Linggo ngayon at nakatunganga ako sa tv dahil wala naman akong masyadong pagkakaabalahan. Nabalita pang uulan bukas nang malakas. "Nak! Pwede mo ba kong bilhan ng asukal? Naubusan na kasi tayo. Gusto ko sanang magtimpla ng kape." "Sige, mie." Nagpalit na muna ako ng damit bago lumabas. "Aling Teresa, asukal nga po." Papauwi na sana ako nang makita ang mga nagkukumpulan sa di kalayuan. Dinig din mula sa kinatatayuan ko ang mga sigawan. Dahil sa kuryusidad ay dahan-dahan akong lumapit sa mga nagtitipon. Dalawang lalaki ang nagbabangayan. May hawak na bolo ang isa't-isa at naghahamunan pa. Bakit ba walang umaawat sa kanila? Yung iba natatakot, yung iba pinagpipiyestahan pa ang nakikita. Hindi. "Pigilan niyo sila. Pigilan nyo sila," sinusubukan kong lakasan ang boses pero tila bulong lang ang lumalabas sa bibig ko na ako lang ang nakakarinig. "Pigilan nyo sila!" Naisigaw ko din sa wakas. Ang iba nilingon ako pero marami ang walang pakialam. "Parang-awa nyo na! Awatin nyo sila!" Nanginginig na ang mga kamay ko at naninindig ang mga balahibo ko. May mga sumusuway na sa kanila pero hindi talaga sila nagpapaawat. Wala akong magawa. Umiiyak nalang akong tumalikod at nanginginig. Kailangan ko nang umalis dito. Napapikit ako nang mariin nang marinig ang pasigaw na mga iyakan. Hindi. "Buhatin nyo sila! Dali! Dalhin natin sa ospital!" Dinig kong utos ng isa sa mga nakasaksi. Humihikbi akong tumakbo palayo sa senaryo na iyon.
Nilapag ko ang asukal sa mesa at tumakbo papunta sa kwarto. Tinawag pa ko ng nanay pero hindi ko na siya nagawang kausapin. Nilock ko ang pinto. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone. Tatawagan ko sana si Jann nang pigilan ko ang sarili. Hindi, palagi ko nalang siyang naaabala. Napapikit ako sa naiisip. Jann. Nilapag ko ang cellphone sa kama. Tama na siguro ang panggagambala ko sa kanya dahil sa lintek na abilidad kong ito. Nagtalukbong ako ng kumot at duon nag-iiyak.
*******************
"Tulad ng ipinangako ko sa klase ninyo, bibigyan ko ng token kung sinuman ang makakakuha ng pinakamataas na grado sa klase ko."
Nagpalakpakan ang klase, wala sa huwisyo akong sumunod na din sa kanila. Biglang umingay, madami ang naeexcite at nagko-cross fingers pa na sana sila ang matawag. Ano naman kaya ang token na ibibigay ni ma'am?
"And the winner is----," agad na tumahimik at naghihintay sa susunod na anunsiyo. "Oh I mean, the WINNERS ARE, a round of applause to your favorite couple!" Hindi pa natatapos si ma'am ay naghiyawan na ang klase. May tumutulak pa sa akin at kinikilig daw sila. "Michael, Kristin, kunin nyo na ang reward niyo." "Whoah!! Jann at Tin lang malakas!" "Hoy Kristin! Tayo na daw," saad ng mga kaklase ko na nasa malapit na seat ko. Biglang bumaling ang tingin ko sa taong lumingon sa akin at ngumiti. Napatingin lang ako sa kanya na hindi kumibo. Matamlay akong tumayo at naglakad na sa harapan. "Aba, mukhang hindi natutuwa si Kristin. May away ba kayo Michael." Yumuko lang ako at kinuha na ang naka-gift wrap na inabot ni ma'am. Napansin ko sa peripheral vision ko ang paglingon sa akin ni Jann na tila sinusuri ako. Hindi niya sinagot ang tanong ng aming professor. "Naku ma'am! Mukhang may lq ang dalawa. Hindi pinapansin si Michael eh. Hahahaha." "Mga batang ito talaga. Ayusin nyo yang lq niyo. Kayo pa man din ang paborito kong couple sa university na ito." Hiyawan ulit ang klase. "T-thank you, ma'am," ang token na binigay niya ang tinutukoy ko. Kahit na tinutukso pa kami ay hindi na ako umimik at nagtungo nalang ulit sa kinauupuan ko. "Uy Kristin. Si Michael nakatingin sa iyo. Pansinin mo naman," bulong ng seatmate ko. Hindi ako kumibo at nanatiling nakayuko lang.
Nagpatuloy lang ang klase pero ako, ito, lutang. Nakatuon ako sa pisara pero walang maintindihan ang utak ko sa diskusyon ni ma'am. Madalas ay napapansin ko ang madaliang paglingon ni Jann sa gawi ko at kung pano siya tuksuin ng mga seatmates niya kapag napapansin iyon pero isinawalang-bahala ko nalang ang lahat.
"Tin," bumungad ang maamo niyang mukha na naghihintay pala sa akin bago lumabas ng silid. "Sabay na tayo." Napariin ang hawak ko sa strap ng bag ko at baka bumigay ako sa mga masusuyo nyang mata. Umiwas ako ng tingin, "May pupuntahan pa ako. Mauna ka nalang." "Samahan na kita," mapursige niyang sambit. Hindi na ako nakaimik at nagpatuloy na sa paglakad, mabilis naman siyang nakasunod. "Kristin! Nagkita din tayo. Grabe ang tagal na nating hindi na nagkikita ah." "Lucy, ikaw pala," nakasalubong namin si Lucila sa lobby. Isa sya sa malapit kong kaibigan, nursing ang kurso niya kaya madalang nalang kaming nagkikita dahil pareho na rin kaming naaabala sa pag-aaral. Kita ko ang pagkinang ng mga mata niya nang makita si Jann. "Michael! Magkasama pala kayo." "Hi, Lucy. Kamusta?" Tuwang-tuwa siyang lumapit dito. "Mabuti naman. Ikaw? Ay nga pala, buti nalang nasalubong kita. Hihingi sana ako ng tulong sa'yo." Nakatitig lang ako sa kanila habang nag-uusap. May mga pagkakataong nahuhuli ko si Jann na napapakamot nalang ng batok niya. Teka, nagmumukha na akong tanga dito. Hindi naman ako kasali sa usapan nila. Dahil sa pagka-out of place ko ay nagpasyahan kong umalis na. "T-tin, sandali--." Alam ko namang may "crush" si Lucy kay Jann noon pa. Inamin niya sa akin yun bago pa ako ligawan ni Jann pero wala namang nagbago sa pagkakaibigan namin nang malaman niyang umamin sa akin si Jann. Minsan nga lang, hindi ko pa ring maiwasang magselos lalo't alam kong gusto ni Lucy si Jann. "Tin," naramdaman kong may humawak sa balikat ko para humarap sa kanya. "Tin, ano bang problema? Just tell me please. Nag-aalala na ko sa'yo." Problema? Ano nga bang problema? Tama. Wala nga pala. Nasa akin lang ang problema. At isa lang ang alam ko, ayokong idamay pa siya sa tuwing aatakihin ako nang pagkabalisa dahil sa kakayahan ko na parang sumpa sa akin. Umiling ako sa tanong ni Jann. "Jann, I'm giving you a chance to find someone better. Hindi ako ang para sa'yo. I know you deserve better. Marami ka pang mahahanap na babae na mas normal at mas kaya kang mahalin, na wala kang pinag-aalala. Hindi tulad ko." Ang sakit na sa akin mismo manggaling ang mga katagang iyon. Pero hindi ito ang oras para maging makasarili ako. Kailangan ko ding bitawan si Jann kahit masakit. Sobrang sakit kapag naiisip ko palang. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Namula ako bigla at nahiya na baka pinagtitinginan na kami. "Hey," hinaplos niya ang pisngi ko kaya napatitig ako sa mga mata niya. "Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo, Tin? Na hindi kita tatanggapin? Hindi pa ba sapat ang hindi ko pag-iwan sa'yo kapag nakikita kang nag-aalala sa mga nangyayari sa paligid mo?" Iniwas ko ang tingin pero agad niya iyong napansin kaya pinagtapat niya ang mukha namin. "Mahal kita, Tin. Mahal kita sa maraming rason, lahat ng maganda at pangit sa'yo minahal ko na. Kahit bigyan pa ko ng pagkakataon, wala akong babaguhin sa pagkatao mo kasi yan ka. Ito ang Tin na minahal ko." Unti-unting lumambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Nawala ang takot na bumabalot sa akin. "Kaya please, pagtabuyan mo na ako, pero wag mo naman akong utusang iwasan ka at lumayo ako sa'yo. Hindi ko kakayanin iyon, Tin. Please just let me. Hayaan mo lang akong mahalin ka." Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga hinlalaki niya. Ngumiti ako at tumango. Tama siya. Kahit ako hindi ko rin kakayaning lumayo sa kanya. Hahayaan ko na ang sarili na mahalin si Jann at sa tingin ko, sa bawat araw mas lumalalim pa ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Dinala niya ko sa mga bisig niya at niyakap ako na siyang ginawa ko din pabalik. Sa di kalayuan ay nakita ko si Lucy nakatingin sa amin at di kalauna'y tumalikod na din at umalis. "I love you, Tin." "Thank you, Jann for loving me."