6 Months later Tahimik kong pinagmamasdan ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ng anak ko. Paminsan-minsan ay napapatingin din ako sa mga monitor sa tabi ng kama niya. Pinunasan ko ang mga luhang bigla na lang tumulo sa mga mata ko. Takot na takot ako ngayon. Halos hindi ko na maipikit ang mga mata ko sa takot na kapag pumikit ako ay bigla na lang mawala sa akin ang anak ko. Narito kami ngayon sa Lorma Hospital kung saan naka-confine si Mac-mac. May dengue ang anak ko. Bigla na lang siyang nag-nose bleeding at nahimatay habang nasa kalagitnaan ng kanyang klase. Sobra ang nerbyos ko nang itawag ng guro niya ang nangyari. Nang makita ko ang anak ko ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad ko na siyang isinugod dito sa hospital. Doon lang namin nalaman na may dengue nga ang bata. Hindi na na

