Chapter Two

1694 Words
“Kamusta?” Sinalubong ko sya pagkalabas na pagkalabas ko ng room. “Sus, sisiw ang finals. Syempre ikaw ang tutor.” Natawa ako sa tugon niya. “Sira. Eh halos ikaw ang may naituro sa akin. Salamat Jann.” “Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa akin.” Sabay kindat pa niya. “Baliw.” “Okay lang. Mahal mo naman.” Inirapan ko siya. Pero sa loob ko, kinikilig na ko sa mga banat nya. Alam kong hindi naman niya ako minamadali dahil binilin ko na din sa kanya na maghintay at sasagutin ko lang siya kapag nakapagtapos na kami. Walang alinlangan namang pumayag siya sa kondisyon ko at tuwang-tuwa pa na binigyan ko siya ng pagkakataon hindi katulad ng ibang mga lalaking nanligaw sa akin noon. “Mangarap ka ng gising.” “In denial pa eh.” “Che!” Inirapan ko uli sya. Pinitik nya ko sa noo pero hindi naman masakit. Tumawa sya. “Pikon.” Naglalakad na kami sa lobby para pumunta sa sunod naming klase. “Grabe! Terrorist attack daw eh. Yung sa coffee shop. Bakit kelangan pa nilang mandamay ng mga inosenteng tao?” “Oo nga eh. Napanood ko din yun sa tv. Kawawa yung mga taong namatay.” Usap-usapan iyon ngayon ng mga estudyanteng nakatambay sa labas ng kanilang mga classroom. Nalungkot ako sa narinig ko. “Tin,” hinawakan nya ang kanang pulsuhan ko kaya napalingon ako sa kanya. Marahan akong pumikit para pigilan ang nangingilid kong mga luha. “Jann, pano kaya kung nasi-sense ko din kung paano namamatay ang mga tao? Baka natulungan din sana natin sila.” “Shhh,” hinawakan niya ang pisngi ko. “Wala kang kasalanan, okay? Alam nating wala tayong magagawa nung mga panahong iyon. Wag mong sisihin ang sarili mo.” Sana kasi wala nalang itong abilidad na ito sa akin. Hinawakan ko ang kamay na nakahaplos sa pisngi ko. “Salamat Jann. Baka napano na ko kung wala ka. Salamat tanggap mo ko kahit na weird ako.” “Ano ba Tin? Hindi ka weird. I love you the way you are.” Impit akong natawa sa sinabi nya at hinampas siya sa balikat. “Ang corny mo.” Ngumisi sya sa reaksiyon ko. “Masanay ka na. Madami ka pang maririnig na ganyan sa akin.” Kinilig ako sa sinabi nya. Isa lang naman ang ibig sabihin nun - mas matagal ko pa siyang makakasama. Bumilis ang t***k ng puso ko nang maisip iyon. Ni-lock nya ang mga daliri namin at nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante ay binalewala ko na lamang dahil mas nakonsumo ang pag-iisip ko sa lalaking katabi ko ngayon. Ayokong pangunahan ang oras pero sana sya na ang makasama ko sa hinaharap. Namula ang mga pisngi ko nang tuksuin kami ng mga kaklase namin pagkarating namin sa classroom. Naghiyawan pa ang mga lalaki na sinita naman agad ni Jann. “Uy si Michael namumula. Yieee!!!” “Hindi kaya! Tigilan nyo nga ako!” Hinila nya ang silya ko at nang makaupo ay tumalikod na siya habang hinihimas ang batok na tila nahihiya. Nakitawa nalang ako sa mga kaklase namin, hindi ko mapagkaila ang kilig nang makita ang reaksiyon ni Jann. Nakatitig lang ako habang hinahampas nya ang mga kaibigang lalaki na tumutukso sa kanya. “Sagutin mo na kasi,” bulong sa akin ng seatmate ko. Nangalumbaba kong binalik ang tingin kay Jann at bumuntong-hininga. Soon. Masigla kong kinuha ang phone sa bulsa nang magring ito. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ni Jann sa screen. “Nakauwi ka na?” Agad kong pinindot ang reply button. “Oo. Kararating ko lang sa bahay. Ikaw?” Wala pang ilang segundo ay nakareply agad siya. “Nakauwi na din ako. Ingat ka dyan ah? Pakisabi kay tita hi. Ma-mimiss kita. ” Ibinulsa ko nang muli ang phone at hindi na sya sinagot dahil masyado na kong naantig sa sinabi nya. “Nak, maghain ka na at matatapos na ko dito.” Sigaw ni nanay mula sa kusina. “Sige po mie!” Kumuha na ko ng tigdalawang plato, kutsara, tinidor at baso. Kapag sabado at linggo ay minararapat kong makauwi ng bahay para makasama si nanay dahil wala na siyang kasama dito. Minsan ay nag-aalala na ko pero lagi naman nyang pinapanatag ang loob ko na maayos naman siya. Hindi naman daw siya nauulila dahil laging bumibisita ang mga kamag-anak namin sa kanya. Hindi ko na pinagtrabaho ang nanay sapagkat makakatapos naman na ako sa kolehiyo at pinangakong ako na ang bahala sa kanya kapag naging enhinyiro na ako. Salamat din kay Tita Cecilia na sumalo ng mga gastusin ko sa pag-aaral sa unibersidad at sa mga tulong din ni Jann kaya nakakapagpatuloy ako ng kolehiyo. Matapos kong maghain ay tumungo ako sa kusina. Nang matanaw ko si nanay ay nilalagay niya na sa mangkok ang niluto. “Mie?” “Oh nak? Naghain ka na?” “Opo mie.” Nilapag niya muna ang natapos nang lutuin at naglagay ulit ng kawali sa kalan. “Mie? Paano nyo po nalamang si tay na nga ang taong para sa inyo?” Naglagay siya ng mantika. Nilingon nya ko at ngumiti sa akin at saka bumaling ulit sa kanyang niluluto. Pinisa nya ang itlog at nilagay ang laman nito sa kawali. “Dahil alam kong siya lang ang lalaki gugustuhin kong makasama hanggang sa pagtanda ko.” Mapait akong ngumiti nang maalala ang tatay. Sana nga magkasama pa sila hanggang ngayon. “Hindi ka ba nagdalawang-isip mie nang malaman mong… kakaiba siya?” Nasilayan ko ang pagngiti nya, “ayan ba ang inaalala mong iisipin ni Michael?” Namula ako, “Mie naman!” Natawa ang nanay sa pagmamaktol ko. “Nak, tatanggapin ka ng taong mahal mo kahit sino at ano ka pa. Kasi kung hindi, hindi pagmamahal ang tawag dun.” Napangiti ako sa narinig. Tama si mie. Nag-iba ulit ang ekspresyon ko. “Hindi ba nahirapan si tay? Ang maramdamang may mamamatay bago niya pa masaksihan iyon.” Madalas hinihiling ko na sana wala nalang itong abilidad na ito sa akin. Ang mas masakit pa dun ay wala akong magawa para maligtas ang mga tao. 60 segundo. Ganun kabilis. Nararamdaman ko lang ang kamatayan nila 60 segundo bago nila sapitin yun. Walang palya ang abilidad ko. Nang matapos siyang magluto, nilipat niya na ito sa plato at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Hindi ko makakalimutan kung gaano kalungkot ang itay mo sa tuwing may makikita siyang namamatay sa harapan niya. Pero nak, isa din yun sa dahilan kaya mas minahal ko siya. Nakita ko kung gaano kalambot ang kanyang puso.” “M-mie, kahit isang beses lang po, m-may nailigtas ba ang tay?” Hinanda ko na ang sarili sa maaari niyang isagot pero bahagi nito ay ang kakaunting pag-asang namumuo sa akin. Lumungkot ang mukha niya at saka yumuko sabay umiling. Naluha ako at niyakap si mie. Baka nga ganito ang kapalaran: saksi at mata lang kami ng tay pero wala kaming kakayahan para baguhin ng nakatadhana. Matapos ang aming pag-uusap ay kumain na kami.  “Pinapabati ka pala sa akin ni Jann mie,” banggit ko sa kalagitnaan ng pananghalian namin. “Aba! Iyong batang iyon hindi talaga nakakalimot. Kelan mo ba kasi siya sasagutin anak?” Nanlaki ang mata ko at naubo pa sa tanong ni nanay. Kinuha ko ang baso at tinungga ang laman niyon. Natawa nalang ang nanay. “Mie! Hindi pa nga pwedeng maging kami ni Jann. At saka diba nga? Kelan ko munang makapagtapos para sa inyo.” “Ano ka ba anak? Wala namang kaso sa akin kung maging kayo na ni Michael. Ang importante hindi mo mapabayaan ang pag-aaral mo. Ano? Kelan mo na ba sasagutin?” Hindi matapos-tapos ang panunukso ni mie sa akin at hindi ko na maitago ang pamumula dahil sa pag-uusisa niya tungkol sa estado namin. Natawa nalang ang nanay nang nagmadali akong kumain at niligpit na ang pinagkainan ko at saka inilagay sa lababo. “Mie! Ilagay mo nalang sa lababo ang kinainan mo at ako na ang maghuhugas niyan mamaya.” Sigaw ko habang paakyat ng kwarto. Baka kasi kung ano na namang panunukso ang marinig ko. “Nak, pupunta muna ako kina Susan ha? Kukunin ko lang yung pinatahi ko,” paalam sa akin ng nanay nang buksan ang pinto ng kwarto ko. Nang umalis siya ay tumuloy na ako sa kusina para maghugas ng pinagkainan. Pagkatapos kong maghugas, pumasok ulit ako sa kwarto upang matulog. Nagising ako sa ringtone na nagmula sa cellphone ko. Nagkukusot pa ako ng mata ng kunin ang phone. “Hello?” “Tin? Nagising ba kita?” Nabuhay ang diwa ko nang marinig ang boses ni Jann sa kabilang linya. “Jann, ikaw pala.” “Sorry Tin, sige matulog ka na muna. Tatawag nalang ulit ako mamaya.” “Ano ka ba Jann? Okay lang. bakit napatawag ka?” Parang gugustuhin ko pa ngang marinig ang boses niya kesa matulog ulit. “A-ah,” nauutal niyang sagot na parang nahihiya pa. “Wala. Gusto ko lang marinig ang boses mo.” Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Niyakap ko ang unan at dumapa sa kama. Inangat ko pa ang mga paa habang sinasayaw ito. Bumuntong-hininga siya, “gusto na kitang makita.” “Ano ka ba? Sa Monday magkikita naman ulit tayo,” humalakhak siya, ang sarap lang pakinggan. “I know.” Pareho kaming natahimik, nagpapakiramdaman, pero hindi naman nakakailang. “Okay ka na ba? I mean tungkol sa nangyari…” “Mmm okay na ko Jann. Thank you sa lahat.” “Wala sa akin yun Tin. Bukal sa loob ko yun kasi mahal kita.” Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. Pero kalakip nun, ang pagkabahala. “J-jann--,” “Don’t worry Tin. I won’t rush you. Sincere ako nung sinabi kong handa akong maghintay sa iyo. I really mean it. I just want you to know that.” I smiled. “Salamat, Jann.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD