bc

My Girlfriend is an Alien

book_age0+
532
FOLLOW
2.3K
READ
like
intro-logo
Blurb

A stone-hearted young businessman falls in love with a princess whose spaceship crashed at the backyard of his house. Brought together by fate. Torn apart by love. Till death do they part. ©Angelique Amara. All rights reserved. (Tagalog)

chap-preview
Free preview
Prologue
(Princess Michaela's POV) Isang masaya at magarbong gabi na pagdiriwang ang nagaganap ngayon sa aming kaharian. Isang pagdiriwang para sa ika-labing anim na taon kong kaarawan. Isa sa pinakamalungkot na araw para sa’kin. Naririnig ko mula sa aking kwarto ang lakas ng tugtugan sa loob ng palasyo. Nag-aayos ako ng aking sarili para sa pagharap ko sa kanila mamaya. Isinuot ko ang isang mahaba at kumikislap na puting damit, ganun na rin ang aking mga mamahaling alahas. Inayos ko ang aking buhok at inilagay ang aking korona. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumabas na ng aking kwarto. Ito rin ang gabi na itatakda na kami ni Zander para magpakasal. Bakit hindi ako masaya? Dahil matalik kong kaibigan si Zander, at hanggang dun lamang ang pagtingin ko sa kanya. Dahil iniwan nya rin ang babaeng tunay nyang minamahal dahil sakin. Dahil hindi sya ang tunay kong pag-ibig. Mga kababaihan at kaginoohan, aking inihahandong sa inyo, si Prinsesa Michaela!” wika ng tagapagsalita nang magpakita ako sa kanilang lahat. Tumugtog ang trumpeta at nagpalakpakan ang mga bisita namin habang pinagmamasdan ako na bumababa sa hagdan. Mayamaya pa ay nakita ko ang aking ina at binati sya. “Ina,” wika ko at pagkatapos ay hinalikan ko ang kanyang pisngi. “Anak, maligayang kaarawan! Napakaganda mo,” sabi nya. “Salamat po ina.” Sabi ko. Patawad po ina. Ito na po ang huling gabi na makikita nyo ako. “Halika anak, batiin natin sina Zander at ang kanyang ama,” sabi niya sa akin. “Mayamaya ay iaanunsyo natin sa madla na malapit na kayong ikasal,” tuwang tuwang sabi ng aking ina. Nagpunta na kami sa kinaroroonan nina Zander at ng kanyang amang hari. Binati namin sila at kinumusta. Maya-maya pa ay hinila ko si Zander papalayo habang nag-uusap ang kanyang ama at ang aking ina. “Zander...” “Michaela, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni Zander sa akin. Nagtungo kami sa isang tagong lugar habang nag-uusap. “Oo. Tatakas ako. Ito lang ang tanging paraan para di matuloy ang kasal natin.” Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga sya. “Hindi mo kailangang umabot sa ganito Prinsesa. Anong mangyayari sayo pag nakatakas ka? Paano ka? Sobra sobra na ang sakripisyo mo para sa amin ni Shaira.” Sabi sa akin ni Zander. “Huwag kang mag-alala Zander. Magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka sakin. Pagtakpan mo ako habang wala ako sa pagdiriwang. Sige na, bumalik ka na dun.” Niyakap ako ni Zander. “Salamat, Prinsesa. Mag-iingat ka.” “Salamat Zander.” “Gabayan ka nawa ng Poong Maykapal.” Pagbabasbas nya sa akin. Tumakbo na ako at nagtungo sa lugar na kinaroroonan ng sasakyang pangkalawakan. Tiniyak kong walang makakakita sa akin. Nang makarating na ako roon ay sumakay na ako ng sasakyan at sinimulang patakbuhin ito. “Paalam, aking ina. Paalam, planetang Beafect.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dragon's Ice

read
461.5K
bc

The Thunder Wolves MC - Lizzy (Book #5)

read
46.1K
bc

The Alpha King's Rebellious Queen

read
450.7K
bc

The Thunder Wolves MC - Sophia (Book #4)

read
49.8K
bc

The Thunder Wolves MC - Jaylee (Book #1)

read
102.0K
bc

Alpha Nox

read
100.0K
bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
61.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook