Jann at siya namang pagtabi niya sa akin. Sabay kaming kumanta, "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday dear Lucy, happy birthday to you." "Dali make a wish na and blow your candle." Pumikit na siya at pagkatapos humiling ay hinipan na ang kandila. "Ito pala Lucy, regalo ko," inabot ko na sa kanya ang regalong nakabalot pa. "Thank you," sumimangot siyang napatingin kay Jann. "Ikaw? Wala ka bang regalo?" Natawa si Jann, "papahuli ba ako? Oh eto. Happy birthday Lucy." Inilabas niya ang regalong tinatago mula sa likod at saka nagpungay ang mga mata ni Lucy nang kunin ito at agad niyang binuksan. Hindi ko na sila napansin nang sumakit ang ulo ko at may naramdamang kakaiba. Dumako ang paningin ko sa kararating na ambulansya at may iniluwa itong dalawang duguan na pasyente na nakahiga sa stretchers. Hindi ako makahinga nang maayos. "Ang ganda! Thank you, Michael!" Tila naghahanap ng makakapitan ang mga kamay ko dahil kahit anong oras ay pwede akong bumigay. Napanatag ang loob ko nang maramdaman ang mga bisig ni Jann. "Tin, tin okay ka lang?" nakayakap na siya sa akin mula sa likod. Iniangat ko ang tingin para makita ang mukha niya. Nang sandaling magkasalubong kami ng tingin, alam kong alam niya na ang nangyayari. "Lucy, sorry ha. Kailangan na naming umalis." Napapikit na ako. "H-ha? Hindi ba kayo tatagal dito? O kahit sa canteen lang para saluhan niyo ako." Tinalikod na ako ni Jann na nakayakap pa rin sa akin. "Sorry Lucy. Emergency lang talaga. Kita nalang ulit tayo sa university bukas." "S-sige." Nakalabas na kami ng hospital pero pinigilan ko si Jann. "J-jann birthday ni Lucy ngayon. Samahan mo siya. Magiging okay din ako," tinulak ko siya pero masyado akong nanghihina para gawin iyon. "Ano ka ba Tin? Ilalayo na kita dito."   "Hello Lucy? Sorry talaga kanina. Sumama kasi ang pakiramdam ko," naglalakad na kami ngayon ni Jann. Ihahatid niya na daw ako sa dorm ko. "Kaya naman pala. Nag-alala ako sa'yo kanina. Okay ka na ba?" "Oo Lucy. Sorry talaga. Happy birthday ulit," pagkatapos naming mag-usap nilagay ko na ang phone sa bag. "Jann, okay na ko. Malapit na ang dorm mula dito at saka anong oras na. Uuwi ka pa sa inyo." Gumilid siya para makita ako. Tanaw ko ang pag-aalala sa mga titig niya. Sasamahan kita hanggang sa gate. Pag nakapasok ka na saka lang ako aalis. "Nasira ko pa tuloy ang birthday ni Lucy." Yumuko ako. Naaninag ko ang saglit niyang paglingon sa akin. "Hindi naman Tin. Tuwang-tuwa nga siya sa surprise natin eh," napangiti ako sa sinabi niya. Sana nga nagustuhan ni Lucy ang sorpresa namin kanina. Sana din magustuhan niya ang sling bag na regalo ko. Ako pa mismo ang nagcustomize nun para sa kanya. Hindi sayang ang oras na ginugol ko dun dahil para naman sa kanya. Huminto ako at humarap na kay Jann nang marating namin ang gate. "Sige na, Jann. Thank you sa paghatid." Hinintay ko siyang umalis pero hindi siya natinag sa pagkakatayo. Nagulat nalang ako nang bigla niyang inilapit ang mukha at saglit na idinampi ang kanyang labi sa ngayong namumula kong pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD