Chapter 1

1969 Words
(CARE'S POV) "As you can see, the F-35 Lightning II is a family of single-seat, single-engine, fifth generation multirole fighters under development to perform ground attack, reconnaissance, and air defense missions with stealth capability. The F-35 has three main models; the F-35A is a conventional takeoff and landing variant, the F-35B is a short take off and vertical-landing variant,h and the F-35C is a carrier-based variant." Pagpapaliwanag ko sa loob ng meeting room kasama ng iba pang members ng corporation. I am currently presenting a new model of a military aircraft that will be approved by the board soon, I hope. Matagal-tagal na rin ang panahon na ginugol ko para maayos ang design na ito. I mean, matagal na panahon ang pinaghintay ko bago maayos ng nerd kong kaklase ang prototype, at fortunately, it was a success. Ni wala nga akong naicontribute kahit konting effort. Well, at least binayaran ko sya. Approval na lang ng board ang kailangan ko, at pagkatapos noon, money will follow me. Malaki ang tutubuin ko pag nagkataon. Ang galing ko talaga. "Mr. Williams, anata no atarashī purojekuto no dezain ni tsuite nani o iu koto ga dekiru?" tanong ng isang japanese investor. "Pardon?" I said. Hindi ko naintindihan ang sinabi nya dahil hindi ako marunong mag-japanese. Pssh. He should have said that in English. "He's asking about the design of your new project Mr. Williams." sabi nung babaeng anak ni Mr. Kikunae. Kakaiba syang makatingin. She smiles in front of me and it seems that she's excited of what I'm talking about, I guess. "Well, the F-35 has a maximum speed of over Mach 1.6. With a maximum takeoff weight of 60,000 lb (27,000 kg). The Lightning II is considerably heavier than the lightweight fighters it replaces. In empty and maximum gross weights, it more closely resembles the single-seat, single-engine Republic F-105 Thunderchief, which was the largest single-engine fighter of the Vietnam war era. The F-35's modern engine delivers over 60 percent more thrust in an aircraft of the same weight so that in thrust to weight and wing loading it is much closer to a comparably equipped F-16," I said while showing them my presentation. "That's quite a good invention, Mr. Williams," says Mr. Kikunae. Mr. Kikunae is also one of the presentors for this meeting. In short, kakompetensya ko sya. Humanga ka na lang sa galing ko, loser. "I know," I said. "So, Mr. President, what can you say about MY invention?" I ask Mr. Williams. Of course kaapelyido ko ang presidente ng kompanya. I am his son by the way. His only son. Nagtataka nga ako kung bakit nya pa ako pinapahirapan ng ganito. Kailangan ko pa bang makipagkumpetensya sa ibang presentors gayong pwede naman nyang tanggapin na lang ang proposal ko kung gugustuhin nya! Tss. "Well, I better check that first. Baka mamaya pumalpak yan, pangalan pa naman ng kompanya ang nakasalalay dito. For the meantime, I'm considering the design of Mr. Kikunae." says the President. "WHAT?!" sabi ko. How dare he! "Wala ka bang tiwala sakin?! For goodness sake ako pa naman ang anak mo!" I utter. "Mr. Kikunae is a veteran scientist that has proven a lot and make all impossible things possible. Marami na syang inventions na na-introduce sa public at ginagamit na ngayon. I know he will not disappoint me on this, am I right Mr. Kikunae?" sabi ni Dad. "Of course Mr. President. Thank you for trusting my invention. Hindi ka mabibigo, sinisigurado ko yan." sabi ni Mr. Kikunae. Sumang-ayon na din sa kanya ang iba pang members ng board. That only means one thing: I'M THE LOSER. Palagi na lang. Tsk. Natapos na ang meeting at naiinis akong lumabas ng meeting room nang bigla akong tinawag ni dad. Hindi na sana ako lilingon pa kaya lang nakakahiya sa ibang tao kung babastusin ko tong matandang to. "Mr. Williams," he