(PRINCESS MICHAELA'S POV) "Anong nangyayari rito?! Umalis na si Todd?!" naguguluhan at hindi magkaintindihang sambit ni Sandy. Hawak-hawak ng dalawang kamay nya ang kanyang ulo dahil sa problema. "Wala na tayong magagawa, Sandy. Si Todd na mismo ang nag-quit. Tutal, nandito na rin naman tayo ngayon, mabuti pa siguro kung ituloy na natin ang taping. Care, maghanda ka na. Ikaw ang papalit kay Todd," seryosong sambit sa amin ni Miss Kim. "Wait. Are you serious?" "Oo. Mukha bakong nagbibiro?" "P-pero wala pa akong sinasabi ah. And besides, why me?!" "Wala na tayong choice, Care. At isa pa, wala na tayong oras. Guys, ayusan nyo na sya. I"ll give you 30 minutes to prepare." wika sa amin ni Miss Kim. "Okay Care let's go aayusan ka na namin..." nagsilapitan na ang mga make-up artists at pin