called me. Lumingon ako sa kanya. "You should talk to Ms. Moe Kikunae. Congratulate them, makipagkaibigan ka sa kanya. Mas mabuti kung magiging close kayong dalawa lalo na't tatay nya ang magiging developer nang new product ng Williams Advanced Development Project." So, Moe pala ang pangalan nung babaeng ngiti ng ngiti ka akin kanina. Pero bakit naman ako makikipagkaibigan sa kanya? Para lalong mapahiya? "At bakit ko naman gagawin yun? Pinahiya mo na nga ako sa harap ng maraming tao tapos gusto mo pang i-congratulate ko sila dahil sila ang dahilan kung bakit nawala ang deal sa akin? Nice." I said sarcastically. "Watch your tongue, Mr. Williams. Besides, gusto kong pakasalan mo si Moe. Mas makakatulong ito sa future ng company. Magiging permanente na ang kontrata natin kay Mr. Kikunae kapag naging parte na ang kanyang anak ng ating pamilya." "WHAT?! NO WAY!" I said. Ayokong magpakasal! "Dad, bata pa ako! I'm just 16!" "Mr. Williams, this is business! Alam mo dapat kung anong pinasok mo. Pinili mong maging parte ng kompanyang ito kaya panagutan mo ang mga responsibilidad mo! Besides, Ms. Moe Kikunae has the same age as yours. Look at her. Responsable syang anak. I talked to her about this and she said that she's willing to marry you for the sake of this company!" "What?! You already told her about this without even informing me first?!" napasigaw ako. Nakuha ko tuloy ang lahat ng atensyon sa loob ng meeting room. As if I care anyway. "This is too much, dad." sabi ko sa kanya. Umalis na ako. Wala na rin namang patutunguhan ang usapan namin. Matatalo lang ako lalo at ako pa ang lalabas na bastos! Mas bastos sya sakin dahil pinapakelaman nya ang buhay ko! Palagi na lang nyang sinisira ang araw ko. I hate him! Gabi na nang umuwi ako sa bahay. Naiinis parin ako. Ang sama ng araw na'to. Kasalanan to ng nerd na yun eh. Kung di sana nya mas pinaganda ang presentation edi sana ako ang nakakuha ng deal at hindi si Mr. Kikunae! Tapos ipapakasal pa ako sa anak na babae ng kurimaw na yun! Ayokong magpakasal! Kasalanan talaga to ng nerd na yun! Humanda sya sakin bukas. "O ano na namang problema mo Care? Bakit parang ang sama-sama ng tingin mo sa harap ng pagkain? Kumain ka na nga at baka mamaya sumakit pa ang tyan mo at ma-karma ka. Wala namang ginagawang masama yung pagkain sa'yo para tingnan mo ng ganyan." sabi ni Danica, pinsan ko. Tumayo na ako. Wala na akong ganang kumain. "O, pasaan ka?" tanong nya. "Tutulog." sabi ko. Pssh. Ang daldal nya kasi lalo tuloy akong nawalan ng gana. Magkukulong na nga lang ako sa kwarto. "Okie. Kung ayaw mong kumain edi wag. Matulog ka na nga lang para di ka malate sa skul bukas." sabi nya. Then she put a spoonfull of rice inside her mouth. "Wala silang pakealam. Ako ang may-ari ng skul kaya wala silang magagawa kung late man akong pumasok! Pssh." "Fine Mr. Williams. Well, goodluck na lang sa studies mo ha. Ikaw na nga ang may-ari ng school. Good night, sleep tight. Don't let the bedbugs bite!" she says sarcastically. Tapos nag-roll eyes sya at nagpatuloy sa pagkain. Whatever. Matutulog na talaga ako. Nahiga na ako sa kama at natulog. Wait, hindi ako makatulog! Naaalala ko kasi yung mga nangyari kaninang umaga! Nakakainis! Sa akin dapat ang deal na yun at hindi kay Mr. Kikunae. Wala ba talagang tiwala sa akin si dad?! At isa pa, masama ang kutob ko dun sa Mr. Kikunae na yun. Pakiramdam ko may kung ano mang masamang binabalak yun sa kompanya namin. Wala namang masamang magbintang diba? At yung anak nya...arrggh! Problema na naman to! Kilala ko si dad. Sigurado akong mangyayari lahat ng lumabas sa bibig nya! Isip ako ng isip hanggang sa napatingin ako sa wallclock. Ano kayang oras na? Madilim na sa kwarto ko kaya di ko na maaninaw yung orasan. Di bale, i-vovoice command ko na lang. "What time is it?" I mumble. "It's 2 o'clock in the morning young master." says the clock. Nakakainis! Naalala ko na naman si Mr. Kikunae. Galing kasi sa kanya itong clock, wedding gift daw nya sakin. Wedding gift?! Kung makapagbiro naman sya sakin parang close kami. Napakaplastic. Tss. Di ko nga kilala yung anak nya tapos wedding agad?! And one more thing. As if naman na magpapakasal ako sa anak nya noh! Teka. Two o'clock na pala. Pano pa ako makakatulog nito?! Haist. Seven o'clock pa naman ang class ko. Okay lang. Wala silang magagawa dahil ako ang boss. Pero naiirita pa rin ako! Naiinis kong sinakluban ng kumot ang mukha ko. Mayamaya pa ay may narinig akong isang sobrang lakas na dagundong sa may labas ng bahay. Nayanig nga yung lupa sa sobrang lakas eh. “Huh?! Ano yun?!” Napapiglas ako sa kama. Parang may nag-crash. Ang lakas kasi ng impact sa lupa. Parang yung napapanood ko sa movies sa tuwing may bumabagsak na eroplano o UFO sa lupa. Teka…ibig sabihin ba nito…may nag-crash na eroplano somewhere here?! Tumayo ako at dali-daling sumilip sa bintana. Bale nandun ako sa third floor ng bahay kung saan makikita mo kung anong meron sa labas kahit malayo. May nakita akong nasusunog. Ang laki ng usok sa buong lugar. Siguro mga 100 meters away ang layo nito mula sa gate ng mansion namin. Our mansion is located inside a remote area. Our family owns this land. Puro puno, bundok at halaman lang ang mga makikita mo dito dahil bahay lang naman namin ang nakatayo. Dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. When I reach the place, bumaba na agad ako ng kotse dahil nagulat ako sa nakita ko. "Teka...totoo ba tong nakikita ko…ugh!" sabi ko habang napapaubo sa sobrang dami ng usok. I'm seeing a spaceship in front of me. I haven't seen one before pero alam kong spaceship ang isang ito dahil napaka-peculiar ng design. Pabilog sya, hindi kagaya ng shape ng isang airplane o helicopter. Hindi sya ganung kalaki, isang tao lang ang pwedeng sumakay rito. Nagcrash ito at nasusunog na. Medyo lumayo ako dahil baka ma-suffocate ako sa usok. Pero as I watch carefully, parang may nakikita akong naglalakad palabas ng spaceship. Tiningnan ko pang mabuti. Meron nga. Is that an alien?! No. I don't think so. Mukha syang tao. She looks like a woman dahil sa shape ng katawan nya. Baka naman isa lang syang space traveler na kagagaling lang sa isang expidition. Pero bakit sya naka-gown?! Yun na ba ang bagong mobile suit ng astronaut ngayon? Parang ang labo naman. Nakasuot sya ng isang plain white long gown na sleeveless at fit sa bandang taas kaya nababakat ang slim nyang katawan, tapos loose na pababa. Kaya lang hindi sya kasing-seksi ni Angel Locsin kasi ang liit ng hinaharap nya. Hmm. Siguro nasa five feet lang ang tangkad nya. Mahaba at kulay itim ang buhok nya na umaabot sa likod. Mukhang hinang-hina na sya at kailangan nya ng tulong. Naglakad lang sya palapit sa akin. Nakatayo ako sa harapan nya malapit sa kotse ko at lalo akong nagulat. Biglang nagliwanag ang mga kamay nya. This is so impossible. I think that this girl is not human. I'm quite sure about it. "Hajdhsiwhsbsjskajagsgba..." sabi nya habang naglalakad sya papunta sakin. "What..?" tanong ko dahil indi ko maintindihan kung anong sinasabi nya. Pagkatapos noon, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinaglapit ang mga noo namin. Tapos napapikit na lang ako at biglang nagkaroon ng liwanag sa isipan ko...isang nakakasilaw na puting liwanag. Sobrang nakakasilaw kahit nakapikit na ako. Kasabay ng liwanag nayun ang isang nakakabinging ugong na tanging ako lang ang nakakarinig. Isang ugong na sobrang nakakasakit sa ulo. Pakiramdam ko rin na parang na-d-drain ang lakas ko sa katawan dahil sa liwanag nayun. Ang babaeng ‘to, hinihigop nya ata ang lahat ng impormasyon sa utak ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD